Chapter 23 - [Flashback]

328 20 3
                                    

Tila ba isang malakas na bomba ang sumabog ng marinig ni Ella ang mga maikli ngunit mabigat na katagang binitawan ni Trace.

"Fired?" Ulit niya sa sinabi nito dahil inisip niya na nabingi lang siya, "Yun po ba ang sabi mo, Sir? I'm fired?"

"Yes." Seryosong sabi ng binata ng tignan siya ng diretso sa mata, "You're fired."

"Ang ibig mo bang sabihin Sir na---"

"Yes. Tanggal ka na. Wala ka ng trabaho." Duktong nito bago niya matapos ang kaniyang sasabihin. "I am terminating your contract right this very moment, kaya pwede ka na mag-empake ng gamit mo at bumalik sa kung saan ka man nakatira." At saka ito humakbang palabas sana ng pinto pero mabilis niyang pinigilan ito.

"S-Sir, wait, teka. Sandali." Awat niya habang mahigpit na hawak ng dalawang kamang ang kaliwang braso nito. "Sir Trace naman, joke lang yan diba?"

"Do I look like I'm joking right now, Ella?" Nakasimangot ito nang tignan siya at sunod ay titigan ang kaniyang kamay kaya naman binatawan na niya ito.

"Pero Sir Trace, bakit niyo naman po ako tatanggalin? Ganoon na po ba kabigat na kasalanan ang nagawa ko para paalisin niyo ako?"

"Sinuot mo ang mga damit ko. Dinumihan mo at---"

"Madumi na po yun, sabi niyo po kanina diba?" Pilit niyang pangangatwiran.

"Dinumihan mo pa lalo." Pagdidiin ni Trace para ipamukha sa kaniya na mali siya. "Humiga ka sa kama ko, ginalaw mo ang mga libro ko at---"

"Na-curious lang naman po kasi ako dahil mukhang malambot yung kama." Pagpapalusot ni Ella dahil wala siyang maisip na ibang dahilan. "Yung libro, tinignan ko lang po ang title at author kasi mahilig din po ako magbasa." At totoo naman talaga ang dahilan niyang iyon.

"Hindi ka talaga nauubusan ng dahilan?" Naiiling na reaksyon nito na halatang nagtitimpi na lang sa kaniyang walang kwentang pagpapalusot. "Worst of all, ginamit mo ang pabango ko."

"Sinubukan ko lang po kasi baka expired na?"

"Point is, nakialam ka pa rin ng mga personal na gamit. Bago ka nagsimula ay sinabi na sayo ang nga dapat at hindi mo dapat gawin. And that's a basic knowledge, na wag mo papakialaman ang mga bagay na hindi sayo. Kahit bata alam yan." Pangaral ni Trace sa kaniya tungkol sa mga polisiya na dapat niyang sinusunod bilang kasambahay.

At talagang tumagos sa konsensya niya ang mga sinabing iyon ng binata. Kaya naman hiyang-hiya siya sa sarili at napatungo na lang, "Sorry po..." Hinging paumanhin niya rito. "Sana po bigyan niyo pa ako ng isa pang chance. Gagawin ko po lahat ng iutos niyo. Kahit ano po. Please?"

"Sorry. Apology not accepted." Pagmamatigas ni Trace. "At hindi nagagawang itama ng sorry ang isang mali. This should be a learning lesson for you para matuto ka." At saka ito humakbang palabas ng silid.

Pero bago pa nga tuluyang nakalabas si Trace ay hinabol na ito ni Ella nang iharang ang sarili sa daraanan nito. Kinabig niya ang pinto at ni-lock iyon.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Ella?" hindi makapaniwalang reaksyon ng binata. Nang tangkain nito na makalabas ay wala na siyang  ibang choice kundi yapusin ito.

"Wait lang kasi Sir. Please, please, please..." Mahigpit ang yapos ni Ella kay Trace na kung titignan ay para siyang girlfriend na naglalambing sa binata. "Sir, huwag mo po sana akong paalisin. Parang awa mo na po." Pansamantalang kinalimutan niya ang kaniyang pride. Hindi siya pwedeng umalis. Kailangan niya ang trabaho na ito para sa kaniyang future at sa kaniyang pamilya kaya gagawin niya ang lahat para manatili roon. "Sir Trace, magpapakabait na po ako, promise! Hindi ko na po pakikialaman ang mga gamit ninyo. Patawarin mo na po ako, please. Hinding-hindi ko na po uulitin ang ginawa ko. Nangangako ako!"

One That Got Away (Playboy Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon