Dalawampu't Tatlo

6 0 0
                                    


Dalawampu't Tatlo

"Nababaliw ka na ba?" sabi ko sa kaniya. Luluwa na ang mga mata ko sa pagkabigla. "Iuwi mo ako! Lagot ako kay Nanay nito!"

Oo, hindi ako mag-iinarte kung buong araw kong kasama si Eronin... sa Calagayan. Pero sa... Batangas? Oh my Gahd. Papatayin ako ng Nanay ko!

"Pumara ka! Pumara ka na!"

Pinipigilan ko lang talagang sumigaw kahit na nagpapanic na talaga ako. May mangilan-ngilang pasahero nang nakakapansin sa biglaang pagkawala ng tino ko pero nasurpresa ako na hindi ko sila gaanong binibigyan ng pansin, bukod sa epektong panginginig ng kaunti ng aking kamay.

Walang sagot na ibinigay sa akin si Eronin habang may inaabot siya sa bulsa niya. Maya-maya, may kausap na siya sa cellphone.

"Kasi po, ayaw pong kumalma."

"Hoy!" Tinangka kong agawin ang cellphone pero pilit niyang inilalayo. Ako ang nahihiya doon sa katabi niya dahil kanina pa niya nadadali. "Sino 'yan?! Pakausap nga!"

"Opo... opo..." Tumatango pa siya habang pinipigilan ng isang kamay ang paglapit ko sa cellphone. "Ang kulit nga po, eh. Papagalitan niyo raw po siya."

"Si Nanay 'yan?!"

Hindi niya talaga ako pinapansin at pilit na inilalayo ang cellphone.

"Sige po... Salamat po, Aling Helen."

Tinapos niya ang tawag. Tumingin siya sa akin nang nakangiti pero inirapan ko lang siya.

"Sabi ng Nanay mo, hindi raw siya galit at hindi rin siya magagalit pagkauwi natin."

Inakbayan niya ako pero tinanggal ko lang ang braso niya.

"Summer...." naglalambing na naman 'tong Diaz na 'to! "Summer naman... Okay nga lang kay Aling Helen."

Naku, baby! D'yan ka magaling, eh! Sa paawa effect na ganyan! Tapos ito namang utak ko, likas na malandi! Ugh.

"Hindi lahat ng surprise, nakakabuti sa puso, Eronin," pagsuko ko. Bakit ba hindi ko matiis ang siraulong 'to? "Alam mo namang ayokong hindi nagpaaalam kayla Nanay kapag aalis tayo."

"Hindi mo naman kailangang magpaalam dahil sila mismo ang may idea na umalis tayo."

"Kahit na... Iba pa rin 'yong personal akong magpapaalam," giit ko. "Alam mo namang ayaw kong nag-aalala sila Nanay sa akin."

Tila frustrated na ang itsura ko. Hindi ako makatingin kay Diaz kahit na naramdaman kong muli ang pag-akbay niya.

Akala ko'y wala na siyang balak magsalita pero nagulat na lang ako nang isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya.

"Bakit ba ginagawa mo sa'kin 'to, Summer?"

Iniangat ko ang ulo ko at muntik na akong himatayin sa distansya ng mukha ko sa mukha niya. Gusto kong umalis sa pagkakahilig pero ipinirmis niya ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko'y malalagutan ako ng paghinga.

Napansin ko siyang nakangiti.

"A-anong ginawa ko sa'yo?"

Ibinaling ko ang tingin ko sa iba dahil baka talagang hindi na ako makauwi sa bahay kasi namatay na ako sa sobrang kaba.

Hala naman, Heart. Kalma. Wala kaming pampagamot kapag nasobrahan ka sa—

"Bakit mo ako binibigyan ng maraming dahilan para mahalin ka?"

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon