Chapter 32

752 25 4
                                    

---- Present Time ----

Puno ng sandamakmak na masarap na pagkain at alak sa Hacienda bilang selebrasyon sa unang anibersaryo ng kasal at post-wedding proposal ni Vince para kay Claire. Ang lahat ay nagsasaya, nagkakain, nagtatawanan, nag-iinuman, at nagkakantahan pa. Talaga nga namang buhay na buhay ang buong paligid.

"Congrats, bessy!" Maligayang bati ni Ella ng lapitan ang kaniyang best friend. "Sobrang happy ako for you, as in super duper!"  Sa dami ng hirap at mga pasakit na dinanas ng kaniyang best friend mula noon hanggang ngayon, walang ibang pwedeng magsabi na hindi nito deserved ang saya na mayroon ito ngayon.

"Thank you, bessy!" Kinikilig na niyapos siya ni Claire. "Ewan ko ba pero feeling ko nananaginip pa rin ako hanggang ngayon."

Pabiro namang sinampal ng mahina ni Ella sa pisngi ang kaibigan, "O, ayan, gising ka na?" Natatawang pang-aalaska niya para iparamdam na totoo ang lahat ng nangyayari. "Hindi panaginip to. Totoong nag-propose na sayo ang asawa mo."

"Akala ko dati malabong mangyari to, pero totoo pala talaga na mahal niya din ako."

"Syempre, kaya ka nga pinakasalan agad diba? Tignan mo nga at nauna pa ang kasal bago ang proposal." Sabi niya at ikinatawa naman nila. "Teka, nasaan na nga pala ang Mister mo?"

"Nandiyan lang iyon, baka kasama ang mga kaibigan niya." Muli pa ay pinagmasdan nito ng may ngiti sa labi ang suot na singsing. "Sana talaga ito na to. Wala ng hahadlang pa."

"Ay, sinasabi ko sayo, kapag may umeksena pa ulit sa inyo ni Vince, iitakin ko talaga ng pinong-pino!" Pabiro man ay totoo ang kaniyang intensyon na protektahan ang kaibigan at inaanak na sina Lucho at Dreico, tiyak na dadaan muna ang kung sinong hinayupak na panggulo na iyon sa butas ng karayom dahil hindi niya iyon basta hahayaan na sirain ang kasiyahan ng bessy niya.

Habang masaya silang nag-uusap at nagkukwentuhan ay napansin ni Ella mula sa bandang gilid ang binatang si Trace. He's having a really good time drinking and talking with some of the workers.

"Hindi pa rin ba kayo nag-uusap?" Tanong ni Claire ng mapansin nito kung saan nakatuon ang kaniyang mga mata.

"Wala naman kaming pag-uusapan kaya bakit kami mag-uusap? At wala rin siyang sense kausap kaya magsasayang lang ako ng laway sa wala." Katwiran niya sabay inom ng red wine na hawak.

"Halos anim na buwan na ata kayo hindi nag-uusap at nagpapansinan ni Trace, hindi ka ba nahihirapan?"

"Seven months and two weeks to be exact." Pagtatama niya sa sinabi ng kaibigan. "And to be honest, mas gusto ko nga na hindi na lang kami mag-usap. Baka bumula lang ang bibig ko kapag nakipag-usap ako sa lalake na yon na walang ibang alam kundi lumandi sa mga babae."

"Nagseselos ka lang ata kaya ka ganyan 'no?" Nakatawang pang-aasar ni Claire sa kaniya.

"Gusto mo bang ako na lang sumira ng love life niyo ni Vince ngayon, bessy?" Pabirong banta niya rito sabay irap.

"Sus! Miss mo lang si Trace, eh?"

"No way! I'm Ellary Martinez, isang Dyosa na pinadala dito sa mundo niyong mga mortal." Sabay hawi pa ng mahabang buhok, "If I know, baka nga siya pa ang nakaka-miss ng sobra sa akin. Ganda kong to, ako pa maghahabol sa lalake?" Puno ng kompyansa niyang pagmamalaki.

Ang hindi alam ni Ella ay nasa likuran na pala niya si Trace at narinig nito ang lahat ng kaniyang mga sinabi, "Huwag ka masyado assuming, Ella. Hindi rin naman kita nami-miss. In fact, nakalimutan ko pa nga na nag-eexist ka pala sa mundo na to. Anyway, it's good to see na buhay ka pa pala."

One That Got Away (Playboy Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon