Chapter 20 - Revenge

647 18 2
                                    

Chapter 20 - Revenge

Hilary

"Thank God."

Saad ko saka nag-inat ng kamay.

Sa wakas, tapos na ang first semester ko ngayong fourth year. OJT na lang at ga-graduate na rin ako. Plano ko sana sa America ako magtatrabaho pagka-graduate ko para hindi na namin kailangang mag-LDR ni Briner. Sobrang nami-miss ko kasi siya kapag malayo kami sa isa't-isa. Iba pa rin kasi talaga kapag nakakasama mo mismo ang mahal mo. Akala ko matatagalan pa bago ko siya ulit makita. Hindi kasi siya makauwi dahil sa dami ng trabaho niya at naiintindihan ko naman iyon kaya nga nagulat ako nang bigla niya na lang akong ini-mail na ipasusundo niya raw ako sa susunod na araw. Siguro nami-miss niya na rin ako ng sobra kaya ganoon. Okay lang naman sa akin. At least makakasama ko siya kahit ilang araw lang.

Dumating ang araw ng flight ko papuntang America. Kaunti lang ang dinala kong gamit dahil saglit lang naman ako roon. Iyong mga primary needs lang. Ewan ko ba pero parang kinakabahan ako habang nasa byahe. Hindi ko naman first time sumakay ng eroplano kaya hindi ko maintindihan kung anong ikinatatakot ko. Hindi ko na lang iyon pinansin. Sa halip, inimagine ko na lang ang masayang mukha ng boyfriend ko kapag nagkita na kami.

Pagkatapos ng mahabang byahe ay narating ko na rin ang condo unit ni Briner. Iniwan na ako noong sumundo sa akin sa Pilipinas nang nasa mismong pinto na ako ng condo. Bigla ulit nagbalik lahat ng kaba ko kanina.

"Ano bang meron?"

Napabuntong-hininga ng malalim at pilit iwinaksi ang tensyong kanina pa gumugulo sa akin nang wala namang dahilan.

Kanina ko pa pinipindot ang buzzer at kanina pa rin ako kumakatok pero wala pa ring nagbubukas ng pinto.
Naisipan kong pihitin ang door knob.

"Bukas naman pala."

Ingot ko rin minsan eh.

Marahan akong pumasok sa loob kasama ang dala kong maleta. Sobrang tahimik ng lugar, parang walang tao. Dahil doon kaya naisipan ko ng tawagan si Briner. Baka kasi wala talaga siya rito at nakalimutan niya lang i-lock ang pinto.

Nagsisimula na akong i-dial ang number niya nang may maramdaman akong presensya sa aking likuran.

"Nandiyan ka lang pala. Ba't hindi ka man lang nagsasalita."

Si Briner kasi ang nakita ko paglingon ko. Nginitian ko siya at akma ko sana siyang yayakapin nang bigla siyang umatras.

"Briner?"

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa ang ibig sabihin ng mga titig niya na tila ba may halong lamig at...galit?

"Are you still going to continue the act?"

Kinilabutan ako dahil sa tono niya. Para bang hindi siya ang Briner na kilala ko base sa pananalita niya.

"H-Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. M-May problema ba mahal mahal?"

Nakaramdam na rin ako ng takot dahil sa ikinikilos niya. Ano ba'ng nangyayari? Bakit pakiramdam ko may mali?

"You don't understand? Tsk."

Ngumisi siya na lalong dumagdag sa kaba ko. Nagsimula na siyang humakbang papunta sa akin at hindi ko alam kung bakit sinasabi ng isip ko na umatras at tumakbo palayo.

"You can't do this to me Hilary. Not again. Not you."

May diin sa bawat salita niyang sabi.

Mabilis niyang tinungo ang puwesto ko at buong lakas akong itinulak sa dingding. Nakaramdam ko ang kirot sa aking likuran nang dahil sa ginawa niya. Marahas niyang hinawakan ang dalawa kong palapulsuhan gamit lamang ang isa niyang kamay at itinaas ito sa aking uluhan. Iniiwas ko ang mukha ko ng akma niya na akong hahalikan dahil natatakot ako sa posible niyang gawin ngunit lalo lang yata siyang nainis kaya nang mahanap niya na ang mga labi ko ay tahasan niya akong hinalikan. Mapusok, marahas at walang pag-iingat. Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko magawa dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko at pagkakaipit ng katawan niya sa katawan ko. Hindi ko na napigilan pa ang mga luha na kumawala sa mata ko nang marahas niyang sinapo ang kaliwa kong dibdib para lamang mabuksan ang pilit kong itinitikom na labi. Patuloy lang siya sa mapusok niyang halik hanggang sa malasahan ko na ang sarili kong dugo. Akala ko matatapos doon ang lahat ngunit ang mga sumunod na pangyayari ang hindi ko inasahan.

Hilary JoyceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon