Chapter 26 - Forgive me
Sebastian
"Pare, nakarami ka na. Tama na iyan."
Hinawaka ni Dustin ang kamay ko nang aktong tutunggain ko na ulit ang alak sa baso ko.
"Puwede huwag mo kong pakialaman!"
Naintindihan niya namang gusto kong magpakalunod ngayon sa alak kaya tinigilan niya na ang pakikialam sa'kin.
Maingay dito sa bar niya pero bakit paulit-ulit ko pa ring naririnig lahat ng mga bagay na sinabi sa akin ni dad kanina. Kahit kaninang wala pa akong tama at kinakausap at kinakamusta ako ng mga kaibigan kong kasama ko ngayong uminom ay hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nila dahil nagsusumigaw sa isip ko lahat ng nalaman ko ngayong araw.
Hindi. Hindi ko kayang basta tanggapin na lang ang lahat!
Pero kahit anong pilit ko sa sarili ko na hindi totoo ay wala akong magawa.
Bakit? Paanong nangyari lahat ng iyon?
Flashback:
"H-Hilary Castillo?"
I was so confused about what he said.
"Yes son. Hilary and Joyce are two different people but with the same face.
Nalaman lang namin ang totoo nang mismong araw na kinuha namin si Hilary sa'yo at iniuwi rito sa bansa."Parang isang bombang sumabog sa tainga ko ang sinabing iyon ng daddy ko.
"No dad! Malamang imbento na naman niya iyan lahat!"
Oo tama, gumawa siya ng paraan para lang ako ang magmukhang masama sa aming dalawa.
"Sana nga anak ganoon, pero kami mismo ng mommy mo ang nakakita. We've seen the two of the, together. Sa iisang lugar, sa iisang oras at sa iisang panahon. Nang maiuwi namin si Hilary na inakala nating si Joyce rin noon ay imbes na ang daddy niya ang madatnan namin sa mansyon nila ay ang totoong Joyce ang sumalubong sa'min ng mommy mo.
Doon namin nalaman na itinago pala nila ang tungkol sa kanilang pagkatao dahil hindi alam ng daddy ni Joyce na alam niya ng ampon lang siya nito. Malamig na ang pakikitungo ng daddy niya sa kaniya simula ng mamatay ang asawa nito at malamang ay itatakwil siya nito sa oras na malaman niya na ang tunay na ama nina Joyce at Hilary ay ang dating lalaking minsang naglayo ng asawa niya sa kaniya. Malaki ang galit ni Mr. Villamor sa ama nina Joyce kaya natakot siya sa posibleng gawin nito sa kanila ng kakambal niya kaya minabuti niyang ilihim na lamang ang totoo. She doesn't expect na sa pagtatago nila ng katotohanan ay mangyayari lahat ng iyon, na mapagkakamalan mo silang iisang tao lamang at iisipin mong pinagtaksilan ka ng sarili mong kasintahan."
BINABASA MO ANG
Hilary Joyce
Aktuelle LiteraturSebastian Briner Saavedra hate the word 'love'. After series of failed relationship, he surrendered and became cold hearted. Not until he came back to his apartment and found a gorgeous possess goddess. She is the most stunning and alluring woman h...