Chapter 1 - Girl Unoticed
"Sa wakas, natapos din."
Malaya kong ibinagsak ang sariling katawan sa malambot na kama. Sa wakas natapos ko na rin ang ika limang bahagi ng isinusulat kong kuwento. Pansamantala ko munang ipinahinga ang utak ng ilang minuto.
Kumulo ang tiyan ko at nakaramdam ako ng gutom kaya minabuti ko munang bumangon. Pumunta ako sa kusina at dinampot ang natitirang instant noodles sa aparador. Masigla ko itong nilagyan ng hot water mula sa dispenser. Tinakpan at hinayaang maluto. After five minute luto na ang pagkain ko.
"Tara na't kumain!"
Dinala ko ito sa sala. Binuksan ang TV, naupo, ipinatong ang paa sa center table at masayang kumain.
"Makalat na pala rito. 'Di bale, bukas na bukas din lilinisin ko kayo."
Sabi ko habang ngumunguya at pinagmamasdan ang mga papel, damit, libro, balat ng pinagkainan at kung anu-ano pang basta ko na lamang itinapon sa malawak at puting sahig ng bahay.
Don't get me wrong, hindi naman talaga ako tamad. Sadya ko lang talagang hindi napapansin ang ibang bagay sa paligid sa tuwing nakatuon ang atensyon ko sa pagsusulat.
Sa oras kasi na humawak ako ng laptop o kahit ano pang uri na pwedeng pagsulatan, magsisimula ng maglakbay ang isip at diwa ko patungo sa mundong ninanais marating ng imahinasyon ko.
Matagal bago ko lisanin ang mundong iyon at sa tuwing bumabalik ako sa reyalidad, dito naman nanaisin ng utak kong magpahinga kaya ang ending ay nakakatulog ako.
Ako si Hilary Joyce Magbanua. Eighteen na ako at third year na ngayong pasukan sa kolehiyo sa kursong HRM. Sa maniwala kayo't sa hindi HRM student ako. Tamad lang talaga akong magluto para sa sarili ko kaya nagkakasya na lang ako sa instant noodles. Pero pagdating naman sa school, hindi sa pagmamayabang ngunit isa yata ako sa itinuturing na alamat sa kusina. Iyon lang muna sa ngayon.
Tatayo na sana ako para kumuha ng tubig ng biglang naagaw ang atensyon ko ng isang pahayag mula sa pinapanuod kong balita.
"Dalawang taon na ang nakararaan simula ng sumikat at tangkilikin ng buong bansa ang kuwentong 'ANATOMY OF HEARTBEATS'. Ito ay patungkol sa isang gwapo ngunit suplado at istriktong doktor na lumaki sa lungsod at napaibig ng isang simple ngunit masayahing probinsyana. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ng dalawa, tila taksil ang tadhana na pinaghiwalay sila at hindi na pinayagan pang muling magkita. Sinasabing ang kuwentong ito ay posibleng may ikalawang kabanata sapagkat mapapansing putol o hindi naging buo ang pagtatapos nito subalit matapos mailathala at maisapelikula ng sikat na love team ng nasabing taon ang unang parte ng katha ay tila bulang naglaho na lamang ang may akda nito na nakilala lamang sa likod ng pangalang 'girl unoticed' at hindi na muli pang nasilayan ang kanyang mga akda. Bagamat sumikat na ito sa mga una pa lamang niyang akda gaya ng 'Psycho killer' at 'Fiend in the Attic', mas lalo pang umugong ang kaniyang pangalan ng ilabas ang kuwento ng 'Anatomy of Heartbeats'. Ito marahil ay sa kadahilanang may naiiba itong genri hindi kagaya ng mga una niyang akda na horror suspense. Ito ay may kurot sa puso at makabagdamdamin ang nilalaman kumpara sa mga naunang akda. Maraming nalungkot at nanghinayang sa biglaan nitong pagkawala ngunit sa kabila nito ay marami pa rin ang nag antay sa muli nitong pagbabalik. Makalipas nga ang dalawang taon, nagulantang ang lahat sa muli niyang pagsulpot at sa pagkakataong ito ay sa mundo na ng wattpad. Noong nakaraang linggo lamang ng magkagulo ang netizens sa inilabas nitong completed story na may pamagat na 'Darkness Hallow'. Isang panibagong kuwento na muli ay pinagkaguluhan ng mambabasa. Ngunit sa kabila ng comeback nito nagtatanong ang marami, nasaan ang ikalawang bahagi ng 'Anatomy of Heartbeats'? Bakit imbes na karugtong nito ay panibagong akda ang inilabas nito? Bakit bumalik ito sa pagsusulat ng mga nakakatakot na kuwento gayong mas tinangkilik ng mambabasa ang kuwento niya tungkol sa pag-iibigan. Bakit ito nawala ng mahabang panahon? At ang pinaka inaabangang sagot,sino nga ba si 'Girl Unoticed' at bakit ayaw nitong lumantad sa publiko. Muli ito po si Kaycee Umali, nag-uulat."
Matapos kong mapanood ang balita ay walang gana kong pinatay ang TV at lulugo-lugong bumalik sa kuwarto para bumalik sa pagkakahiga. Malalim akong bumunting-hininga.
" Meron nga ba talaga itong ikalawang parte?"
Tanong ko sa sarili habang nakatingala sa kisame at nag-iisip ng malalim. Ilang minuto lamang ang lumipas hanggang sa makaramdam ako ng pamimigat ng mata at igupo ng antok.
Nasa kasarapan ako ng tulog nang bigla akong maalimpungatan. Wala sa sarili akong bumangon at naglakad nang hindi na nag-abala pang magsuot ng sapin sa paa o ayusin man lamang ang magulo kong buhok. Bahagya iyong tumatakip sa akong mukha. Pagkalabas ko ng silid ay napansin kong nakabukas ang pinto.
"Nakalimutan ko yatang isara"
Bulong ko at dahil bagong gising at wala pa sa katinuan ay nagmistulang ungol ang mga salitang binitawan ko.
Dahan-dahan kong binaybay ang daan papunta sa pintuan ng gegewang-gewang at nang mapadaan ako sa sofa ay may naulinagan akong gumalaw sa likod ko. Nanlamig ang kamay ko at nagtaasan lahat ng balahibo ko.
Puno ng kabang nilingon ko iyon at napasigaw ako ng wala sa oras nang makita ang isang lalaki. Nakasuot ito ng hoodie jacket na itim, itim na pantalon at nakaitim ding sapatos. Matangkad ito, mga nasa 6'2 ang taas, malaki ang pangangatawan at higit sa lahat, may nakaambang baseball bat na sa wari ko ay sa akin niya mismo ihahampas!
Diyos colored! Nai-imagine ko na ang basag kong bungo kapag nagkataon. Aba, sa laki niyang iyan ay imposibleng buhayin pa ako ng hampas niya! Sa sobrang taranta wala akong ibang nagawa kun'di umusod sa dingding ng bahay at magsalita ng kung anu-anong bagay na posibleng siyang mga huling salitang bibitawan ko sa labing walong taong pamumuhay ko.
Maya-maya lamang ay naibagsak nito ang hawak na baseball bat ngunit nanatili ito sa harap ko at nakatingin sa skin.
"Sino ka? Paano ka nakapasok dito? Dumaan ka ba sa pinto, sa bintana, sa dingding o sa kisame? Si-suguro magnanakaw ka 'no! Holdaper? Kidnapper? Killer? O baka naman, rapist ka! Please huwag, maawa ka! Huwag ang pagkababae ko! Ito na lamang ang natitira sa'kin!""Sino ka? Paano ka nakapasok dito? Dumaan ka ba sa pinto, sa bintana, sa dingding o sa kisame? Si-suguro magnanakaw ka 'no! Holdaper? Kidnapper? Killer? O baka naman, rapist ka! Please huwag, maawa ka! Huwag ang pagkababae ko! Ito na lamang ang natitira sa'kin!"
Pumalahaw ako sa pag-iyak matapos kong magmakaawa. Please. Please naman oh maawa ka sana! Tinatawag ko po lahat ng santo. Saint Ignacious, saint Peter, saint John Paul, basta lahat ng santo. Gabayan niyo po sana ang pag-iisip ng taong ito. Mga piping dasal ko habang nakapikit ng mariin ang aking mga mata sa takot sa maaring gawin sa akin ng lalaki sa harap ko.
Uusal pa lamang sana ako ng panibagong dasal nang bigla akong makarinig ng malakas na tawa. Ang kaninang takot na naramdaman ko ay napalitan ng pagtataka nang sa pagmukat ko ng mata ay nakita ko itong humahagalpak at hindi na matigil sa pagtawa. Mabilis kong tinungo ang switch at ini-on iyon. Laglag ang pangang napatulala ako rito.
Anak ka ng pinisat na surot! Nabuhay si Adones mula sa religious books na nabasa ko noon!
Mula sa mas maliwanag na anggulo ay kitang-kita ko ang maputi at makinis nitong balat sa mukha. Maganda ang kulay tsokolateng mga matang pinarisan ng malalantikbat mahahabang pilik-mata. Matangos ang ilong, mapula ang maumbok at manipis na labi, may kakapalan ang kilay na bumabagay sa strong features ng mukha nito at kapansin-pansin din ang pantay at mapuputi nitong ngipin.
Iyong totoo, hindi kaya nananaginip lang ako?
BINABASA MO ANG
Hilary Joyce
General FictionSebastian Briner Saavedra hate the word 'love'. After series of failed relationship, he surrendered and became cold hearted. Not until he came back to his apartment and found a gorgeous possess goddess. She is the most stunning and alluring woman h...