Dalawampu't Apat

5 0 0
                                    

Dalawampu't Apat

Windang na windang parin ako sa sinabi kanina ni Eronin kahit na nakapagpaalam na kami kay Tiya at nasa byahe na kami pabalik sa Calagayan.

Hindi talaga ma-take ng utak ko na kailangan pa niyang mag-abalang puntahan ang natitirang kamag-anak ni Nanay para hingiin ng pormal ang permisong maligawan ako once na matapos kami sa pag-aaral. Although ngumiti lang naman si Tiya at tuwang-tuwang tumango, doble-tripleng saya naman ang kapalit noon sa sistema ko.

Muntikan na akong maiyak kanina, kundi pa pinisil ni Diaz ang kamay ko.

I never really imagine na darating kami sa puntong ganito. Hindi ko rin ine-expect na seseryosohin niya ako. Kasi nga di ba, alam kong si Freya pa rin. Pero bakit ganito? Sobrang pinapatunayan ni Eronin na willing siyang mahalin ako kagaya ng ibinibigay ko sa kaniya. Wala na akong mahihiling pa. Ito na siguro ang kabayaran sa labing-isang taon kong paghihintay.

Alam kong hindi lahat ng tao, nabibigyan ng pagkakataon na gustuhin rin ng taong gusto nila. That's why sobrang thankful na ako sa kung anong meron kami ngayon. May label man o wala. Matagal man ang paghihintay namin o hindi. Basta. Masayang-masaya na ako. Kahit may isang Freya Solemar na nage-exist pa rin sa mundo niya, kontento na ako.

Hindi ko mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan si Eronin.

"Salamat."

Napatingin siya sa akin saka ako binigyan ng matamis na ngiti.

"I told you, we will take our chances," aniya. Oh, my. Heart, kalma. "At nagsisimula pa lang tayo, Summer Madrigal."

Hindi ko na talaga napigilan ang emosyon ko't naiyak na ako. Kanina ko pa 'to pinipigilan, pero dahil siya 'yung tipo ng tao na sinasabi ang mga tamang bagay sa tamang panahon at oras, wala na akong nagawa. Kusa nang tumulo ang mga luha ko.

"Hey..."

Mula sa pagkaka-akbay, hinapit niya ako at isinandal sa kaniyang balikat. Pinahiran niya rin ang mga luha ko. Wala naman masyadong pasahero ang jeep na nasakyan namin kaya malaya akong nailalabas ang saloobin ko.

"Napaka-iyakin mo talaga," bulong niya sa akin sabay tapik sa ulo ko.

"Ikaw kasi, eh." Lumuluhang sabi ko habang natatawa.

Grabe. Ibang klase talaga si Eronin Diaz. Hindi na lang niya na-invade ang feelings ko, pati mga luha ko, nasakop na rin niya. Ibang klase.

"Summer," naramdaman ko ang malalim niyang paghinga. "I really want this to work out."

"Ako rin, Eronin." Tumango ako. "Ako rin."

---

Dumaan nang mabilis ang bakasyon. Inubos lang naming 'yon nang magkasama. Kung wala kami sa farm ng mga Salgado, madalas kaming magka-text, magka-chat o magkatawagan.

Ito na yata ang pinaka-masayang bakasyon sa tanang buhay ko. Araw-araw akong nakangiti. Araw-araw akong hindi nauubusan ng ideya sa pagpipinta. Araw-araw akong may dahilan para maging masaya. At ang dahilan na 'yon ay nagkatawang tao sa katauhan ng isang Eronin Monreal Diaz na katabi ko ngayon papasok para sa unang araw namin sa kolehiyo.

"Kinakabahan ka 'no?" Marahang tinapik ni Eronin ang ulo ko. "Akala ko ba excited ka nang pumasok?"

Wala namang ekstra-ordinaryo sa PNC kung titignan sa pisikal na aspeto. Isa lamang itong lumang city hall na ni-renovate at ginawang paaralan para mapakinabangan ng mga mamamayan. Pero kung ang pagtutuunan ay ang kalidad ng pag-aaral, isali mo na ang PNC sa listahan ng Top 10 municipal colleges sa pilipinas. Iyon na yata ang dahilan kung bakit gustong-gusto kong mag-aral dito.

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon