Chapter 16 - [Flashback]

547 17 2
                                    

Busy sa pag-aayos ng mga panindang gulay si Ella nang dumating si Marie. Napansin niya na may bitbit itong plastik bag pero bago pa maitanong kung ano iyon ay iniabot na nito iyon sa kaniya

"Ano to?" Tanong ni Ella sa kaibigan.

"Pasalubong ko sayo, ayaw mo ba?" Taas kilay na sagot ni Marie tsaka akmang babawiin ang iniabot sa kaniya. "Akin na, ayaw mo pala eh?"

Pero mabilis iniharang ni Ella ang isang kamay para pigilan ang kaibigan, "Ops, akin na to. Wala ng baiwan. Touch move." Sabay kapit ng mahigpit ng plastik na iniabot sa kaniya.

Dala ng kuryosidad ay binuksan niya ang plastic at abot-tainga ang kaniyang ngiti at excitement ng makita ang nasa loob ng plastic bag. "Halaaa!" Kinikilig niyang reaksyon sabay yapos sa kay Marie. "Salamat, bessy! Grabe, kaya mahal na mahal kita e! Ang bait talaga ni Papa Jesus at binigyan niya ako ng saksakan ng ganda at ubod ng bait at sobrang mapagmahal na kaibigan na kagaya mo. Ikaw talaga ang totoong patunay ng anghel sa lupa." Hinalik-halikan pa niya si Marie bilang taos pusong pasasalamat. "Hayaan mo bessy, pag-pray kita mamayang gabi bago ako matulog. Iwi-wish ko sana maging presidente ka ng Pilipinas." Sabi pa nito kalakip ang pilosopong ngiti at nakakalokong tawa.

"Ay! Ay! Tumigil ka nga, Ella! Nakakadiri ka!" Saway ni Marie habang itinutulak siya papalayo para patigilin sa ginagawang pambobola. "Ang OA mo, para kang aso na may rabbies ha!" Naaalibadbarang sabi nito habang tintutulak pa siya palayo.

Kung siguro naririnig o nakikita ng ibang tao sina Marie at Ella ay iisipin ng mga ito na nag-aaway sila. Pero normal na sa kanilang dalawa ang mag-usap at mag-asaran ng ganoon. Matagal na silang magkaibigan mga bata pa lang sila at maging ang mga Nanay nila ay magbestfriend kaya talaga namang matibay ang pundasyon ng kanilang pagkakaibigan.

"Thank you talaga, beshko! Sobra. Napasaya mo ko dito sa pasalubong na to." Nagagalak na reaksyon ni Ella habang iniisa-isang ilabas ang laman ng plastik.

Laman ng pasalubong ni Marie kay Ella ay ang dalawang piraso ng buy-one-take-one na Angel's Burger na alam na paborito nilang merienda kapag napapasyal sila sa bayan. Pero ang mas nagpasaya ng husto kay Ella nang makita ang isang DVD na nabili nito sa palengke. Isa iyong korean drama na ipapalabas pa lamang na pinoy dub sa TV syempre pa bida roon si Lee Minho na ultimate jowa niya.

"Grabe, swissy!" Nagtititili pa siya sa kilig habang tinitignan ang mukha ng bidang mga lalake na nasa picture na cover ng dvd. "Ang popogi nila! Jusko, Marie, isugod mo na ako sa Hospital! Manganganak na ata ako!" Eksaherada niyang reaksyon.

"Hoy, gaga ka!" Saway nito sa kaniya ng batukan siya. "Umayos ka nga. Mamaya isipin ng mga taong makakarinig sayo na buntis ka talaga." Nagpalinga-linga pa ito para tignan kung may ibang taong nakakarinig sa kanila.

"Hmp! Paki ko naman sa kanila. Maganda ba sila?" Irap niya dahil wala naman siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. "Subukan lang nila akong ichismis, naku, sinasabi ko sayo talagang igigisa ko sa bawang at sibuyas ang mga laman loob nila."

"Weh? kaya mo?" Pamimilosopo ni Marie.

"Oo, sample ko sayo. Bet mo?" Patol niya.

"Huhuhu... Takot ako." Kunwaring nag-makeface pa ito na natatakot sa sinabi niya. Alam naman din kasi nito na siya ang tipo ng tao na hindi papatalo o papadaig kanino man.

Natigil lang ang kanilang pag-aasaran ng biglang sumulpot sa kanilang harapan ang isang pamilyar na mukha ng may katandaan ng babae. Ito ay walang iba kundi ang kanilang Ninang Elsa. Isa rin ito sa matatalik na kaibigan ng mga Nanay nila at kababata nila ang anak nitong panganay na lalake.

One That Got Away (Playboy Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon