Pagkatapos makapag-agahan ay nagsimula na nga sa paglilinis ng bahay sina Manang Elsa at Ella. Pansamantala ay tumutulong rin muna sa kanila si Marie habang hinihintay na magising ang buong pamilya Hendelson para pormal silang maipakilala sa mga ito mamaya sa oras ng agahan ng mga ito.
"Nang, bakit po pala tayong tatlo lang ang mga kasambahay na dito nag-stay sa loob ng Mansion? Paano po yung iba?" Curious na tanong ni Marie kay Manang Elsa.
"Lahat kasi ng kasambahay rito ay meron ng mga sariling pamilya at doon sila nakatira doon sa pabahay na bigay nina Senyora." Simulang paliwanag ng Ninang nila habang nagwawalis ito ng sahig. "Nagkataon din na ako ang mayordoma kaya dapat palagi akong narito sa bahay para mamahala pag wala ang mga Amo natin. At saka madalas kasi magkaroon ng mga okasyon dito kaya dapat na lagi kayong handa."
"Ninang, yung sa sweldo po pala, hindi po kasi namin naitanong sa inyo yung tungkol doon." Pahaging ni Ella ng maalala ang tungkol sa bagay na kahapon pa nila pinag-uusapan ng kaibigan.
"Yun ba? Kung suweldo lang ang pag-uusapan, wala talaga kayong magiging problema. Maraming mga magagandang benepisyo at saka malaking magpasuweldo sina Senyora basta gawin niyo lang nang maayos ang trabaho niyo palagi."
Habang nagsasalita si Manang Elsa ay panay ang paggala ng mga mata ni Ella sa mga disenyo ng mansiyon. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya makapaniwala na may ganitong klase ng mayayaman sa Pilipinas. Pero ng mahagip muli ng kaniyang mata ang family picture ay doon nabaling ang atensyon niya... At sa misteryosong lalake kanina...
Sino nga kaya ang impaktong hinayupak na yon? Tanong niya sa sarili ng maalala ang unang tagpo nila kanina.
"Simula dito sa hagdan paakyat diyan sa second floor ang toka na lilinisin mo araw-araw," patuloy ni Nang Elsa ng ituro ang malapalasyong disenyo ng malawak na hagdan. "Ang mga hallway lang ang lilinisin at ang dalawang guest room. Maliban doon ay wala na. Basta bawal tayo pumasok sa mga kwarto para maglinis maliban na lang kung ipapatawag tayo. Malinaw ba Ella?"
"Opo, Ninang." Mabilis niyang sagot. At dala ng di makulit na sigaw sa kaniyang isip ay itinanong na rin niya ang tungkol sa estrangherong lalake. "Nang, kanina po pala may nakita akong lalake, hindi naman po mukhang si Don Conrad yun kasi mukhang binata pa. Sino po yun?"
"Ah, baka isa sa mga magkakapatid. Mamaya makikilala niyo din sila." Sabi nito at saktong itinuro naman ang larawan na kanina pa niya tinitignan. "Yan, baka isa sa kanila ang nakita mo."
Nanlaki ang mga mata ni Ella at nagkatinginan pa sila ni Marie ng marinig ang sinabi ni Manang Elsa. "Ibig pong sabihin hindi na bata ang mga anak nila?"
"Aba'y hindi na. Mga bata na ang mga iyon, siguro ay halos matanda lang sa inyo ng ilang taon. Hindi ko pa ba nasabi sa inyo?" Napapakamot sa ulo na sabi ng matanda na tipong napapaisip kung nakalimot nga ba ito na sabihin ang tungkol sa bagay na iyon.
"Hindi po." Magkasabay nilang sagot ni Marie at pareho pang napapailing.
"Pasensya na at nakaligtaan ko." Natawawang pag-amin na lang nito. "Di bali, mamaya ay makikilala niyo na rin sila. Mababait at mga gwapo ang mga iyon. Halos lahat ng mga dalaga sa loob at labas nitong Hacienda ay nagkakagusto sa mga iyon."
"So, 'yung mga gwapo po na iyon ang Amo namin?"
Biglang sumeryoso ang mukha ng kanilang Ninang Elsa at tinignan sila. "Hoy, kayong dalawa, pinapaalala ko lang na nagpunta kayo rito para sa trabaho ha? Nangako ako sa mga Nanay at Tatay niyo na babantayan ko kayo maigi kaya huwag niyo sana ako bibigyan ng sakit ng ulo." Mahigpit na paalala nito sa kanila ni Marie. "Nagkakaintindihan ba tayo?"
BINABASA MO ANG
One That Got Away (Playboy Series #4)
Romance(Tragic Romance) Trace is a rich young businessman and a well-known playboy. At hindi niya iyon itatanggi, in fact, nagagawa pa nga niya pagsabayin ang mga babaeng nilalandi niya. And Ella is just another innocent victim of Trace's game. Dahil ang...