Ikaapat

55 1 0
                                    

Ikaapat

"Bakit ngayon ka lang?" bungad ni Nanay nang makapasok ako sa loob ng bahay matapos ang parang Walk of the Dead na lakad namin ni Eronin pauwi.

Ewan ko ba, parang Lakad ng Pagluluksa ang ginawa namin kanina. Mas mabilis pa siguro kung gumapang nalang kami.

Nadatnan ko sila ni Tatay, kasama ni Rain, na 1 year old kong kapatid sa salas. Naglalaro ang chikiting nang lumapit ako para hagkan siya sa pisngi.

"Napatambay lang po kami sa playground doon sa kabilang baranggay," sagot ko kay Nanay habang nagmamano ako sakanilang dalawa ni Tatay.

"Kayong dalawa ni Eronin?"

"Opo."

Wala na siyang sinabi habang nagtatanggal ako ng sapatos. Oo, kahit parang timang 'yun si Eronin, sa kanya lang napapanatag ang loob ng mga magulang ko. Kapag nga may party o galaan tapos hindi siya kasama, hindi ako pinapayagan. Para bang ibinigay na ako nila Tatay kay Eronin, gaya ng pagbigay ko ng puso ko sa kanya.

Nagpalit lang ako ng damit sa kwarto sabay upo agad sa hapag-kainan dahil umaalingawngaw na naman ang bunganga ng aking Mother dear.

"Ikaw, Summer. 'Wag na 'wag mong paghihintayin ang pagkain. Maswerte parin tayo kasi may nailalagay pa tayo sa ating tiyan. Paano nalang 'yung mga bata sa kalye na walang pambiling pagkain? Nako, gusto mo bang maging gano'n?" nangaral pa siya bago kami sabay-sabay na nagdasal at kumain.

Habang naghuhugas ako ng pinggan, naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa. Nagpunas muna ako ng kamay bago ko 'yon kinuha.

1 Message Received from Eronin Diaz.

Ano naman kayang nakain nito? sabi ko sabay bukas ng message. Hindi kasi mahilig magtext ang isang 'to, eh. Pag may kailangan siya sa'kin, magugulat nalang ako sa sigaw ni Nanay na nasa salas siya, hinihintay ako. Kahit nga konsepto ng Group Message, hindi nito alam. In short, parang taong bundok.

'Summer, may gagawin ka ba bukas?'

Nangunot ang noo ko. Sabado bukas kaya wala kaming pasok.

'Depende kung magpapasama sa akin si Nanay sa palengke. Bakit?'

Walang trabaho si Nanay kaya siya ang nakatoka sa mga gawaing bahay na tinutulungan ko lang kapag wala akong pasok o 'di kaya'y pagkaawas. Tuwing sabado, namimili siya ng uulamin namin sa loob ng isang linggo. Medyo matagal kasing mamili si Nanay dahil kung ano-ano pang pinaggagagawa sa bilihin kaya't hindi ako sigurado sa sagot ko. Chaperon kasi ako ni Nanay sa pamamalengke.

'Magpapasama lang sana ako. Hapon pa naman 'yun kaya okay lang kahit na sumama ka muna sa Nanay mo. Itetext nalang kita.'

'Saan tayo pupunta? reply ko naman. Baka mimiya ayain mo akong magpakamatay, eh, hindi ako pwedeng sumama. Pag-aaralin ko pa si Rain ng college kaya hindi pa ako pwedeng mamatay.'

'Baliw :) Basta. Itetext nalang kita bukas. Sige, goodnight. Tulog ka nang maaga, ah.'

Kahit nakakatanga, pumayag nalang din ako. Nagmessage pa ako ng simpleng 'Goodnight' na may smiley face pero hindi na siya ulit nagreply.

Paasa talaga ang kumag.

Kinabukasan, madaling araw palang nang gisingin ako ni Nanay para mamalengke. Hihikab hikab pa ako nang sumakay kami sa tricycle papuntang Pamilihang Panlunsod ng Calagayan.

"Wala tayong maaabutang sariwang gulay kung dadating tayo ng may araw na," aniya habang hinihila ang kamay ko sa umpukan ng taong namimili.

Sige ang kuha niya sa talong, repolyo, at kalabasa. Ako naman, todo check sa ginawa niyang listahan na iniaabot niya sa'kin bago bumaba ng tricycle.

Matapos niyang mabili lahat ng kailangang gulay, sumikat na ang araw bago kami nakalipat sa bilihan ng karne. O.A kung O.A pero napaka-mitikulosa ng Nanay ko. Gusto niya, malinis lahat ng kinakain namin. Sinisigurado niyang walang bulok o lamog sa mga pinipili niya.

Sa karne naman, hindi ko alam kung anong tinitignan niyang batayan pero tagagtak na ang pawis ko nang matapos siyang mag-abot ng bayad sa tindera. Alas nueve na noon nang ipaiwan namin sa Baggage Counter ang karne at gulay bago kami pumasok sa isang Supermarket.

Halos mapigtal na ang kamay ko sa bigat ng bitbit namin pauwi.

Halleluya, halleluyah! Gusto kong magsing-and-dance production nang sa wakas, tumigil si Manong tricycle drayber sa tapat ng bahay namin. Mataas na ang sikat ng araw noon. Mag-aala una narin kasi.

Isa-isa naming ipinasok sa bahay ang mga eco bag na pumuputok sa dami ng laman.

"Anak, ikaw na nga ang mag-abot nitong bayad sa drayber. Sumasakit na talaga ang binti ko't kanina pa ako nakatayo," sambit ni Nanay sabay abot sa'kin ng pera.

Agad akong lumabas para iabot ang bayad at pasalamatan ang tricycle drayber. Pabalik na sana ako sa loob ng bahay nang mahagip ng mga mata ko si Eronin.

Automatic na na-glue na naman ang mga eyeballs ko sakanya. Che! singhal ko sa eyeballs at sa utak ko. Kilig na kilig naman kayo? Malalandi!

Nakadungaw siya sa kanyang kwarto na nasa second floor ng bahay nila. Nakangiti siya sakin kaya halos malaglag na 'yung panty ko.

Bago ko pa siya akyatin doon at daanin sa santong paspasan, ngumiti nalang ako at kumaway sakanya bago buksan ang pintuan ng bahay namin.

"Ngiting ngiti ang dalaga ko, ah," pambasag ni Nanay pero hindi ko parin maalis ang ngiting nakalandas sa labi ko.

"Nanay naman," pag-ungot ko. Hobby na nila ni Tatay na asarin ako kapag nakikita nila akong nakangiti. Gano'n ba ako ka-obvious?

"Madalas ka na naming nakitang nakangiti, ah. May napupusuan ka na ba?"

Sumakit bigla ang ulo ko sa word na napupusuan. Hindi naman ako in-inform ni Nanay na nasa panahon parin pala kami ng Kastila.

"Nanay naman, eh." Nakasimangot na ako. Alam na alam niya na ayaw kong inaasar kahit saang bagay. Hindi kasi ako sanay magkwento. Hindi rin ako nasanay mag-open ng feelings ko kahit kanino. I just let my own feelings swirled inside me and I don't need or in this case, I don't want anyone to know anything about my stupid thoughts.

Tumikhim nalang si Nanay pero kita ko parin ang pang-asar na mga ngiti niya. Parang ewan talaga 'tong Nanay ko, eh.

Kahit naman kasi balahura ako, asal kalye minsan- osige na nga, madalas, ay isa akong napaka-private na tao. At alam 'yun ng mga nakapaligid sa akin.

But there's always exception to the rule: si Eronin. Ang siraulong iyon lang ang may kapangyarihang i-back fire ang hiya, takot, kaba, at kung ano ano pang dilemma ko sa buhay. Sarap na ngang sapakin nu'n eh. Wala namang ginagawa pero malaki ang epekto sa akin.

"Normal lang namang magka-crush, anak," Hindi rin nakatiis si Nanay. Nagsasalansan kami ng mga grocery sa cabinet nang marinig ko siyang magsalita. "Ang sa amin lang ng Tatay mo, magtapos ka muna ng pag-aaral bago ka mag-nobyo. Bata ka pa kaya 'wag mong sayangin ang panahon mo sa mga bagay na makakapaghintay naman."

Nakita kong ngumiti siya sa'kin pero hindi ako sumagot. "Wag kang magmamadali ha?"

Sixteen years old na ako, halos eleven years ko nang pinagpapantasyahan si Eronin. Lagpas kalahati na ng existence ko ang ginugugol ko sa paghihintay na makita naman niya ako bilang isang babaeng pwede niyang magustuhan pabalik. Sabihin niyo nga sa'kin, kulang pa rin ba ang paghihintay ko? Paano kung mamatay na ako bukas?

-&-

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon