Dalawampu't Pito

10 0 0
                                    

Dalawampu't Pito

"Hello po, Aling Lian. Happy birthday." Kumaway ako sa camera at nakita kong ngumiti ang Mama ni Eronin. "Kamusta na po kayo r'yan?"

"Salamat, Summer. Ito. Sa awa naman ng Diyos ay maayos," sagot niya sa akin. "Ang laki mo na, ah? At ang ganda mo pa rin."

Naramdaman kong sinundot ako ni Eronin sa tagiliran ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Pang-asar namang ngumiti ang siraulo.

"Aling Lian. Lumalabo na po yata ang mata n'yo."

"Ay, nako." Tumawa siya. "Ikaw talaga, Summer. Hindi ka na nasanay na pinupuri ka."

"Wala naman po kasing pupurihin."

Nahihiya akong tumawa saka ako nagpaalam sa kaniya at ibinigay kay Eronin ang tablet na hawak ko. Kinausap niya ang Mama niya. Nang mabati na niya ito ay iniabot niya naman ang tablet kay Mang Noli na lumayo para makapag-usap silang dalawang mag-asawa.

Naiwan kami ni Eronin sa lamesa kaharap ang mga handang pinrepare nilang mag-ama.

"Masarap 'tong shanghai." Nilagyan niya ako sa plato saka ipinakain sa akin. "Ako ang nagluto n'yan."

"Talaga? Kaya pala hindi masarap."

Napasimangot siya sa sinabi ko.

"Sige, ha? 'Wag kang kumain."

Tatawa-tawa akong kumagat ulit sa shanghai na ipinagmamalaki niya.

Kainis. Bakit ba ang cute ng Baby mo, brain?

"Joke lang. Ito naman, napakamatampuhin mo."

"Paano naman kasi, niluto ko 'yan para sa'yo tapos sasabihin mo hindi masarap," reklamo niya.

"Joke nga lang, 'di ba?"

"Hindi, walang joke-joke."

"Gano'n?"

"Oo. Kailangan muna ng kiss."

Hinabaan niya ang nguso niya kaya napatawa ako ng malakas.

"Kadiri."

Wow. Brain, ano ang kadiri doon? Eh, kung pagpantasyahan mo nga ang isang 'yan, kulang na lang ay magpatayo ka ng rebulto sa kwarto mo.

"Aray." Umarte siya na tila nasasaktan. "Ang hard mo po."

"Ito. Ikain mo na lang 'yang kabaliwan mo." Sinandukan ko siya ng spaghetti sa plato at sinabayan ko siyang kumain.

"Summer?" pagtawag niya habang ngumunguya ako ng puto. Hawak niya noon ang cellphone niya at panay ang tunog ng kaniyng Messenger.

Sa totoo lang, kanina ko pa gustong silipin ang cellphone niya pero hindi ko magawa. Kung ayaw kong pinakikialaman ang mga gamit ko, siyempre ganoong respeto rin ang ibinibigay ko sa ibang tao. Kahit pa si Eronin 'yan. O kahit pa sila Nanay.

"Oh?" Tinignan ko siya.

"Nag-chat sila Christin, nagyayaya mag-SM. Sasama ba tayo?"

"Ikaw gusto mo ba?" Panay ang subo ko sa pasta. Hindi siya nakatingin sa akin dahil busy siya sa kaka-type.

"Okay lang."

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon