Chapter 18 - [Flashback]

423 14 2
                                    

Matapos mananghalian ay inilibot naman sina Marie at Ella ng kanilang Ninang Elsa sa loob ng bahay. Itinuro sa kanila nito kung saan nakalagay ang iba't ibang mga kasangkapan na maaari nilang gamitin. Itinuro din sa kanila kung papaano gamitin ang karamihan ng mga kagamitan sa loob ng bahay na siguradong hindi sila pamilyar gaya na lang ng vacum at polisher para sa paglilinis ng carpet at pagpapakintab ng sahig. Mga gamit sa kusina gaya ng microwave, toaster, oven, blender at kung ano-ano pa.

"Ang sososyal naman ng gamit dito. Pati kurtina pinipindot na lang ha?" Komento ni Ella habang idine-demo sa kanila ng kanilang Ninang kung papaano kinokontrol ang automatic window blinds. "Ang sarap siguro maging ganito na sobrang yaman 'no?"

"Sus, parang mayaman ka na rin naman dahil dito ka nagtatrabaho." Nakangisi na sabi ni Manang Elsa. "Isipin mo na lang na habang narito kayo, bahay niyo na rin to. Kaya alagaan niyo."

"Opo, Nang." Magkasabay na tugon ng dalawa.

"O sya, halika at ipapakilala ko kayo sa iba pang mga tao dito na kailangan niyo matandaan ang pangalan agad." Anito saka sila sinamahan sa labas ng bahay para ipakilala sa iba pang mga importanteng tauhan sa lugar.

Matapos maipakilala sa lahat ng mga kasambay sa Mansion at maibigay ang mga susuotin na uniporme, sunod na ipinaliwanag naman ni Manang Elsa kina Marie at Ella ang magiging tungkulin nila bilang mga bagong kasambahay. Sa kasalukuyan ay si Manang Elsa ang kinikilala ng lahat bilang Mayordoma ng bahay dahil ito ang pinakamatagal na naninilbihin sa loob ng 25 years.

Si Marie ang magiging personal maid ng isa sa mga anak na lalake ng mag-asawang Hendelson na makikilala daw nito bukas. Si Ella naman ay ang magiging katuwang ni Manang Elsa sa ibang gawaing bahay dahil sa medyo nagkakaedad na ito at hirap sa paggawa ng ibang mabibigat na gawain. Sa loob kasi ng malaking Mansion ay may iba't ibang mga tauhan na nakatoka para sa mga gawaing bahay.

Si Manang Betty sa mga labahin at plantsahin. Si Manong Pedro at ang teenager na anak nitong si Tato ang naglilinis at nag-aalaga sa porch and patio garden at sa pool. Habang si Ate Becka naman ang naka-assign sa pamamalengke at pagluluto. Si Manang Elsa, Ate Maribel, at Ate Alma naman ang naghahati sa paglilinis ng buong bahay araw-araw.

Pero ang pinakaimportante na dapat na tandaan nina Marie at Ella ay ang anim na rules and regulations na binanggit sa kanila ng kanilang Ninang. Iyon daw ang pinakadapat nila isaisip kung gusto nila na tumagal rin sa trabaho.

Una. Maging maingat at maalaga sa mga gamit sa bahay lalo na ang mga display gaya ng mga pigurin, banga, at lalo na ang mga display na paintings na koleksyon nina Don Condrad at Senyora Cassarina mula pa sa ibang bansa. Lahat ng pasilidad at pasilyo sa Hacienda ay may CCTV kaya naman alam ang mga nangyayari. Ayon pa kay Manang Elsa ay ang buong Hacienda ay equipped ng mga top of the class and high-tech security alarms and locks, isa sa maraming business ng Pamilya, kaya lahat na lang ng mga nagtangka na manloob o gumawa ng masama ay agad nahuhuli at nakukulong. Bukod pa iyon sa mga rumoronda na security guards at mga bantay na aso sa buong paligid.

Ikalawa. Siguraduhin na malinis at maayos palagi ang pagtatrabaho ng mga gawain sa bahay. Metikulosa si Senyora Cassarina pagdating sa kalinisan at kaayusan sa bahay. Gusto nito hanggat maaari ay araw-araw naglilinis ng bahay para hindi maipon ang mga alikabok o kung ano pang hindi kanais-nais. Ang bahay ay isang repleksyon sa sarili at ang kalinisan at kaayusan niyon ay isang senyales ng pagiging responsable ng isang tao.

Ikatlo. Mahigpit na ipinagbabawal ni Don Conrad ang pag-aaksaya ng pagkain. Hindi lamang sa kanilang mga kasambahay kundi sa lahat ng tao sa Hacienda at mas lalo na sa mga anak nito. Dapat daw na sinusulit ang bawat pagkain na ihahain sa Mesa, gulay man o karne o isda, dahil hindi kailanman dapat na binabaliwala ang grasya na nagmumula sa Panginoon.

One That Got Away (Playboy Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon