Ikasiyam
May narealize ako: posible palang magkagusto ka sa sampu o sa isang daang tao, pero 'yung puso mo, isa lang pala talaga ang pwedeng mag-may ari.
Sumisikip kasi ang dibdib ko habang patago kong pinagmamasdan si Eronin na nakatingin kay Freya na kadaraan lang sa labas ng classroom namin. Halos mabali na ang leeg ni Eronin. Pero nang mapunta sa akin ang tingin niya, bigla siyang yumuko.
Tumabi siya sa upuan na katabi ng sa akin sabay kuha sa kamay ko, "Sorry, Summer. Hindi ko na uuliti--
Pinigilan ko siya. "Huwag kang magpaliwanag, Eronin."
Masaya na ako sa kung anong meron kami. Tanga ba masyado? Oo. Pero okay na 'yun kaysa masayang at mawala itong chance na ibinigay namin sa isa't isa. Besides, masakit, pero naiintindihan ko naman siya. Hindi naman ganoon kabilis mafall sa isang tao lalo pa't halos buong buhay mo yata ay sa iba ka nakatingin.
Kailangan ko siyang pagpahingahin. Kailangan niyang magdesisyon para sa sarili niya. Hindi porke't sinabi niyang gusto niya ako ay mag-aasta na kaming magsyota na sweet-sweetan. Hindi rin ibig sabihin noon, kailangan ko nang magdemand. Naiintindihan ko lahat pero hindi ibig sabihin noon, hindi ako nasasaktan.
"Summer, help me." Malungkot ang mga mata niya. "Pagod na ako."
Hindi ko ipinakita ang sakit sa loob ko. Ayoko. Ayokong umiyak. Ayokong maging mahina kasi ako ang magiging talo.
"Tara, kain tayo sa canteen."
Unang rule: Ilayo siya sa mga bagay na makakapagpaalala sakanya kay Freya. In short, ilayo siya kay Freya.
Wala naman siyang angal nang makaupo na kami sa lamesa. Bumili lang ako ng rice meal na Mechado ang ulam saka umupo sa harap niya. Mukha siyang nalugi habang nakayuko.
"Sorry," bungad niya sa'kin. Inabot ko ang kobyertos sa kanya. Hindi ako nagsalita. Naglabas ako ng sticky notes at ballpen.
"Sigurado ka ba talagang gusto mo na siyang makalimutan?" Mahinahon ang pagkakatanong ko.
"Oo naman."
"Sigurado ka talaga? Hindi ka napipilitan?"
Nagbuntong hininga siya. "Oo, promise. Summer naman, eh. Maniwala ka naman sa'kin."
Nagtaas ako ng kilay. "May sinabi ba akong hindi ako naniniwala sa'yo?"
In-extend ko sakanya ang sticky note at ballpen ko. "Oh, ikaw ang magsulat para wala talagang pilitan."
Takang-taka ang itsura niya. "Para saan 'to?"
"Gagawa ka ng listahan: Moving On List. Let it be your reminder. Lahat ng isusulat mo d'yan o ano mang mapagkakasunduan natin, gagawin mo."
Humalukipkip ako, hinihintay na magreact siya.
"Eh, paano kapag hindi ko nagawa o nasunod 'yung mga rules dito?"
"Huhubarin ko itong For Keeps Ring natin. The deal is off. Back to being travel buddies nalang tayo."
Nanlaki ang mata niya. "Sobra naman yata 'yun. Ayoko nang consequence, palitan mo."
"Diaz, mas hard ang consequence, mas driving. Mas may reason ka para sundin ang mga isusulat mo diyan."
Umiling iling siya. "Ayoko."
"Sige, bigyan mo ako ng isang magandang dahilan para palitan ko ang parusa ko sa'yo."
Sandali siyang nakatitig lang sa mga mata ko.

BINABASA MO ANG
Summer's Love
Teen FictionFirst part of the FOUR SEASONS OF LOVE collection of stories. This is Summer Madrigal. Start: May 11, 2016 End: January 5, 2018