Ikalabing-apat

47 0 1
                                    

Ikalabing-apat

"Ano 'tol, kamusta weekend mo?" rinig kong tanong ni Eronin kay Chan pagdating ng lunes. "Nakausap mo na ba ang ama mo?"

"Hindi pa, eh. Mamaya nalang siguro."

Nanlaki ang mata ko ng biglang yakapin ni Eronin si Chan. Hala. Nabading na ang baby mo, brain!

"Namiss kita Chan," sabi nito sa bestfriend niya. "Magiging okay din ang lahat. Wag kang mag-alala."

Kumalas siya ng yakap nang maluha-luha na si Chan.

Ano bang problema ng tsinoy na 'to?

"Salamat, Eronin."

Nagngitian silang dalawa. Umiwas naman ng tingin si tsismosang ako. Nakaramdam kasi ako na parang titingin si Chan sa pwesto ko. Mala-ninja tuloy akong nagbaling ng ulo.

Kapapasok lang namin. Muntikan pa kaming ma-late. Aba, 6:45 na hindi pa nagigising iyang si Eronin, e alas siete kaya ang pasok namin. Kahit kailan talaga tulog mantika 'tong ulupong na 'to.

Salamat talaga kasi 'yung subject teacher namin ang late kung hindi, napagmulta na kami ng limang piso. Ganoon kasi ang patakaran. Kapag nauna sa'yo ang teacher, magbabayad ka ng lima para madagdagan ang class fund. Kahit talaga saan, laganap ang korapsyon. Tsk.

"Nakikinig ka ba ng usapan namin, Summer?" rinig kong tanong ni Eronin. Tumingin ako sakanya pero kunwari ay nagulat ako.

"Ha? Hindi ah."

Oo. Palagi. Gusto kong irapan ang mapang-asar na reaksyon niya pero nanatili akong magmukhang walang alam.

"Feeling kayo. Tahimik akong nagsusulat dito 'no," dugtong ko pa. Ipinakita ko ang papel at ballpen ko sa kanya. Si Chan Sy, hindi man nakatingin sa'kin, pero halatang nakikinig. Hmp. Kunwari pa 'to. Pabebe.

"Weh?" nakangiti ang mokong. Nyeta. Nakakasilaw.

"Edi 'wag kang maniwala."

Kinunutan ko siya ng noo kaya tumigil na siya sa pang-aasar. Saktong humangos si Sir papasok ng classroom. Nagsiayos kami lahat ng upo.

Ngayon ang general preparation para sa graduation namin next week kaya kailangan present kaming lahat. Araw na lang ang bibilangin, magpapaalam na kami sa Calagayan National. Ayos narin siguro 'to. Ilang linggo narin kasi kaming natutulig sa pagpapaulit-ulit ng graduation song. Balak pa yata kaming gawing choir ng mga teachers.

Tinalakay lang ni Sir na adviser namin kung magkano ang babayaran, kung anong oras, kung ano ang dapat isuot, at kung ano ano pang mga detalye na gusto niyang sabihin. Hindi man ganoon karami ang mga kaibigan ko, aminado naman akong mamimiss ko ang mga pagmumukha nilang lahat.

Kru. Ito na ba 'yung time na iiyak ako?

"Summer," tinawag ako ni Eronin bago ako lumabas ng room. Wala namang naganap na espesyal sa araw na ito bukod sa magagandang ngiti sa'kin ni Eronin kanina sa graduation practice. Nagkirihan lang kami kanina, in short. At ngayon nga, eto, uwian na kami.

"Ihahatid lang kita pauwi, ah? May pupuntahan kasi kami ni Chan."

Ay, sosyal.

"Nagpapaalam ka ba sa'kin?" tanong ko habang inaayos ang magic tape na nagdidikit sa sapatos ko.

Halata ang biglaang pag-pink ng pisngi niya. Nahihiya ba 'tong kumag na 'to?

"Parang? Ewan."

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon