Chapter 26 - [Flashback]

373 19 0
                                    

Suot ang puting plain v-neck t-shirt, maong shorts na maiksi, at puting sneakers ay muling sinuri ni Ella ang kaniyang sarili sa salamin. Napangiti pa siya ng makuntento sa kaniyang simpleng outfit, "Ayan, ganyan nga, simplehan lang natin tapos idaan na lang sa ganda." Pagkausap niya sa sarili habang nakaharap sa salamin at pinagmamasdan ang sarili.

Mas lalo pang lumapad ang ngiti sa kaniyang labi ng mapansin ang laki ng inimprove ng kaniyang katawan. Kung noon ay may mga baby fats siya sa tagiliran, ngayon ay talaga nalusaw na ang mga iyon at napalitan ng solid muscle. Nadevelop rin ang kaniyang mga braso at mas gumanda ang cuts ng kaniyang long legs.

"In fairness, worth it naman pala yung mga pinaggagawa ko." Saka tinignan sa iba't ibang anggulo ang sarili. Sa lumipas na limang buwan ay talagang binuhos niya ang atensyon sa pagpapaganda ng katawan. Mula sa mga youtube workout, pati sa diet, hanggang sa pagdownload ng mga apps sa cellphone na pampapaganda ng katawan ay pinatos niya talaga. Tiniis niya ang mag-workout at maging pihikan sa pagkain. Ngayo'y masasabi niyang sulit naman ang lahat ng mga sakripisyo at pagtitiis niya.

Nang ma-satisfied na sa kaniyang itsura ay lumabas na siya ng silid bitbit ang lamang ang wallet at ang cellphone. Hindi siya magdadala ng bag dahil dagdag bitbitin lang iyon pag pauwi na. Mabuti na yung wala siyang iintindihan habang nag-iikot siya sa Bayan mamaya.

"Good Morning po, Mang Pedro!" Masiglang bati ni Ella sa matandang Hardinero ng maabutan niya ito na kasalukuyang busy sa pagdidilig ng mga halama't bulaklak sa front garden.

"Good Morning din, Dyosa Ella." Nakangiting bati naman nito ng lingunin siya. Nakasanayan na rin talaga nito na lagyan ng Dyosa ang pangalan niya dahil sa kakabiro niya noon dati. "Saan ang punta mo at nakabihis ka?" Pag-uusisa nito ng mapansin ang kaniyang suot.

"Sa Bayan po, magpapadala lang po ng kaunting pera para sa gastusin sa amin." Imporma niya sa matanda. "Inuutusan din po kasi ako ni Nang Elsa na dumaan sa palengke dahil may special request na ulam daw si Don Conrad. Bibili lang po ako ng ilang mga rekados pati gamot at kaunting mga personal na gamit po."

"Ganoon ba? Sandali at tatawagin ko si Dante para ipag-drive ka." Ang tinutukoy nito ay ang isa sa mga tauhan sa Hacienda na asawa ni Ate Alma. Ito kasi ang service driver kung sakaling lalabas o uutusan sa labas ang mga kasambahay.

Pero bago pa man makakilos si Mang Pedro ay pinigilan na niya agad ang matanda. "Wag na po. Magbabyahe na lang po ako. Kabisado ko naman po ang pasikot-sikot dito sa atin."

"Kaya lang mas mapapabilis ka kung may service ka." Anito at saka tinignan ang kaniyang suot. "At saka tignan mo ang itsura mo, Ineng? Aba'y siguradong pagtitinginan ka ng mga tao doon."

"Hindi naman po ako nagmamadali. Okay lang po ako, kaya ko naman po." Nginitian pa niya ito at saka nag-thumbs up sign. "Hayaan na lang natin sila tumingin para makakita naman sila ng Dyosa isang beses sa buhay nila." Natatawang katwiran niya at saka nagpaalam na rito para hindi na siya kulitin pa. "Sige po, mauuna na ako."

Araw ng Biyernes pero dahil National Holiday ay nagsabi sina Don Conrad na uuwi na sila sa Hacienda ngayon tanghali imbes na bukas pa ng umaga. Nag-request din ang mag-asawa na ihanda ang ilang mga rekados dahil si Senyora Cassarina daw ang magluluto ng ulam sa hapunan.

Panigurado na masarap na naman ang ulam nila mamaya. Mukhang mapapasabak ako ng kain! Sabi ni Ella sa kaniyang sarili habang naghihintay ng jeep o mini-bus na masasakyan papunta sa bayan.

Sa ilang beses na nagluto ng pagkain si Senyora Cassarina ay talaga naman napapasabak silang lahat sa pagkain. Napakagalante kasi ng mga ito sa pagkain. Tunay na masarap ang luto nito na halos maikukumpara sa mga restaurant quality. Kaya ganoon na lang ang excitement niya ng marinig mula kay Manang Elsa ang balita na uuwi ng mas maaga ang mag-asawa.

One That Got Away (Playboy Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon