Ikapito
May nakapagpatunay na ba na ang pagbatok ay isang way para matauhan ka? Ewan ko pero binatukan ko si Eronin.
Nabigla siya at nanlaki ang mga mata. "May nasabi ba akong mali?"
Naiinis ako sa kanya at sa sarili ko. Hindi ko kasi mapigilang umasa na naman pero sinasalungat ako ng mga sinasabi nitong katabi kong baliw na lalaki.
"Parang?" sabi ko. "Eronin, 'wag mo na nga akong paasahin, please lang. Kung pakiramdam mo, nagi-guilty ka kaya mo sinasabi lahat ng sinabi mo, tigilan mo na. Kasi sanay naman na akong hindi mo ibinabalik lahat sa'kin eh, 'wag mo na akong paasahin, utang na loob."
Hindi siya sumagot. Naninikip ang dibdib ko. Hindi mo ba dedepensahan ang nararamdaman mo para sa'kin?
Napangiti ako ng mapakla. Tama siguro lahat ng sinabi ko. Ilang minuto na, hindi parin siya umiimik. Awkward na ang paligid. Ang tagal na naming nagtititigan pero hindi naman siya nagsasalita. Umiwas ako ng tingin.
Pang-ilang paasa at hopia moment mo na ba 'to, Summer?
Makalipas ang ilan pang minuto, nagulat ako nang maramdamang hinawakan niya ang kamay ko. Kinabahan ako sa impact ng pagdidikit ng mga balat namin kaya pinilit kong tanggalin pero nanigas ako nang sabihin niyang, "Hayaan mo munang masigurado ko ang nararamdaman ko sa'yo. 'Wag mong aalisin 'yan," aniya, malamlam na nakatingin sa'kin. "Pagkatapos ng five minutes tapos wala akong naramdamang kakaiba para sa'yo, iisipin kong tama ka."
Lumakas pa lalo ang kabog ng dibdib ko. So ano 'to? Body and love situation? Kapag sinabi ng katawan niya na gusto niya ako, gusto niya ako. Pero kapag hindi...?
Naiiyak na naman ako. Eronin Diaz naman, bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito? Habang buhay na akong umaasa sa'yo, utang na loob naman.
By habit, nag-stay sa mukha niya ang mga mata ko. Hinuhulaan ko ang nasa isip niya habang tahimik siyang nakapikit. May epekto ba 'to? naisip ko. Sa paghawak ba ng kamay, malalaman mo ba na gusto mo ang isang tao? Legit ba 'to? May nagawa na bang test ang mga scientist na nagpapatunay na pwedeng batayan ng nararamdaman ang paghawak sa kamay sa loob ng limang minuto?
Unti-unti akong naparanoid. Paano kapag hindi? Paano kapag wala s'yang naramdaman? Paano nalang kami? Ako? One day paasa day na ba ang bagong itatawag ko sa Anniversary nila ng utak ko?
Osyet. Sinong niloko mo, Summer? Hindi na utak mo ang nasa alanganin ngayon kundi mismong ang puso mo na. Aminin mo man o hindi, ang magiging desisyon niya after five minutes ang magiging basehan ng pagkakaibigan niyo at ng nagpapalpitate na puso mo sa loob ng maliit mong ribcage.
3 minutes na. Inoorasan ko. Hindi maalis ang eyeballs ko sa mukha niya kahit na alam kong tinitignan kami ng ibang tindera sa katabi ng stall na pinag-uupuan namin. Wala na akong pakialam. Sa kauna-unahang pagkakataon, nawalan ako ng pakialam sa paligid.
4 minutes na ang lumipas. He suddenly opened his eyes. I was shocked.
"Akala ko ba 5 minutes?" Kinakabahang tanong ko.
Matama niya akong tinignan bago siya umiling iling.
OUCH. Iyon na ba ang sagot? Nanghina ako bigla. Ang sakit din pala. Binigyan ka ng pag-asa tapos biglang... aray talaga.
Sa tagal niyang hindi nagsalita, napagpasyahan kong bawiin na ang kamay ko. Tapos na ang chance niyo sa isa't isa, Summer. Ang dapat mo nang gawin ngayon ay umuwi kasi sobra mo nang ipinapahiya ang sarili mo. Hindi ka naman ganyan diba? Pero bakit pagdating kay Eronin, nakakayanan mo lahat?
Nararamdaman kong naluluha ako habang nag-aayos ng sarili. Niyakap ako ni Eronin nang papatayo na ako.
"Tama na, Eronin. We had our chance. And that chance is over. Magkaibigan parin naman tayo diba?"
Pinipilit kong alisin ang kamay niya pero hindi siya nagpaubaya. "Humarap ka sa'kin, Summer."
"Para saan pa? Hi---
"Basta humarap ka."
Niyakap niya ako bigla. Kahit ako, nanlaki ang mga mata ko. Sa gilid namin, ramdam ko na may nakikiusyosong mga tao. Hindi ako nakapag-salita.
"Nagmulat ako kasi hindi ko na kailangang hintaying mag-five minutes para malaman kong... gusto kita," aniya na ikina-init ng gilid ng mata ko. Syete ka, Eronin. "Kasi the fact na hawak ko ang kamay mo at katabi kita ngayon, hindi ko na ma-imagine na darating ang araw na may ibang taong hahawak diyan o tatabi sa'yo. Ngayon alam ko na..."
Kumalas siya ng yakap sa'kin. Tinignan niya ang mukha kong sabog sa pag-iyak.
"Alam ko na kung bakit ayokong makita kang kasama ng iba," Nakita kong napapaiyak narin siya. "Kasi pala matagal na kitang gusto. Tanga lang ako kasi hinintay ko pa ang ilang taon para mapansin itong feelings ko na hindi ko maretrieve kasi sa iba ako pilit na tumitingin. Sorry ah?"
Tumango ako sakanya kahit blurred na ang paningin ko dahil sa luha. O Diyos ko, naiiyak ako sa sobrang kagalakan. Sa wakas!
Parehas pa kaming napalingon nang biglang may magpalakpakan sa harap namin. Marami na palang tao at enjoy na enjoy silang nakatingin sa'ming dalawa. Nang mapansin kong may isang babae na vine-videohan kami, agad kong hinila palayo si Eronin.
Naku po! Umover na pala kami sa paggawa ng eksena.
Hinihingal kaming dalawa nang makarating sa may entrance ng SM. Abot abot ako sa paghinga nang mapansin ko siyang nakangiti na parang timang sa akin.
"Nahihiya ka kaya ka tumakbo, ano?"
Umiwas ako ng tingin. "Obvious ba?"
Tumawa siya. "Oo, eh."
Bumuntong hininga naman ako. "So, paano na 'yan?"
Tinignan ko ang mga kamay naming magkadikit parin hanggang ngayon. Parang may nabunot na malaking tinik sa puso ko. Parang hindi ito totoo.
"Anong paano na 'yan?"
"Paano na tayo?" sabi ko. "Walang magbabago?"
Ngumiti ako at ganoon din siya. "May nabago na. Gusto na kita, eh."
Nag-init ang mukha ko kaya nahampas ko siya. "Para naman 'tong kulugo, eh." Tumawa kami parehas. "I mean--
"You mean, walang magbabago. Friends parin tayo."
Tumango ako, nakangiti. "Tama."
-&-
.
Author:
Pinapaalala ng aking brain cells na ang lahat ng terminolohiya, tagpo, pangalan ng lugar, pangalan ng tao o bagay, mga insidente, at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Sinasabi ko na ito ngayon palang dahil sa daming beses ninyong makakasalamuha ang imaginary place na Calagayan ay pihadong maloloka kayo kung talaga bang nag-eexist ang lugar na ito.
Nagpapaalala, Cha xx
BINABASA MO ANG
Summer's Love
Teen FictionFirst part of the FOUR SEASONS OF LOVE collection of stories. This is Summer Madrigal. Start: May 11, 2016 End: January 5, 2018