Dalawampu't Dalawa
Umiiyak na pala ako nang gabing iyon kung hindi ko pa hawakan ang pisngi ko.
Mabuti na lang, umalis na si Eronin. Umuwi na siya sa bahay nila at iniwan ako sa labas ng bahay namin na halos takasan na ng bait.
Swear, that moment, gusto kong ipagsigawan sa mundo kung gaano kabaliw ang puso ko para sa kaniya. But that has to be stopped. Dahil iyong alaskador kong Tatay ay sumingit na naman para asarin ako.
"Oh, may suot ka bang diaper? Baka maihi ka d'yan, Ate."
Nagulat pa ako noon nang marinig siya pero agad na sumimangot ang mukha ko dahil sa sinabi niya.
"Tatay naman, eh."
Pumasok ako sa loob. Nadaanan ko pa si Nanay na nagtatago sa likod ng pintuan pero nilampasan ko lang sila.
Brain, nasaan ang instinct mo? Bakit hindi mo na nakita ang mala-ninja mong mga magulang?
Busangot akong pumasok sa kwarto ko nang gabing iyon. Agad akong humiga sa kama at pinatay ang ilaw. Patulog na sana ako noon nang may marealise ako.
Bakit hindi ako na-bother na baka buong sandaling nakikinig sila Nanay sa may likod ng pinto? Bakit parang okay lang sa akin?
Hala, baby. Anong ginawa mo sa akin?
Sa pag-iisip na dala lang iyon ng init ng ulo, nakatulog ako at nagising kinabukasan.
Syempre, may hang-over pa ako sa parang power-trip na pakikipag-usap ni Diaz sa mga magulang ko pero sa kabila noon, hindi ko mapigilan ang mapangiti.
Sa wakas, may "basbas" na ang kung anumang arrangement sa pagitan namin ng taong hinahalay ko sa utak sa loob ng labing-isang taon. Mas lumawak ang ngiti ko.
Konti na lang, sabi ko sa isip ko. Konti na lang talaga, maaagaw ko na si baby sa inyo ni Heart. Bleeh!
Matatawa pa sana ako sa mala-kontrabidang ideya ng pang-aagaw ko kay Eronin mula sa aking internal organs nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko.
1 message received.
From Diaz Panget...'Goodmorning, Summeeeeer! :)'
Tila bunuhusan ng muriatic acid ang tiyan ko at biglang nagwala ang kung anomang likido sa loob.
Syet. Ang aga namang magpa-fall ng ungas na 'to. At talagang marami 'yung "e", ano? Para dama? Napailing ako.
'Magandang umaga rin, Eronin.' reply ko. Kaso limang segundo na ang lumipas nang mapagtanto ko na hindi nga pala ako nakapag-extend kagabi. Meaning, wala akong load.
Badtrip, singhal ko. Pero hindi ko hinayaang masira noon ang araw ko. Bumangon ako, nagligpit ng higaan, saka lumabas ng kwarto para maghilamos. Naabutan ko si Nanay na nag-aasikaso ng agahan kaya kinuha ko agad si Meero bago niya pa ihanda ang kape ni Tatay na naririnig kong naliligo sa banyo.
Alas-sais pa lang, ngunit 'yung diwa ko, parang nakalunok ng Eveready battery sa sobrang energized.
Pangiti-ngiti ako noon habang hinahalo ang gatas ko nang mapansin ko si Nanay na nakangiti rin habang pinagmamasdan ako.
"Maganda yata ang panaginip ng ate namin."
"'Nay, ang aga pa," reklamo ko. Gayunpaman, hindi noon nabali ang kagandahan ng umaga para sa akin. Sana lang walang makasira sa umaga ko at magtuloy-tuloy na hanggang gabi. Hanggang pasukan. Para expired ako-- este, inspired sa first day of school.

BINABASA MO ANG
Summer's Love
Fiksi RemajaFirst part of the FOUR SEASONS OF LOVE collection of stories. This is Summer Madrigal. Start: May 11, 2016 End: January 5, 2018