Tatlumpu
Life must go on. I chose this, so I must face this.
He tried to reach out many times but I refused. And now, here I am . . . crying. Kung hindi ba naman ako gaga.
Nasaktan lang naman talaga ako. Ginusto ko lang ng assurance na ipaglalaban niya ako. At ginawa niya. Nasigurado ko. Pero hindi ko na siya hinayaang bumalik sa buhay ko.
Tiniis kong 'wag makita si Eronin kahit na sobramg miss ko na siya. Isang buwan. . . dalawa. . . hanggang sa inabot kami ng isang sem.
Alam ko naman. At nakikita ko. Kung gaano siya nag-eeffort na makausap ako. Na humingi ng pagkakataon. Pero ayoko.
Ayoko nang masaktan. Tama na 'yung umasa ako ng maraming beses at isang matindi, hindi ko na kaya pang umulit dahil pakiradam ko ay mababaliw na ako.
Natatakot ako na ma-obssess. Kapag nangyari 'yon, baka mawala siya lalo sa akin. Kaya hanggang kaya ko pa, I let him be with the person he really loves.
At hindi ako 'yon kaya I kept my distance. At wala akong balak lapitan 'yon hangga't nakikita ko na masaya siya kasama si Freya.
Minsan ko pa nga silang nakitang nagtatawanan sa canteen sa likod ng school. Aaminin kong parang nadurog ang puso ko sa ilang milyong piraso pero nagpakatatag ako. Pinilit kong maging okay kasama ang grupo pero sa loob ko. . . alam kong sirang-sira ako.
Si Eronin lang ang lalaking minahal ko ng totoo. Ng ganito.
Kaya kahit alam kong ginagamit ko lang si Apollo para pagselosin siya, ginawa ko pa rin. Kahit na alam kong masasaktan ko siya at ang ego niya, ginamit ko pa rin si Apollo.
I must be the worst friend there is. Dahil kahit alam kong okay lang kay Apollo na gamitin ko siya, ginawa ko pa rin. I took advantage of him, of our friendship. Gabi-gabi kong inaaway ang sarili ko kung bakit ko ba naisipang gawin 'yon. Ang maghiganti. Ang manggamit.
Lalo na noong pinaki-usapan ko si Apollo na magpanggap na ligawan niya ako sa harap ng maraming tao. Sa harap niya.
Galit na galit ako sa sarili ko dahil hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Siguro nga, natuluyan na akong nabaliw.
Nabaliw ako sa sakit.
Sakit na ako mismo ang nagtanim sa sarili ko.
Eronin left. Alam ko na sobra ko siyang nasaktan. I must be imagining things noong nakita ko siyang umiiyak habang lumalabas ng canteen. Agad kong itinigil ang palabas na sinimulan namin ni Apollo at umuwi ako kaagad sa bahay kahit na hindi pa tapos noon ang klase.
Ako ang gumagawa ng sarili kong sakit.
Hindi ko alam kung gagaling pa ako o kung may gagamot ba sa nararamdaman ko.
Nagkulong ako sa kwarto, magdamag umiyak. Magdamag na sinisisi ang sarili dahil ako naman mismo ang umayaw pero ako itong mukhang miserable.
Tama lang naman ang ginawa kong pagprotekta sa sarili ko. Dahil kung hindi ko 'yon gagawin, sino ang gagawa noon para sa akin?
***
"Anak, bangon na at papasok ka pa."
Nagising ako sa marahang tapik ni Tatay sa aking pisngi kinabukasan. Pinilit kong magmulat kahit parang hinihila ng higaan ang kaluluwa ko para matulog pa.
"Ito na po," mahinang utas ko.
Tila nanigas ako sa kinahihigaan ko nang biglang haplusin ni Tatay ang buhok ko.
"Okay ka lang ba, anak?" aniya na mas nakapagpatigil sa akin. "Ilang buwan ko nang nakikitang malungkot ka, hindi lang ako nagsasalita."
"'Tay," 'yon lang ang nasabi ko saka ako sumubsob sa unan para tahimik na umiyak. Naramdaman kong inalo ako ni Tatay.
"Kung ano man ang nagpapasakit sa dibdib mo, lagi mo lang tandaan na nandito lang kami ni Nanay. Hindi ka namin iiwan."
Lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya. Hindi ko na mapigilan 'yung hikbi ko. Umupo ako at naramdaman kong niyakap ako ni Tatay.
"Kung totoo ang pagmamahal, makakapaghintay 'yan," bulong niya sa akin. "'Wag kang magmadaling maramdaman 'yon. Bata ka pa. Sa ngayon, isipin mo muna ang sarili mo."
***
"Nakita mo na si Eronin?" tanong sa akin ni Christin.
Sa ilang buwan na miserable ako dahil sa naging desisyon ko, sila ang dumamay sa akin. Hindi nila ako pinabayaan. Kahit pa noong pinagtapat ko na nagsisisi ako at namimiss ko na si Diaz, hindi pa rin nila ako iniwan. Oo, nandoon 'yung palagi nila akong pinagsasabihan, pero naiintindihan rin naman nila 'yung pinagdadaanan ko.
Magda-dalawang linggo na magmula noong magpanggap kami ni Apollo, ngunit hanggang ngayon, ni anino ni Eronin ay hindi ko na nakita. Tinutulungan na ako nila Christin na mahanap siya. Although hindi kami nagpapahalata na hinahanap namin siya, wala pa rin kaming makuhang balita. Nagtanong na kami sa mga professor at mga kaklase niya pero hindi pa rin daw nagpapakita sa kahit na anong klase si Eronin.
Ang tanga lang 'no? Noong nandiyan, hindi ko pinapansin, pero noong nawala, saka naman ako nagpapakasiraulo na makita siya. Pakiramdam ko nga ay wala na akong pride sa paghahanap na ginagawa ko, pero ipinagpapatuloy ko pa rin.
Hanggang sa isang buwan na ang lumipas at hindi na ako nakatiis. Hinarap ko na ang kaisa-isang tao na alam kong makakasagot sa mga tanong ko. . .
"Bakit mo raw ako gustong makausap, Summer?" ani Freya. Magkaharap kaming nakaupo sa isa sa mga mesa sa canteen. "Dahil ba kay Eronin?"
Napayuko ako sa tanong niya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko pero pinilit ko itong indahin. Mas nangingibabaw ang sakit sa puso ko habang kaharap ko ang babaeng kahit kailan ay hindi ko magiging kalebel sa buhay ng isang Eronin Diaz.
"A-alam mo ba kung. . . kung nasaan siya?"
Rinig na rinig ko ang sarkastiko niyang tawa at lalo akong napayuko.
"Alam mo, Summer? Ayoko sanang magalit sa'yo, eh," sambit niya. "Mabait ako kung sa mabait. Pero hindi kasi kita maintindihan, eh. At dahil doon, naiinis ako sa'yo."
"Freya—
"Alam mo bang walang araw na hindi umiiyak si Eronin dahil sa'yo?"
Hindi ako nakasagot. Unti-unti kong naramdaman ang luhang umaagos sa pisngi ko.
"Wala ako sa posisyon para itanong 'to, pero bakit hindi mo siya hinayaang magpaliwanag? Kahit isang minuto. Kahit nga thirty seconds lang." Narinig ko siyang magbuntong-hininga. "Kung nasasaktan ka, hindi mo ba naisip na nasasaktan din si Eronin? Baka nga triple pa ng sakit mo ang sakit na araw-araw niyang dinadala."
Hindi ako umimik. Wala akong laban sa mga salitang binitiwan niya. Ang malamang iniiyakan ako ni Eronin ay sapat nang dahilan para hindi ako makapagsalita.
"Kung nandito ka para itanong sa akin kung nasaan si Eronin, hindi kita masasagot. Hindi ko rin kasi alam kung saan siya pumunta. Nagpasa siya ng Leave of Absence sa Registrar noong isang buwan—
"A-ano?" Parang hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
"Umalis na siya, Summer. Hindi ko alam kung saan. Hindi ko alam kung kailan. Basta umalis siya. . . at hindi ko alam kung babalik pa siya." Tumayo siya at nakita kong tinignan niya akong mabuti. "Hindi sa sinisisi kita, pero sana alam mong kasalanan mo rin kung bakit sa nawala."
With that, she left. . . leaving me crying as my heart constricted in pain.
-&-
BINABASA MO ANG
Summer's Love
Novela JuvenilFirst part of the FOUR SEASONS OF LOVE collection of stories. This is Summer Madrigal. Start: May 11, 2016 End: January 5, 2018