Eronin (I)
I fucked up.
Nakita ko si Summer pero hindi ko siya hinabol.
'Yung pakiramdam na parang gumuguho ang buong paligid ko at nanghihina ang buong katawan ko, iyon ang pakiramdam nang makita ko siyang tumatakbo palayo sa akin.
Ni wala akong ginawa. Ni hindi ko man lang siya inabalang i-text.
Hanggang sa gumabi, ni hindi ko siya chinat. Ni hindi ko siya dinalaw sa bahay nila, humingi ng sorry, lumuhod, hanggang patawarin niya ako. Iniisip ko kasi na bigyan muna siya ng space. Kahit ngayong gabi lang. Kasi alam kong nasaktan ko siya. Kasi alam kong gago ako.
Hindi ko naman alam na ang pagbibigay pala ng space na 'yon ang sisira sa min. Dahil kinaumagahan magmula ng araw na 'yon, nag-iba na ang lahat.
"Summer?"
Naka-ilang tawag na ako sa labas ng bahay nila pero walang sumasagot. Hanggang sa hindi na nakatiis si Aling Helen, nilabas na niya ako.
"Ay, nako. Eronin. Nauna na pa-eskwela ang anak ko. Hindi niya ba nasabi sa iyo? Maaga siyang umalis at may gagawin raw siya sa school."
Second day ng klase, may gagawin agad? Kahit nagtataka ay nagpasalamat na lang ako sa Nanay niya saka mag-isang nagpunta sa school.
At habang naglalakad, doon ko mas naramdaman ang pag-iisa.
It's not the same anymore when she's not around.
Summer is my constant companion and my direction. Kapag nasa paligid siya, alam kong secure ako. Alam kong tama ang ginagawa ko. Alam kong hindi ako mawawala. Pero ngayong iniiwas niya ang sarili niya sa akin, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Para akong nawawala.
Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot. Kahit sila Christin, ayaw ring sagutin ang mga tawag ko.
Nang makarating ako sa school, hinanap ko siya pero wala. Pinuntahan ko siya sa classroom nila pero hindi ko siya nakita doon.
"Ang daming babae, Eronin. 'Wag si Summer ang saktan mo," ang salitang nakuha ko kay Christin na maging ako ay hindi na rin kinakausap.
Wala naman akong intensyong saktan siya. I just felt overwhelmed with Freya's presence kaya nakita niya ako sa ganoong estado. Na nakatunganga. Na mukhang humahanga pa rin.
Pero hindi, eh.
Dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko na ganoong kagusto si Freya. Na alam kong si Summer na. Na kahit bumalik pa si Freya, hindi pa rin. Na kahit papiliin ako, si Summer na ang alam kong isasagot ko.
Pero paano niya malalaman kung hindi niya ko tatanungin. . . o kakausapin man lang?
I must say that Summer has a special gift for hiding. Mapagamit man 'yan, talent, feelings, o presensya. Dahil sa loob ng isang linggo, ni anino niya ay hindi ko talaga nakita. Kahit bintana sa kwarto niya, nakasara. Tinry ko na ring abangan ang pag-uwi at pagpasok niya sa school na kahit alas cuatro ay nasa labas na ako ng bahay nila at naghihintay sa kaniya. . . pero wala pa rin.
Binlock niya ako sa lahat ng social media account. Sa Messenger. Maging sim card number ko, alam kong naka-block sa cellphone niya.
Hindi ko na alam kung ano pang paghahanap ang gagawin ko. Para na akong mababaliw sa kaiisip ng paraan kung paano ko siya makakausap. Para personal na humingi ng tawad. Para ipaliwanag ang sarili ko. Para ipaliwanag ang nakita niya.
Pero hindi niya ako hinayaang mahanap siya. O maabutan siya.
Hanggang sa umabot ng dalawang linggo. . . tapos naging tatlo. . .
Ayokong mawalan ng pag-asa. Ayokong isuko 'yung kakapiranggot na koneksyon na meron kami. Gusto ko pang humanap ng paraan para maipaglaban 'yung relasyon naming hindi man lang umabot sa puntong gusto naming dalawa.
Just like her skills in painting, she became as hidden. . . as silent. . . as her memento boxes.
Even our friends, hindi na rin ako pinapansin. Ni wala man lang nakinig sa panig ko. Ni wala man lang naniwala na hindi ko kayang saktan si Summer. Although nasaktan ko na siya, atleast sana man lang malaman nila na hindi ko 'yon ginusto. I would never intentionally hurt that girl. Because to hurt Summer is like hurting my own mother. Na hindi ko maatim gawin.
"Hayaan mo na muna siya, Eronin. Kung talagang kaya mong maghintay, maghihintay ka. Masyadong matagal ang apat na taon."
Sa mga panahong, wala nang kumakausap sa akin at kulang na lang gumawa ako ng hindi maganda sa sarili ko, mapansin lang ako ni Summer, si Freya lang ang pumapansin sa akin.
Sinabi ko na sa kaniya ang totoo. Na hindi naman talaga kami ni Summer noon. At hindi hanggang ngayon. I even told her our arrangement. Pati ang nararamdaman ko sa kaniya noon at ngayon.
She became my friend. Kasi siya lang ang nakinig sa akin. Siya lang ang naniwala sa akin.
She admitted na wala na sila ni Pol. Pero kahit gano'n, hindi sumagi sa isip ko na i-pursue siya. Dahil ang phase ko sa pagmamahal sa kanya ay tapos na. Hanggang dati na lang 'yon. At kung hindi pa rin ako makakahanap ng paraan para makausap si Summer, baka maging gano'n na lang din ang pagmamahal ko para sa kaniya.
Isang pangyayaring naganap. Magiging ala-ala na lang.
Nandito pa rin ako sa puntong hindi alam kung saan tutungo. Isang pagkakataon lang naman ang hinihiling ko, pero hindi niya ibinigay. Kaya ito, hanggang ngayon, umaasa pa rin ako.
Na babalik siya. Na pakikinggan niya ako.
Kasi ang lungkot. . .
Ang lungkot nang wala siya.
-&-
BINABASA MO ANG
Summer's Love
Fiksi RemajaFirst part of the FOUR SEASONS OF LOVE collection of stories. This is Summer Madrigal. Start: May 11, 2016 End: January 5, 2018