Chapter 3 - Acting Strange*Neysha*
Pagkamulat ng mata ko ay mukha kaagad ng gwapo kong best friend ang sumalubong sa akin pero nakakunot ang noo nitong mariing nakatitig sa akin, problema niya.
Tiningnan ko ang hawak niya ma siyang ikinanlalaki ng mata ko. Mukhang mapapasubo ako ngayon.
Hawak-hawak niya ang cup na pinangkainan ko ng cup noodle kagabi, na siya namang mahigpit niyang babala sa akin na huwag na huwag akong kumain ng ganoon.
"Explain" siya
"Ahh! Hehe, nagutom ako e. " napapalunok kong paliwanag.
"That's not an acceptable reason. Why didn't you call me so I cooked for you ?!" may bahid na pagkainis niyang sabi.
"Nag-iisip ka ba? Tatawagan lang kita para ipagluto ako? Tss " ako habang inaayos ang nagulo kong buhok.
"And why not?" siya
Tinignan ko siya saka inirapan.
"Why not why not ka diyan, pati ganitong bagay pag-aawayan pa natin"
Pagka sabi ko n'on ay tumayo na ako at dumeretso sa banyo na hindi siya sinusulyapan, pero bago pa man ako makapasok doon ay naramdaman ko nalamang na may matipunong mga braso na ang pumulupot sa aking beywang.
"I'm sorry I was just worried, you know that the doctor clearly said last month that you have a Urinary Tract Infection, and it's not good for you to eat any of those shits. " aniya na dahan-dahan na inilalagay ang mga panga sa aking leeg. Bigla tuloy akong namula.
Oo tama siya nagka UTI ako last month at siya ang nagpaconfine sa akin. Grabe lang naman ang panenermon niya sa akin, at sa mga panahon ring iyun ay isinumpa ko na pagnagkasakit ako uli ay hindi ko na ipapaalam sa kaniya.
Kong alam niyo lang, kung gaano ako kahirap uminom ng gamot at ang magaling kung best friend, ay grabe kong mam blackmail mapa-inom lang ako.
Eeh nakakasuka ng isipin iyun nakakakilabot pa! Basta ayoko siyang maging nurse.
"Oo muntik na nga akong mamatay n'on dahil sa mga gamot na gusto mong pagsabayin na ipainom sa akin" sarcastic kung sabi.
He chuckle
"And I think it's your fault by not taking care of yourself, maybe let's call it your punishment " siya at hinalikan ako sa leeg.
Siguro kong may makakakita saamin ngayon, iisipin na mag jowa kami, kasi naman ang sweet sweet ng best friend ko.
"Tse!! Maliligo na ako" ako at pilit na inaalis ang pagkakayapos niya sa aking beywang. Bakit ba?! Sa nakakailang ng pinanggagawa niya!
"Can I come? " aniya sa isang nakakalokong boses. Sinabayan pa ng nakakalokong ngiti.
"Nek-nek mo! Diyan ka na nga! Kaasar." ako at tuluyan ng pumasok sa loob ng banyo.
"Just call my name, if you change your mind, I'm always ready" siya na siyang ikina-iling ko. Loko!
Sa totoo lang best friend ko ba talaga ang taong 'yun? He's being weird these past few days, lagi nalang siyang nagiging sweet na mas ikinatakot ko, kasi bawat sigundo na lumilipas na kasama ko siya ay mas lalo ko lang siyang iniibig.
Lalo na sa klase ng pananalita niya, na ang mas masakit alam kong joke lang lahat, pero itong nararamdaman ko? Bwesit, pero hindi ito joke.
Pinipigilan ko namang umasa eh, pero parang kinakain ko lang din naman ang mga sinasabi ko, dahil kahit pilit kong itinatanggi sa sarili ko, alam kong umaasa parin akong may pagtingin din siya sa akin na higit pa sa pagkakaibigan.
Desperada na ba talaga ako? Bahala na. Wala rin naman akong magagawa e push ko nalang ito, tutal nakahanda na rin naman ako sa mga mangyayari.
Dati rati tuwing may nakikita akong mag jowa na co-corny-han ako sa kanila, sinasabi ko na ang OA nilang tingnan, ngayon narealize ko na, parang ang saya pala pag ganoon.
Bakit ba kasi ganito ang binigay ni Lord sa akin na matalik na kaibigan. Sweet, caring, cold, cool, handsome, rich. Halos lahat na ata ng magagandang traits sa mundo nakuha niya. Letche lang!
****
Pag ka tapos kong maligo, ay lumabas na ako ng banyo na nakatapis lang ng manipis na tuwalya, feeling ko rin, sobrang late na ako sa klase namin.
Saktong pagkabukas ko ng pinto ay bigla akong nauntog sa isang matigas na pader.
"Ouch" ako sabay taas ng tingin kong sino man 'yung pader na biglang humarang sa pinto ng banyo.
"Bat ka ba nakaharang diyan" may pakainis kong wika sabay himas sa noo ko.
"Waiting for you to call me to join you?" siya kaya napairap ako.
Seryoso siya? Abnormal nga talaga itong gwapong 'to.
"Ano ba! Alam mo himdi nakakatuwa 'yang joke mo Daryll, ah! "
"Tss " siya at pinitik ako sa noo.
"Magbihis kana baka hindi na ako makapag pigil " siya at tumalikod na.
Huh? Anong ibig niyang sabihin?
Slow ba ako o sadyang mahirap lang siyang intindihin?Phhss NEVER MIND!!
*****
Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong pumunta sa kusina, amoy na amoy ko na kasi ang beefsteak na niluluto niya.
"Wow mukhang masarap to ah" ako na hindi mapigilan ang paglalaway sa nakahain.
"Naah, it's dilicous, actually " may pakamahangin niyang sambit sabay kindat at ngiti kaya nakita ko ang perfect dimple na na siyang mas nagpapangisay sa akin sa kilig.
"Okay ikaw na " ako at nagsimula nang kumain.
Parang titirik ang mata ko sa sobrang sarap ng pagkakaluto niya! Sana forever na lang ganito.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam agad ako sa kaniya, mamayang alas niwebe pa daw kasi klase nila, so dahil ako 6 ayon gora na, iniwan ko lang siya sa bahay tutal, alam ko namang hindi niya iyun pababayaan.
YOU ARE READING
He Got Me Pregnant (Completed)
General FictionR-18 I never did expected that loving him will make my life miserable as making me pregnant by his offsprings but left me without a word. It hurts so damn much that I want him suffer even more.