Chapter 3 - A Goddess

1K 28 0
                                        

Chapter 3 - A Goddess

Sebastian

Nasa kasarapan pa ako ng pagtawa nang mapansin kong bigla yatang tumahik at lumiwanag. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin. Bigla na lang akong natawa ng marinig ko lahat ng sinabi nito at nang makita ko ang reaksyon niya. Seriously? Mukha ba akong pumapatol sa ganiyang itsura? Napatuwid ako ng tayo nang makita ko ang babae sa harap ko na titig na titig na sa akin.

I cleared my throat to cut the silence. Pumormal ang anyo ko ngunit nakatitig pa rin ito sa akin. Naasiwa ako bigla sa mga tingin niya. What kind of girl is this? Mukha siyang voodoo doll, iyong manikang ginagamit sa pangungulam. Tantiya ko ay mga nasa 5'6 ang height niya. Balingkinitan ang katawan at sobrang puti ng balat. Halos kakulay niya na ang puting pintura ng dingding at tiles ng sahig. Puwede nga yata siyang mag-camouflage sa mga ito kung hindi lang dahil sa mahaba at itim na itim nitong buhok na nakasabog sa mukha niya. Napamugaran ba ng mangkukulam itong bahay ko noong wala ako?

"Ehem!"

Muli kong pagputol sa katahimikan and this time nilakasan ko. Mukha namang natauhan na siya dahil doon pa lang siya nagulat at biglang yumuko.

"Sino ka?"

"Who are you?"

Magkasabay pa naming tanong. Muli itong nag-angat ng tingin sa akin.

"Ha? Ikaw ang sino? Bakit ka nandito sa loob ng bahay ko? Hindi mo ba alam na trespassing itong ginagawa mo?"

Punong-puno ng pagtatakang tanong niya sa akin at doon ako mas lalong naguluhan.

"Wait a minute miss. How can I trespass in my own property? I believe this house belongs to me because I am renting it since two years and I just left it for two months this year for summer vacation. I can show you the contract if you want."

May diin at inis kong sabi. This girl is pissing me of!

"Imposible! Sa tita ko kaya ang bahay na ito at kahit kailan hindi niya ito pinaupahan dahil alam niyang posible pang bumalik ako!"

May kataasan na ring boses na dipensa niya. Tsk. Baliw yata talaga ang isang ito.

"Okay fine. Im going to call the owner of this house and tell her to bring all the documents which prove that this house is being rented by me."

Suhestyon ko para matigil na ang kalukuhan ng babaeng ito. Wala na rin itong nagawa kundi maupo sa sofa habang pareho naming inaantay ang may-ari.

"Two years ago pa ibinenta ng tita Ana mo ang bahay na ito sa akin bago pa siya umalis ng bansa. Noong umalis ka at hindi na bumalik pa sa loob ng anim na buwan naisip niya na baka nga wala ka ng plano na balikan pa ito. Binili ko ito para sana sa anak ko at mapapangasawa nito para malapit lang sila sa akin kaso hindi sila nagkasundo kaya nabakante na lamang ito. Nanghinayang naman ako kaya imbes na magbayad ng caretaker na magbabantay dito eh pinaupahan ko na lang. Wala na rin akong kontak sa tita mo simula ng umalis ito. Pasensya ka na talaga iha."

Paliwanag ng may ari sa may sayad na babae. So this girl lived here for two years sa basbas ng tita niya na dating may ari ng bahay na ito at bigla rin siyang umalis two years ago. What's her problem? Maluwag yata talaga ang tornilyo. How come she thinks that after two years ay may babalikan pa siya rito? After all, tita niya lang naman ang nagpatuloy sa kanoya rito dati.

Hilary JoyceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon