Chapter 14

1.2K 44 9
                                    

All she ever imagined was just a simple date, a friendly dinner date to be exact, kaya lang ay hindi iyon ang nasa harapan ni Ella ngayon. Instead of a simple Valentine's dinner, Jace brought her into a small private resort turned into a paradise. Yes, a paradise.

Ang buong nilalakaran niya ay petals ng red roses, at ang table kung saan sila kakain ay nakapwesto sa gitna ng isang pool na nilagyan ng transparent platform, at sa buong paligid niyon ay mga floating candle lights. On the right corner is where the musicians are, and on the left is where the foods are being set-up.

"Sobra naman ata to para sa simpleng date." Amused na sambit ni Ella sa binatang nakaupo na ngayon sa kaniyang harapan. "Kung alam ko lang na ganito yung simpleng date para sayo, nag-ayos pa sana ako ng mas bongga."

"You don't have to try hard, I love how you look tonight." Simpatikong ngiti ni Jace sa kaniya.

She's wearing a simple spaghetti strap white dress na hapit sa kaniyang katawan. Hanggang tuhod ang haba niyon ngunit merong slit sa kaliwang bahagi na halos isang dangkal. Sinadaya rin niyang medyo kita ang kaniyang cleavage para naman kahit paano ay sexy siyang tignan. Ang buhok niya ay kinulot niya ng bahagya at nagsuot siya ng heels na may taas na 5-inches para madagdagan naman ang kaniyang height.

Wala naman sana siyang plano na magpaganda ng sobra, subalit ng maisip niya kung sino ang kasama niya at kung sino ang maaaring makakita sa kanila ay naisip niya na mag-ayos na rin. Ayaw naman niyang magmukhang pulubi kapag nasa tabi na siya ni Jace, at tiyak na kahit saan sila magpunta ay merong mga makakakilala rito kaya't ayaw niyang bigyan ng kahihiyan ang kaibigan.

Jace is wearing a royal blue ¾ sleeve polo, black pants, and black shoes. He looks casual yet he exudes so much class without even trying hard. Sabagay, bakit pa nga ba ito mag-aaksaya ng oras na pumorma kung sa mukha pa lang ay agaw atensyon na ito? And not just the face, because on the physique alone ay talagang lilingunin mo na ito. He looks fit and hot, iyon bang tipong lilingunin mo ng paulit-ulit.

"Alam mo gwapo ka rin naman pala 'no?" nakangiting papuri niya sa binata habang pinagmamasdan ang mukha nito.

"Thank you for appreciating me." Napapangiting tugon ni Jace. Base sa ekspresyon nito ay hindi nito inasahan ang papuri niyang iyon. "Parang ito ang unang beses na narinig kong pinuri mo ang kagwapuhan ko ah."

"Hayaan mo first and last na to." Tatawa-tawang asar niya rito.

"Kakasimula pa lang natin mag-date tapos napo-fall ka na agad sa akin? Nako, Ella ha... nakakatakot yan..."

"Ang kapal ng mukha mo! Wala akong sinabing ganyan!" giit niya sa panunukso nito. "Ang hangin mo talaga!" sabay amba ng kamao rito.

"O, wag mo sabihin dito mo ko hahamunin ng boxing?" patuloy na pang-aasar ni Jace na ikinatawa nila pareho.

The night went smoothly katulad ng inaasahan ni Ella sa date nilang iyon ni Jace. The foods were delicious at talaga namang napakaespesyal, iyon bang hindi basta matitikman sa mga restaurant. Para bang sinadya lamang ang mga ganoong luto para sa mga special occasions.

"Can we dance?" paanyaya ni Jace ng ilahad nito ang kamay sa kaniyang harapan.

"Hindi ako marunong sumayaw ng mga ganyan-ganyan." Nahihiyang tanggi niya dala ng takot nab aka maapakan niya ang paa nito.

"It's Valentine's Day, hindi mo man lang baka ako pagbibigyan kahit isang beses?"

"Jace---"

"Ellary Martinez, please..." matamis ang ngiti sa labing paanyaya muli nito. And she didn't hesitate to give him the pleasure of dancing her to the tune played by the live musicians.

One That Got Away (Playboy Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon