Chapter 22 - [Flashback]

366 18 4
                                    

Lumipas ang mga araw't buwan at dahan-dahan na nakapag-adjust sina Ella at Marie sa kanilang mga trabaho. Kung noong una ay nangangapa pa sila sa dami ng mga gagawin, sa dami ng mga taong papakisamahan at kikilalanin, at bagong mundo nilang gagalawan... Ngayon, lahat ng iyon ay easy na lang sa kanilang magkaibigan.

Hindi rin nakaligtas kay Ella ang tila malaking pagbabago sa ugali at kilos ng bestfriend niyang si Marie. Dati kasi mahiyain ito, tahimik kapag may ibang tao, at saksakan ng hinhin na parang di makabasag pinggan sa pagkadalagang Pinay. Pero ngayon, halos katulad na niya ito na malakas mang-asar, laging manakangiti at nakatawa, at hindi na rin ito mariringgan ng reklamo tungkol sa pag-aalaga sa bulag nilang amo na si Vince.

Pero ang mas nakakuha ng kaniyang pansin ay ang kakaibang ningning sa mga mata nito sa tuwing ang mapag-uusapan nila ay si Vince. Kaya naman dinaan na lang niya sa simpleng asar ang pagpapaamin sa kaibigan.

"Ang panget ni Sir Vince 'no? Parang kulang ng sustansya sa katawan." Kunwaring pang-aasar niya habang nakaupo sila sa may garden matapos makapananghalian.

"Hoy, hindi ah! Ang pogi kaya niya." Depensa ni Marie. "Kung matitigan mo lang siya tapos isipin mo na hindi siya bulag at kung siguro naggym din sya, baka sobrang hot na nun!"

"Wow, kung makadepensa kala mo girlfriend?" Patuloy niya para paaminin ito. "Crush mo ba, beshy?"

"Hindi ah! Issue ka pa nga, alam mo yun?" Inirapan siya nito at kinurot sa tagiliran. "Mamaya baka kung sino makarinig sayo, mapagalitan pa tayo."

"Alam mo siswang, kung bet mo si Papa Vince, go lang! Wala naman masama sa crush diba? Support naman kita."

"Obvious na ba ko talaga, sis?" Nakangusong sabi ni Marie na mukhang napapaisip na rin sa mga kinilos nito.

"Hindi naman. Slight lang. Siguro dahil kaibigan mo lang ako kaya alam ko." Pagdadahilan ni Ella. Ang hindi alam ni Marie ay pinapaadaran niya lang ito ng kaunting drama para mapaamin sa kinukubling feelings. "Hindi naman kita masisisi kung na-fall ka. Sa loob ng mag-iisang taon natin dito, araw-araw mo siya inaalagaan, kasama, at kausap kaya di na nakakapagtaka kung madevelop ka."

"Hindi ko rin alam bakit, pero oo, crush ko siya. Pero crush lang naman talaga. Promise. Hanggang doon lang. Wala na." Pag-amin ni Marie. Nagpalingon-lingon pa ito sa buong paligid para masiguro na walang ibang nakarinig sa sinabi nito. "Wag mo ko isusumbong kay Nay Elsa, baka magalit yun sa akin."

"Syempre hindi! Gaga, bakit ko naman gagawin yun? Hinuhuli lang kita, swissy." Natatawa na lang siya sa sobrang dali paaminin nito. Kahit kailan talaga ay effective ang mga acting niya.

"Bwisit ka! Nakakagigil ka, Ella!" At pabirong sinabunutan nga siya ni Marie at kinurot sa tagiliran.

"Sorry na, swissums." Aniya pero mas lalo siyang natawa dahil parang bata si Marie na nagbablush dahil sa hiyang-hiya sa nagawang pag-amin.

"Ewan sayo!" Irap ulit nito, "Alam mo, kaya ka laging napagtitripan nina Sir Jace at Sir Trace kasi ang lakas mo din mang-asar, eh."

"Hello! Kaya ko lang naman sila pinapatulan kasi inaasar nila ko." Pangangatwiran niya. "Kung hindi ko lang mga amo yung dalawang yun baka matagal ko ng tinuhuran yun para nabaog." Lakas loob niyang sabi na napapangisi pa. Mabuti at araw ng Huwebes ngayon kaya wala ang pamilya sa Hacienda. "Lalo na yung Trace na yun? Grabe, as in, kung makaasta akala mo siya may-ari ng Pilipinas. Lalo kapag nag-uutos gusto perfect agad-agad at mabilis."

"Mabait naman si Sir Trace sa akin. Baka naman namimisinterpret mo lang?"

"Ay, taray, umi-english ka na din ha?" Asar niya rito at saka nagpatuloy sa panlalait kay Trace. "Mabait lang yun pag may ibang tao. Pero pag nakilala mo kung ano ugali nun? Maniwala ka sa akin, turn off ng malala! Mas mabait pa nga ata talaga yang alaga mong si Sir Vince na parang chanak lang paggalit. Sina Sir Trace at Sir Jace kasi mga masasamang lamang-lupa yun." Buti na lang at walang ibang nakakarinig sa kaniya dahil tiyak na masesermonan siya o matatanggal sa trabaho kapag nakarating sa kanilang mga Amo ang mga pinagsasabi niya.

One That Got Away (Playboy Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon