Ikatlo

71 1 0
                                    

Ikatlo

Hanggang sa mag-uwian, hindi ko pinapansin si Eronin kahit na 'yung utak ko'y nangangati nang landiin siya.

"Summer," pagtawag niya sa'kin, sinasabayan ako sa paglalakad. "Bakit hindi mo ako pinapansin?"

Hindi ko siya nilingon. Tinanggal niya ang earset na nakasalpak sa tenga ko pero hindi ko parin siya pinansin.

"Uy, Summer. May problema ka ba?"

Gago yata talaga 'to e.

"Summer?"

Ako na ang choosy sa atensyon.

"Summeeeeeeer."

Nako. Eto na naman kami. "Oh?"

Nyemas naman kasi 'yang paawa effect mo Diaz, eh. Kahit sampung kilo yata ang ibenta mo sa'kin n'yan, bibilihin ko parin.

Hindi ko man siya tignan, alam kong nakangiti na ang ugok. "Famous ka ba? Bakit hindi mo 'ko pinapansin?"

Inakbayan niya 'ko gaya nang palagi niyang ginagawa. Ako naman si tanga, sa isang iglap, nawala lahat ng inis sa katawan. Paasa din 'tong walanghiyang 'to e.

"Hindi lang kita naririnig," dahilan ko.

"Iniiwasan mo 'ko, eh," aniya. "Kanina naman nung nagdidiscuss si Ma'm wala kang earset, nanghihiram ako sa'yo ng ballpen, hindi mo ako nililingon."

"Akala ko boyfriend ang hinihiram mo. Wala kasi ako no'n, eh."

Ay, magparinig ba 'teh? Ikaw na desperada.

Tumawa siya dahil sa sinabi ko. "Alam ko namang wala kang boyfriend."

Aray, ha. Nakakadami ka na sa'kin Diaz. Baka hindi ako makapagtimpi't bayagan kita ng wala sa oras.

"'Yun naman pala, eh. Kaya tigilan mo na ang pag-akbay sa'kin para may mahumaling naman sa kagandahan ko. Baka akalain pa nilang boyfriend kita ano." Umirap ako kahit na nanginginig na ang tuhod ko sa sarili kong kagagahan.

Ikaw na talaga ang choosy, Summer. May gana ka pang sabihin 'yan e, halos mabuntis ka na sa kapapantasya sa damuhong katabi mo.

"Ayoko nga," sagot niya. "Ayokong magka-boyfriend ka. Paano mo nalang ako sasamahan next month sa pagtambay sa Farm ng mga Salgado?"

Kinabahan ako dahil sa sinabi niya. Akala ko pa naman ayaw niya akong magkaboyfriend kasi sakanya lang ako.

Hay, hopia na naman.

Bakasyon na namin next month. May ritual kasi kami na dumayo every vacation sa Farm ng pinakamayamang angkan sa bayan ng Calagayan na bukas sa publiko kahit anong panahon. Ang Salgado Farm. Kadalasan, sabay kaming nagba-bike papunta doon, mangunguha ng mangga, tapos maghapong tatambay hanggang sa gumabi at itext kami ng kanya-kanya naming magulang.

Ilang taon na akong nagkaroon ng chance umamin sa kanya pero ilang taon narin akong natatakot.

"Asa ka namang magkakaboyfriend ako agad bago magbakasyon," sabi ko sakanya. Nakalabas na kami ng campus. Nakaakbay parin siya sa'kin. "Saka paano mo naman nasabing hindi kita masasamahan doon, eh halos magpalit na tayo ng mukha tuwing bakasyon. Lagi tayong magkasama."

Kaya nga ako nagkagusto sa'yo, gusto kong idugtong pero tumigil ako. Lagi kasi kitang kasama kaya nasanay ako nang ikaw lang lagi ang nakikita.

"'Yun na nga, eh. Kapag nagkaboyfriend ka, siempre magdedemand 'yun ng oras mula sa'yo. Baka pa magselos 'yun kasi lalaki ako, tapos babae ka at lagi tayong magkasama."

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon