Summer's Love

137 2 2
                                    

Lilinawin ko na.

Ang lalaking gusto ko ay hindi tulad ng mga pa-prince charming na napapanood niyo sa movie, sa mga korning dramarama sa TV, o sa mga nababasa niyong Disney Books.

Ang lalaking gusto ko ay mas simple pa sa sagot na 2 sa one plus one. Mas payak pa sa mga salitang ine-example ng mga English teacher sa paggamit ng adjective na beautiful sa sentence na, She is beautiful.

Simpleng sixteen-year old na bagets.
Simpleng highschool student.

Napapagalitan ng nanay.

Nababatukan ng mga kaibigan.

Napipilitang tumayo kapag may recitation sa isang subject na hindi naman siya nakikinig.

Nangongopya.

Nagawa ng assignment sa school, 30 minutes bago dumating ang teacher.

Nagwa-one two three sa jeep kapag kulang ng piso ang pamasahe.

Nalilipasan ng gutom kapag matagal ang break.

Napapasama sa mga random names 'pag may announcement sa bulletin board.

Nagbabalak na patunugin ang mga fire alarms para makita kung matataranta ang mga guard.

Nagpapakagago pero takot namang madala sa guidance.

Nanghihiram ng calculator sa ibang section para may maisagot sa Math na hindi naman abot ng IQ niya.

Nalulungkot.
Nagiging sobrang saya.
Nalilito.
Nababangag.
Nababaliw.
Nagkaka-crush.
Nagseselos.
Nagdi-deny.
Nai-inlove.

Patagong nasasaktan.

'Yan ang lalaking gusto ko. Sa hinaba-haba ng listahang makapagsasabing isa siyang simpleng tao, siya lang ang nag-iisang dahilan kung bakit nasasaktan ako.

We're experiencing the same unfortunate blow of this game called love.

I love him. He loves her. She loves another guy who loves her very much.

Komplikadong sitwasyon. Parang value ng X na hinahanap sa iba't ibang pagkakataon: sa side ng angle, sa point of intersection, sa number of sequence na maaaring maganap sa isang counting number na ini-raise sa nth power.

Paulit-ulit. Masakit; hindi lang sa utak pati na rin sa puso. Nakakapanghina pero lahat kami, hindi bumibitaw. Lahat kami umaasa.

Mahal ko siya.

Simpleng mga kataga. Ngunit para sa'kin, isang napakabigat na salita.

-&-

Author:

Thank you for viewing this book. Sana umabot ka hanggang dulo :)

- Cha

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon