Chapter 37 - Her diary
Sebastian
"Sumagot ka Seb! Paano napunta sa'yo 'to?"
Hindi ko alam kung paano ko nagawang maiditalye sa kaniya ng buo. Basta nasabi ko na lang.
"S-Sa aparador sa taas ng lababo, doon sa dati kong apartment. Iyong bahay mo ngayon na nasunog na. Nakalimutan kong nailagay ko pala iyan sa mga gamit ko dati at noong araw bago tayo umakyat ng bundok, doon ko lang iyan ulit nakita. Doon ko lang din iyan nabasa."
Diary iyon. Diary ni Joyce.
Nang makita ko iyon dati ay hindi ko pinansin. Basta ko na lang iyong isinama sa mga gamit ko hanggang sa nawala na iyon sa isip ko. Marahil iyon ang bagay na naiwan niya dati kaya siya bumalik sa apartment tatlong araw matapos ang una naming pagkikita.
"Anu-ano ang mga nabasa mo?"
Bakas sa mukha niya ang takot at alam ko kung bakit.
"May nakumperma akong isang bagay. Noong una ayoko pang maniwala pero nadiskubre ko na totoo iyon. Noong naaksidente ka sa gubat..."
Hindi siya umimik at inantay lamang akong magpatuloy.
"May pagkakaiba kayo. M-May tattoo si Joyce sa bandang kaliwa ng likuran niya. Tiningnan ko ang likod mo ng kasalukuyan kang walang malay ng makita kita sa gubat at...wala ka noon. Wala ka noon dahil hindi ikaw si Joyce."
Nanlaki sa gulat ang mga mata niya dahil sa ibinunyag ko. Oo, alam ko na dati pa ang totoo pero natakot ako. Natakot ako na kapag nalaman niya ng alam ko na ang katotohanan ay bumalik kami sa umpisa. Sa simula kung saan galit siya sa akin. Kung saan kinamumuhian niya ko."
"N-Nababaliw ka na. Baliw ka na Seb! Ako si Joyce! Ako si Joyce!"
Bakit? Bakit niya pa ring pilit itinatago ang lahat sa kabila ng patunay?
"H-Hilary.. Hanggang kailan mo itatago ang totoo? When are you planning to tell everyone the truth?When are you going to admit that you're not Joyce? Ikaw si Hilary na nagpapanggap ngayon bilang si Joyce."
Paulit-ulit lang siyang umiiling sa bawat sinasabi ko.
"H-Hindi... Hindi ako si Hilary. Tama na! Puwede ba tama ba! Huwag mo ng guluhin ang isip ko! Ako si Joyce! Iyon ang alam ng lahat kaya iyon lang din ang puwede mong paniwalaan!"
Ilang taon akong nangulila sa kaniya pero bakit ngayong nasa harap ko na siya ay pilit niyang itinatanggi ang katotohanan?
Nang akma na siyang lalabas ng silid ay mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit mula sa likod. Nagpupumiglas siya at pilit na kumakawala.
"Bitawan mo ko! Puwede ba bitawan mo ko Seb! Hindi nga ako si Hilary! Hindi siya ako kaya pakawalan mo ko!"
Hindi ko s'ya sinunod, sa halip ay mas hinigpitan ko pa ang yakap.
"Noong una pa lang, nkong una pa lang ay nararamdaman ko ng ikaw iyan. Pinilit ko lang ang sarili ko na papaniwalaing nagkakamali lang ako dahil akala ko... Akala ko nangungulila lang ako kaya pilit kong hinahanap si Hilary sa pagkatao mo pero ngayong may basehan na ako at napatunayan ko ng totoo, hindi na ako papayag. Hindi na ako papayag na lumayo ka pa sa akin Hilary. I can't afford to loose you for the second time.."
Patuloy lang siya sa pilit na pagkalas sa mga braso ko habang sinasabi ko ang mga iyon.
"Gusto mong malaman kung tama ka nga? Puwes sige! Sasabihin ko!"
Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya nang matapang siyang humarap sa'kin.
"Oo tama ka! Ako si Hilary! Ako ang babaeng sinira at winasak mo dati! Ano masaya ka na! Masaya ka na dahil nalaman mo ang toto? Puwes para sa kaalaman mo walang magbabago! Walang magbabago dahil mananatili pa rin ako bilang Joyce!"
Ako naman ngayon ang natigilan dahil sa pag-amin niya. Para akong ipinako sa kinatatayuan ko ng mga oras na iyon. Hindi ako makapaniwala. Bakit? Bakit siya nagpapanggap bilang si Joyce?
"Edi hindi ka nakapagsalita ngayon! Oo Seb! Ganito na ako kadesperada para magkaroon ng masaya at tahimik na pamumuhay! Kaya kahit manloko ng maraming tao pinasok ko na! Wala ka ng magagawa dahil pinasok ko na ito!"
Ngayong alam ko ng siya si Hilary, bakit hindi ko na iyon makita. She's different. Far different from the Hilary I've met.
"Pero bakit? Bakit mo kailangang gawin lahat ng ito? Bakit mo kailangang magpanggap bilang ibang tao?"
Sagutin mo ako Hilary. Bakit?
"Gusto mo talagang malaman? Sige, sasabihin ko sa'yo. Buo at detalyado."
Marahas niyang pinunasan ang mga luhang kanina pa umaagos pababa sa kaniyang pisnge bago nagpatuloy.
"Dahil ayoko ng maging si Hilary.."
I was caught off guard with her first words. What does she mean? Anong ibig niyang sabihing ayaw niya ng maging si Hilary?
"Alam mo kung bakit? Dahil si Hilary, walang pamilya. Si Hilary puro sakit at pagdurusa lang ang dinanas. Si Hilary pinagmamalupitan buong buhay niya. Wala siya kahit na ano. Walang may gusto sa kaniya. Walang nagmamahal sa kaniya! Eh si Joyce, nasa kaniya na lahat. May tatay siya. May mga kaibigan siya. Maraming may gusto sa kaniya. Hinahangaan at iniidulo siya ng marami. Malaki ang respeto sa kaniya ng mga tao, bagay na ni minsan hindi naranasan ni Hilary. Maraming bagay na meron siya, lalong lalo na si Russel.."
Pakiramdam ko ay tinamaan ng ilang milyong sibat ang puso ko ng banggitin niya si Jim. Simula ng malaman ko ang katotohanan ay hindi ko na maiwasang makaramdam ng inggit at galit sa sarili kong kaibigan dahil nasa kaniya ngayon si Hilary. Nasa kaniya ang babaeng pinaka mamahal ko and that thought effin hurts! Fucking hurts!"
"May Russel si Joyce at iyon ang pinaka kinaiinggitan ko sa kaniya! Mahal na mahal siya ni Russel! Lahat ginagaw ni Russel para kay Joyce! Lahat sinasakripisyo niya para sa kakambal ko! Kesihodang mapahamak o masaktan pa siya basta para kay Joyce gagawin niya! Lahat ng iyon mayroon si Joyce at ngayong naranasan ko ng magkaroon lahat ng iyon, hindi na Seb! Wala na akong planong bumalik pa bilang Hilary! Ako si Joyce! Ina ako ni Hera at asawa ako ni Russel! Tandaan mo sana iyan Seb.."
I just stared to her eyes. Ang sakit pala. Masakit palang malaman na iyong taong matagal mo ng mahal at gusto mong makasama ay ayaw ng maging siya at isa ka sa mga dahilang iyon. Kung hindi lang sana ako nagkamali. Kung naiparamdam ko sana sa kaniya na nandito lang ako at kaya kong higitan kung ano man ang kayang gawin ni Jim para kay Joyce, hindi sana siya magkakaganito. Hindi sana niya iisipin na walang kahit na ano si Hilary dahil nandito ako. Nandito pa ko.
"Kalimutan na natin lahat Seb. Kalimutan mo na lang ng tuluyan si Hilary. Wala na siya, matagal na siyang patay at kahit kailan ay hindi na siya babalik. Masaya na ako ngayon bilang si Joyce. Maniwala ka, simula ng maging ako si Joyce doon ko lang naramdamang maging buo. Wasak na wasak ako noong magkalayo tayo, pero nagawa kong buoin ang sarili ko ng maging ako si Joyce. Nananahimik na ako ngayon kasama ang asawa't anak ko Seb. Masaya na ako, masayang masaya at higit sa lahat ay mahal ko na si Russel. Natutunan na siyang mahalin nitong puso ko kaya please lang. Tama na Seb. Please kalimutan mo na lang lahat ng narinig mo ngayon. Nakikiusap ako sa'yo."
'Mahal ko na si Russel' Paulit-ulit ang mga salitang iyan na naglalaro sa isipan ko ngayon.
Bakit nga ba hindi? Mahigit limang taon. More than five years niya lang namang kasama si Jim. Sa loob ng mahabang panahon na iyon ay gumanap siya bilang asawa ng bestfriend ko. Ano nga lang ba ang laban ng isang taon namin sa mahigit limang taon nila at anong laban ko kung asawa niya na ito at mayroon na silang anak?
"Hindi ko kaya. Hindi ko yata kaya Hilary..."
Pagsusumamo ko sa kaniya. Kahit alam kong talo na ako ay hindi ko pa rin matanggap. Hindi ko kaya dahil siya lang, siya lang ang nag-iisang babae na minahal ko ng ganito.
"Kayanin mo. Please kayanin mo para sakin. Ito na ang huling pakiusap ko sayo. Ito na ang huli, bilang si Hilary."
Dito na nga ba magtatapos? Hindi ko kaya. Alam kong hindi ko kaya.
"Bigyan mo ako kahit isang linggo."
Oo, desperado na ako. Ganito naman talaga kapag nagmamahal ka. Magagawa mong kumapit kahit na sa katiting na pag-asa.
"Isang linggo lang Hilary. Pagkatapos noon..palalayain na kita."
![](https://img.wattpad.com/cover/69014168-288-k151814.jpg)
BINABASA MO ANG
Hilary Joyce
Fiksi UmumSebastian Briner Saavedra hate the word 'love'. After series of failed relationship, he surrendered and became cold hearted. Not until he came back to his apartment and found a gorgeous possess goddess. She is the most stunning and alluring woman h...