Dalawampu't Siyam

14 0 0
                                    

Dalawampu't Siyam

Gasgas na. Luma na. At nakakasawa nang marinig at maranasan: na hindi lahat ng bagay na hinihiling mo ay ibinibigay sa'yo.

First year. Second sem. Ang semester na hindi namin akalaing magpapabago sa buhay naming lahat.

As usual, maaga kaming dalawa ni Eronin para sa unang araw ng pasukan. Siyempre, malungkot na hindi na kami magkaklase, pero napag-usapan na naman namin na kapag vacant, magkikita kami, sabay kaming mag-lunch, at sabay kaming uuwi kahit na 7 PM pa ang awas ko tuwing Tuesday at Thursday. Planado na ang lahat. . . liban sa isang bagay.

"Uy, 'tol. Nakita mo na ba 'yung transferee sa section 2?" bungad na tanong ni Ian pagkadating namin sa tambayan, sa harap ng school.

Agad naman na umiling si Eronin. "May transferee daw?"

"Oo, eh. Chicks nga raw, eh. Sabi ni Christin," sambit pa nito. "Ka-block niyo raw."

"Hoy!" Binatukan ni Jaya si Ian, saka kami tinurong dalawa ni Eronin. "Mahiya ka naman kay Summer. Talagang idinadamay mo pa si Eronin sa kamanyakan mo, ano?"

Classmate ko si Ian, Jaya, Neil, Jerik, at Apollo sa section 1. Tapos sila Christin, Emma, Michael, Lance, at Eronin naman sa section 2. Wala namang categorization sa sectioning, pero ayun nga lang, nakakabadtrip parin dahil pinaghiwalay pa kami ng section.

Inakbayan ako ni Eronin at binulungan. "Promise, hindi ako titingin sa iba. Kayo lang ni Brain mo ang loves ko."

Shit.

Muntik na akong mapahagikgik sa sobrang kilig. Pasalamat na lang ako at natakpan ko agad ang bibig ko, kung hindi, katakot-takot na pagtatago ng mukha na naman ang gagawin ko.

"Girl!" As usual ay hinila na naman ako ni Christin palayo kay Diaz. "Papa Ero, pahiram ulit kay Summer my loves!"

"Basta ibalik mo!" nagtawanan sila nang sumagot si Eronin at dinala ako ni Christin sa isang bench at iniupo.

"Girl, imbyerna me," bungad niya sa akin sabay sandal sa balikat ko.

"Bakit?"

"Kakaloka si Ate Girl na transferee. Ang ganda! Inggit me, huhu."

"Maganda ka para sa akin. Kaya 'wag kang mainggit."

"Awwww." Niyakap niya ako ng sobrang higpit saka pinisil-pisil ang braso ko. "Kaya loves kita, Summer, eh!"

Tumawa siya at ngumiti ako.

"Kaso, mukhang kilala siya noong konyotik na 'yon kaya nakakabwisit."

"Ha?" Si Apollo?

"Oo, nakita ko, kausap niya kanina si Ate Girl. Nagtatawanan pa sila, akala mo naman kinagwapo niya 'yon. Sus."

"Bakit, selos ka?"

Napaayos siya ng upo saka ako tinignan ng masama. "Girl, ha. Kailan ka pa naging kalahi nila Emma? And for the nth time, utang na loob, 'wag niyo nga akong i-pair sa konyotik na 'yon, 'no! Yuck!"

"Kalimutan mo na kasi 'yung nagyari dati. Mabait naman si Apollo, eh."

"Eh ke mabait, ke ala-demonyo. Wala akong pake," maktol niya. "Ang nakaraan ay hindi mabubura ng kasalukuyan. Tandaan mo 'yan, girl. Grrrr!"

"Ikaw bahala," nasabi ko na lang. "Pakitulungan na lang si Eronin sa mga gamit niya, ha? Medyo makakalimutin kasi 'yon."

"Alam mo, girl. Konti na lang, bibigyan ko na kayo ng Ulirang Mag-jowa award!" Hinampas niya ang binti ko. "Nakakaloka kayo. Alam mo ba na ibinilin ka ni Papa Ero kay Ian at Neil? Bakuran ka raw, chuchu! Nako! Nakakainggit. Akin na lang kasi Si Papa Ero. Gusto ko ganoon ka-sweet boyfriend ko."

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon