Ikalawa

90 2 0
                                    

Ikalawa

Badtrip naman, inis na inis ako habang umaayos ng upo kasi nasa cloud nine na naman ang bwisit na si Eronin.

Kahit gaano ko siya kagusto, sadyang lumalabas ang pagka-inis ko sakanya kapag natutulala siya kay Freya.

Kainis naman kasi 'tong si Freya Solemar, eh. Bakit ba ang ganda ganda nito? Ang bait pa at 'di makabasag pinggan. Nakakaiyak naman.

Kung ako, forever hopia kay Eronin, si Eronin naman, forever hopia kay Freya na muse ng kabilang section, top 3 sa buong fourth year rankings, at girlfriend ng pinakamabait na taong nakilala ko, si Pol Ramirez.

Bigla ko tuloy naalala ang pagtatapat ni Eronin kay Freya last year: Habang ako, busy sa pagbabasa ng libro, 'yung mga classmate kong tsismosa ay binrodcast sa buong school na hinaharana raw ni Eronin si Freya sa kabilang classroom. May chocolates pa raw, flowers, saka mga baloons.

'Yung mga minutong nagsasalita 'yung kaklase ko, gusto ko siyang sabunutan sa asar. I felt my heart just stopped working inside my chest. Dali-dali akong pumunta sa room nila Freya para masaksihan ang lahat.

That was the first time I cried because of Eronin Diaz.

Sobrang inggit na inggit ako to the point na kahit binasted siya ni Freya, at napaamin itong boyfriend niya ang presidente ng klase nila na si Pol, ay mabigat parin ang loob ko. Hindi ko nakayanan 'yung paninikip ng dibdib ko nang araw na 'yun kaya napauwi ako ng wala sa oras.

Sabi pa ng nanay ko pagkabukas ko ng pinto, "Anong nangyari sa'yo? Bakit ka umuwi?"

Nagmano lang ako tapos dumiretso sa kwarto ko nang walang sabi-sabi. Doon ako umiyak ng umiyak. Ang O.A ko no'n pero wala, eh. First heartbreak ng anak niya kaya kailangan niya akong pagbigyan sa kaartehan ko.

Simula no'n, naging consistent na si Eronin sa pagwasak ng puso ko. Itinodo pa niya ito sa max level nang marinig ko ang pag-amin niya kay Chan habang may experiment kaming ginagawa sa Physics, "Crush ko na si Freya simula pa noong kinder tayo. Ang cute cute niya kasi, pansin mo 'yun?"

Ang lakas lang maka-sira nang pangarap ang gago. Pagkatapos kong marinig 'yon, naging theme song na ng lovelife ko ang Wrecking Ball ni Miley Cyrus.

Bumalik ako sa kamunduhan nang mapansin kong namumula ang pisngi ni Eronin habang tinutukso siya ni Chan sa tabi niya, "Uy, mag-hi ka naman kay Freya. 'Ayun oh. Manghihiram na naman 'yun ng notes sa pinsan niya."

"Ayoko nga," listo niyang sabi. "Nakakahiya."

"Magha-hi ka lang, eh, ano namang masama do'n? Dude, nabasted ka na, ngayon ka pa ba mahihiya?"

Sinamaan siya ng tingin ni Eronin. "Salamat naman talaga sa moral support mo. Kailangang ipamukha?"

Tumawa si Chan. "Joke lang," depensa nito. "Ayan na, pabalik na. Kapag dumaan, batiin mo ha?"

Ang sarap sapakin nitong si Chan, nangungunot ang noo ko dahil sa inis. Daanan ko kaya 'to ng trak sa mukha?

Pahamak sa puso 'tong magkaibigan na 'to, eh. Kapag ako nagkasakit, pagbubuhulin ko talaga silang dalawa, nako!

Bago pa masira ang araw ko sa dalawang ugok sa unahan, lumabas nalang ako ng room. Dumiretso ako sa madalas kong pagtambayang mini garden na katabi ng auditorium sa may bandang likod ng school. May apat na bench doon na bakante. Naupo ako sa may pinakadulo, sa may lilim ng puno ng mangga. My favorite spot.

"Taragis ka, Eronin. 'Di ka pa kainin ng lupa!"

Hindi ako magaling mag-handle ng galit kaya naiiyak ako. Pakiramdam ko nawawala lahat ng kulot ko sa buhok at napupunta lahat sa puso ko. Ang nakakadagdag pa ng bwisit, hindi ko nadala 'yung newly acquired kong libro. Dalawang linggo ko pinag-ipunan iyon, ilang araw rin akong nagtiis maglakad pauwi makatipid lang, tapos hindi ko naman magagamit sa panahong kailangan ko ng outlet para mailabas ang galit ko. Lalo tuloy akong naiyak.

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon