Teaser

5.9K 68 6
                                    

"When I saw you again, that was when I knew that I wasn't healing myself the right way. Dahil sa dinami-dami ng naging girlfriend ko, ikaw pa rin ang hinahanap ko. Don't you get it Ella? All I want is for you to need me, always."

Trace was Ella's secret first love. Pero ang pagmamahal na iyon ay naputol ng pinili ni Ella na bumalik sa kanilang probinsya at ipagpatuloy ang pag-aaral. Mabilis na lumipas ang mga araw sa kalendaryo na waring sa isang iglap lamang ay dumaan ang isang taon kasabay ng mga pagbabago sa buhay ni Ella. Ngayon ay isa na siyang Summa Cum Laude graduate sa kursong Business Administration.

Pero ang isang bagay na hindi nagawang baguhin ng panahon at nananatiling nakaukit sa kanyang puso magpakailanman ay ang pangalan ni Trace Hendelson. Ito ang tanging lalaking bumihag at nanakit sa kaniyang puso noon ngunit patuloy pa ring minamahal ng kanyang puso sa paglipas ng mga panahon...

Ngunit papaano kung biglang nag-krus muli ang kanilang magulong landas at maligalig na tadhana? Magagawa nga ba niyang muling mahalin ang binata sa kabila ng mga pagkakamali nito?

One That Got Away (Playboy Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon