Ikalabing-siyam

37 0 0
                                    

Ikalabing-siyam

"Summer, okay ka lang?"

Mabagal kaming pumapadyak ni Eronin papuntang Salgado Farm nang tanungin niya ako. Nakakapagtakang hindi siya nauuna sa akin pero hindi ko na pinansin.

"Okay lang ako," simpleng sagot ko. "Kamusta nga pala ang pag-uusap niyo ni Aling Lian? Kamusta siya?"

Malapit na kami sa arko ng Farm nang mapansin kong tumigil siya.

"Bakit, Eronin?"

"Summer kasi. . ." nag-aalangan siya. Iminosyon ko na ipagpatuloy niya kung ano man 'yon. ". . .kasi sinabi ko kay Mama 'yung plano nating dalawa. Alam ko naman na ayaw mo ng ine-expose sa iba ang mga bagay na intimate sa'yo pero kasi. . ." Sandali niyang iniabot ang kaniyang batok para kamutin. ". . . I think my parents need to know that. . ."

Tumigil na naman siya, halatang kabang-kaba. Ang reaksyon ko? Halos maiyak na. Nangingilid na ang mga luha sa mga mata ko nang makita kong ibagsak ni Eronin ang kaniyang bike sabay hangos papunta sa akin.

"Hey, Summer," aniyang agad sinapo ang aking mukha. "Sorry, okay? Sorry." Halatang frustrated na siya. "Gusto ko lang naman kasing malaman nila Mama na seryoso ako sa'yo. Please. 'Wag ka nang umiyak, please?"

At dahil sa sinabi niyang 'yon, lalo akong napaiyak.

Puslit ka, Diaz!

"Hala, Summer. . . Please. . . Don't cry. . ."

Panay ang punas niya sa mga luha ko. Hinawakan ko ang mga kamay niyang ramdam kong nanginginig sa ilalim ng balat ko saka ko pinigilan ang mas matindi pang pag-iyak. Umiling ako.

"'Wag kang humingi ng tawad. Ano ka ba, Eronin. O-okay lang ako." Huminga ako nang malalim, ramdam ko pa rin ang mainit na likidong umaagos sa gilid ng mga mata ko. "Ma... masaya lang ako."

Gulo niya akong tinignan. Nagtatanong ang kaniyang mga mata habang nakatitig lang siya sa akin.

"Masaya lang ako," iyak ko. "Kasi. . . kasi . . . sa hinaba-haba ng panahon, ngayon lang kita nakitang manginig ng gan'yan." Hikbi ako ng hikbi pero panay rin ang ngiti ko sa kabila nito. "Ang pagiging uneasy mo. Hindi dahil kay Freya. . . kundi dahil sa. . ."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil niyakap na niya ako.

"Shh..." bulong niya. "Sorry, Summer. I am really sorry for hurting you. I know I unconsciously hurt you but still, I'm sorry. Promise, babawi ako. Tumahan ka na, please? Baka isipin pa ni Manong Lukas, pinapaiyak kita."

Sa sinabi niyang 'yon, napatunghay ako at napatingin sa arko kung saan nandoon ang guard house at sa loob noon ay nakatingin sa aming dalawa si Manong Lukas. Agad akong napakalas ng yakap.

PDA version 3.0.

"So. . ." ani Eronin, hinihintay ako.

"Anong so?"

Pinunasan ko ang sarili kong luha gamit ang neckline ng t-shirt ko pero agad rin itong hinila ni Eronin pababa saka naglabas ng panyo para siya mismo ang magpunas sa aking mukha.

"Anong so?" tanong ko ulit nang isilid niya ang panyo sa kaniyang backpocket. Bago sumagot ay ipinakita niya muna sa akin ang makalaglag panty niyang ngiti. Nakalimutan ko yatang gamitin ang lungs ko ng ilang segundo.

"So hindi ka galit kasi sinabi ko kay Mama?"

Lumawak ang ngiti niya sa paghintay ng aking sagot. Umiling muli ako.

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon