A/N: I wrote this back when I was really young kaya pag pasensyahan niyo na kung maraming wrong grahams at ka cringyhan dito. Will edit this soon.Chapter 1 - Kiss Me
Neysha's PoV
"ANO BA JIMMY! ILANG BESES KO BA DAOAT SABIHING HINDI KITA GUSTO!" singhal ko sa kaniya.
Nakaka frustrate! Hindi ko gustong maging bastos pero sobra na.
"Neysha please huwag mo itong gawin sa'kin, sapat na naman siguro ang walong buwan kong panliligaw sa'yo. Why don't you give me a chance?" siya na may pa-awa-awa effect pa
"Jimmy those times na nanliligaw ka ay lagi ko ring sinasabi sa'yo na AYAW KO, pero 'di ka parin nakikinig, huwag mo na itong ipagpatuloy, masasaktan ka lang din!!" ani ko sabay irap. Ang tigas rin ng bungo ng isang 'to eh.
"Hindi ko naman sinabing mahalin mo ko agad eh, basta hayaan mo lang na manligaw ako " siya. Napakamot ako sa aking ulo.
Bakit ang tigas ng bungo ng isang 'to!
"Oh ghod Jimmy umalis ka na please ayaw ko ng ipagpatuloy pa ang usapang ito baka umabot pa ito kay Daryll" sabi ko sa kaniya. Dahilan iyon kung bakit nagbago ang expression sa mukha niya.
"Phs yang gago mong best friend na epal ng epal, ano ba siya sa buhay mo? Best friend mo lang siya, Neysha best frie------
Hindi ko na siya pinagpatuloy pa, I slapped him hard! 'Yung tipong parang namamaga na 'yung kamay ko.
"How dare you wala kang karapatang husgahan sya, di mo sya kilala at mas lalong 'di mo ko kilala, kaya pwede ba umalis ka na nakaka irita ka! " ako at umaksyon na pagsasarhan ko siya ng pinto. Pero hindi ko pa natutuloy no'ng hinarang niya ang mga paa niya rito. Letche! Ayaw ko mang mapakasama, pero pinipilit yata ako ng lalaking ito!
"Babalik ako, Neysha. Babalik ako, babalikan kita" siya, kaya umikot lang ang mg amata ko. Pang ilang irap ko na ba ito ngayong araw!
"Noted" ako, at ayun tuluyan na siyang umalis
Kaagad ko namang sinarado ang pinto ng bahay namin. Nakakaasar 'yung lalaking 'yun bulabugin ka ba naman sa ganitong oras sarap pektusan, naputol tuloy ang pag susulat ko sa wattpad at 'di naka pag update dahil sa lokong 'yun, bahala na mag papaliwanag nalang ako sa mga readers ko bukas.
Dahil bigla akong nakaramdam ng pagod sinara ko nalang ang laptop ko at nag tunggo sa kusina para kumain, dahil nakakatamad magluto nag cup noodle nalang ako, tutal wala naman si daryll dito kaya puwede akong kumain nito.
YOU ARE READING
He Got Me Pregnant (Completed)
General FictionR-18 I never did expected that loving him will make my life miserable as making me pregnant by his offsprings but left me without a word. It hurts so damn much that I want him suffer even more.