Chapter 38 - Borrowed time
"Sigurado ka ba talaga riyan Joyce?"
Tanong ko sa kakambal kong si Joyce.
"I'm pretty sure about this Hily. Nararamdaman kong totoo na itong lead na ito this time. Sa wakas, malalaman na rin natin kung saan nakalibing ang tatay natin."
Makikita sa mukha niya ang saya dulot ng balitang iyon. Isa sa mga mapagkakatiwalaang tauhan ni Joyce ang nagsabi na nadiskubre na nila kung saan eksaktong nakalibing ang namayapa naming ama, gusto ito ngayong puntahan ni Joyce.
"Pero baka magalit si Russel, Joycee. Hindi ba ayaw ka pa niya munang bumyahe kasi kakapanganak mo pa lang. Isa pa, malayo ang Palawan. Baka kung mapaano ka."
Pagpipigil k sa kanya. Mahigit isang buwan pa lang kasi matapos niyang manganak kay baby Hera, hindi pa siya gaanong magaling.
"Ano ba'ng tingin mo sa'kin Hily, bata? I know already what exactly to do. Isa pa nagawan ko na rin ng paraan para hindi malaman ni dadsy pogs na bumyahe nga ako."
Ayan na naman siya sa famous line nya na 'I know already what exactly to do' na iyan. Diyan siya madalas napapahamak eh.
"Sige nga, paano?"
Nginisihan niya ako.
"Ano pa, edi pangalan mo ang ginamit ko. Oh di'ba, ang iisipin ni dadsy pogs ko ay ikaw ang siyang pumunta ng Palawan at hindi ako. I'm so brilliant right?"
BINABASA MO ANG
Hilary Joyce
Aktuelle LiteraturSebastian Briner Saavedra hate the word 'love'. After series of failed relationship, he surrendered and became cold hearted. Not until he came back to his apartment and found a gorgeous possess goddess. She is the most stunning and alluring woman h...