************************
Property of SexyPink18
************************Chapter 43 - Critical Acclaim
* Third Person's *
Nakasuot ng simpling floral maxi dress si Neysha pagbaba nya sa Ashton Martin ng babaeng naka maskara.
Gaya ng dati, ganoon parin at walang emosyon na naka paskil sa kanyang mukha.
Nasa harap sya ng mansyon ni Daryll. Mainit nya itong tiningala habang inaayos ang baril na nasa ilalim ng kanyang damit.
"Mamamatay ka rin'g loko ka. "
Tanging paulit-ulit na bulong nya sa kanyang sarili.
Naglakad na sya para makapasok. Laking gulat naman ng gwardia dahil sa biglaang pag-papakita nya. Hindi nya ito pinansin at deretsong nag punta sa grand door ng mansion.
Lumiko sya kung saan ang silid nila ni Daryll, at pag kapasok nya roon ay namataan nya ito sa may salamin at bahagyang hinahawakan ang bagay na nasa drawer.
Tila napansin sya nito kaya sya nito binalingan. Gulat ang ekspresyon sa mukha ni Daryll gayong hindi nito inaasahan ang kanilang pag kikita. At ang kanyang pagbabalik.
Ngali-ngali sya nitong nilapitan at agarang niyakap.
"Fuck Neysha! You made me worried! " tila galit na wika nito.
Parang wala namang narinig si Neysha at agad na tinulak ang lalaki palayo sa kanya. Wala sa kanyang imahinasyon na lapitan sya ni Daryll. Mas lalo lamang na kumulo ang kanyang dugo.
"I'm fine. " kaswal na kanyang sabi rito.
Tila napansin ni Daryll ang pag iiba sa mood ni Neysha kaya lumayo muna sya rito at bahagya itong pinagmasdan.
" What the fuck has happened to her! " bulong nya sa isip.
Nais nya sanang malaman ng kanyang mga anak na narito na ang kanilang moma pero mahimbing na itong natutulog at ayaw nya itong istorbuhin dahil ilang araw na rin ang mga itong walang tulog dahil sa pag kakawala ni Neysha.
Nangangati namang bunutin ni Neysha ang baril na hawak dahil sa inis nya kay Daryll. Ewan nya rin sa sarili nya kung bakit parang may pumipigil sa kanya na patayin ito gayong iyon naman talaga ang gusto nya.
Wala syang ibang gustong gawin sa panahong iyon kundi ang patayin si Daryll. By the look of his handsome face made her veins tremble. Alam nyang noon pa lamang ay gwapo na ito, pero wala na syang paki-alam. ' That face, that Fucking handsome face , that's the reason on why I gave in to him years ago! '
Bulong bulong nya sa sarili. Napansin nya ang bahagyang pagmamasid ni Daryll sa kanya kaya naman umayos sya. Mukhang mapapaliban ata ang pag patay nya sa lalaking ito.
Nagkunyari syang inaantok, para mabaling doon ang atensyon ni Daryll. ' Papatayin nalang kita pag tulog kana, less effort at magiging masaya pa ako. ' sabi nya sa isip.
" Matutulog na ako. " sabi niya at agad na sumampa sa kama. Nangunot naman ang noo ni Daryll habang pinagmamasdan si Neysha na kakahiga lamang.
Hindi iyon ang inaasahan nyang pag kikita nila. Inaasahan nya na umiiyak ito at yayakapin sya. Ni hindi man lamang nito hinanap ang mga anak. " Something strange was happening to her. "
Kilalang kilala ni Daryll si Neysha. At alam na alam nya na kaya sya nitong kalimutan para lamng sa kanilang mga anak. Kaya labis ang pagtataka nya ng hindi man lamang nito hinanap ang mga anak nila. At parang wala man lamg stress na naidulot ang pagkaka kidnapped nito. Iniisip nya na matatakot o nasa isang trauma ito Pagkarating sa kanilang bahay, at isa pa sa pinag tataka ni Daryll, eh nakabihis pa ito. "Just what the! "
YOU ARE READING
He Got Me Pregnant (Completed)
General FictionR-18 I never did expected that loving him will make my life miserable as making me pregnant by his offsprings but left me without a word. It hurts so damn much that I want him suffer even more.