Eronin (II)
Hanggang sa umabot na ng isang buong sem, hindi pa rin kami nakakapag-usap. Oo, magkatabi lang ang bahay namin. Oo, sa iisang school lang kami pumapasok. At oo, isang daan lang ang dinaraanan namin araw-araw, pero alam mo 'yon, sobrang imposible na makita mo siya.
Seryoso. Miss na miss ko na si Summer.
'Yung mga pag-irap niya. . . 'Yung pag-iyak niya. . . 'Yung mga ngiti niya. . .
"'Wag kang umiyak dito," bulong sa akin ni Freya isang araw habang pinagmamasdan ko si Summer na ngumingiti kasama ang kupal na si Apollo. Bantay salakay ang gago. Simula noong pasukan ng second year, palagi ko nang nakikita na nakadikit siya kay Summer. Second year, first sem ko na nga lang nakita ulit si Summer, tapos makikita ko pa na lagi niyang kasama ang kumag na 'yon? Ang sarap mambalda.
I did everything to corner her. Pero kahit isang dipa na lang lagi ang layo namin, nagagawa pa rin niyang makaiwas sa akin. 'Yung mga tropa ko na sina Jerik, ayun, sa kaniya lahat sumama.
Well, not that I mind. Mabuti pa nga 'yon, kasi alam kong may nagbabantay sa kanya. At alam kong kahit wala ako sa tabi niya, may magpoprotekta sa kaniya. Ang akin lang, bakit hindi man lang nila ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag? Ang sakit lang kasi. Na para bang wala kaming pinagsamahan. Na para bang napakalaki na agad ng ginawa kong kasalanan.
Isa siguro 'yon sa mga dahilan kaya hindi ako makatulog sa gabi.
Kahit ako, naaawa na rin sa sarili ko. Minsan, naiiyak ako ng walang dahilan. Eh, hindi naman ako ganito ka-lungkot dati nong si Freya pa ang gusto ko, eh. Ngayon lang talaga. Kay Summer Madrigal lang talaga.
"Oh, tissue." Inabutan ako ng isang balot na Kleenex ni Freya sabay tapik sa balikat ko. "Wag ka ngang umiyak dito."
Tumayo siya at hinila ako palabas ng school. Hanggang makarating kami sa likod—sa may canteen kung saan kami lagi kumakain. Naupo kami sa may pinakasulok na table.
"Sige. Dito ka umiyak."
And I did. Kasi hindi ko na mapigilan.
"Tae." Nasabi ko na lang matapos kong yumuko ng ilang minuto. "Nakakahiya."
Pupunas-punas ako sa mata at ilong ko nang tumunghay ako. Nginitian lang naman ako ni Freya. Isang ngiti na kung dati ay halos magkumahog na ako sa tuwing nakikita, nagyon ay parang isang napakabait na gesture na lang para sa akin.
"Don't be ashamed of your tears. It's a proof that you have feelings and that you can feel hurt." Tinapik niya ang balikat ko. "Hindi namam porke't lalaki ka, wala ka nang karapatang umiyak. Wala namang batas na nagsasabing babae lang ang pwedeng maging emotional."
"Salamat." I gave her a genuine smile. "Salamat sa pagdamay at sa pakikinig."
"Sus, ganoon talaga kapag may kaibigan kang nagbibinata."
Napatawa siya sa sinabi niya at unti-unti, natawa na rin ako. Ang awkward niya pa lang tumawa. Parang naipit ng pinto ang boses niya. Matinis na putol-putol. Kaya lalo tuloy akong napatawa.
Ganoon pala talaga 'yon, ano? Love can make us blind. Dati, halos wala akong makitang mali kay Freya. Pakiramdam ko noon, anak siya ng mga diyos na ibinagsak sa lupa. Pero ngayong hindi na ganoon ang tingin ko sa kaniya, iba na ring perspective ang nakikita ko.
It's so strange. . . Because with Summer, mas nauna kong nalaman ang weakness at flaws niya. Mas nauna kong nakita ang mga mali niya kaysa sa magaganda sa kanya. Ngayon ko lang siya napansin sa tagal na naming magkakilala. . . at ngayon niya lang ako iniwasan sa tagal naming magkasama.
Pero itinawa ko lang lahat nang mga sandaling 'yon kahit na mabigat sa loob. Kahit na nalulungkot ako sa kung ano na ang kinahinatnan namin ngayon.
Tumawa ako kasama si Freya. . . na nakita ni Summer.
Saktong nagpupunas ako ng luha at tumatawa nang makita ko si Summer sa may pintuan ng kainan.
Gustuhin ko mang tumayo at lapitan siya, hindi ko na rin ginawa. Alam ko kasing iba na naman ang iisipin niya. Alam ko rin naman na hindi niya ako pakikinggan.
Kaya naupo na lang ulit ko doon, yumuko. . . at umiyak.
-&-

BINABASA MO ANG
Summer's Love
Teen FictionFirst part of the FOUR SEASONS OF LOVE collection of stories. This is Summer Madrigal. Start: May 11, 2016 End: January 5, 2018