Chapter 8 - Such a moron
Sebastian
"Dude, pumasok sa club ngayon si Joyce. Akala ko nga maghapon ko na siyang hindi makikita kasi hindi raw siya umattend sa mga subjects niya sa school kanina. Heaven pare! Ang ganda niya talaga kaso hindi nagpahatid eh. Kahit anong pilit ko ayaw talaga. Ano nga palang nangyari sa'yo, bakit hindi ka pumasok?"
Txt iyan ni Jim. Nagayuma na yata ang isang ito. Kailan pa siya naging stalker ng babae at kailan pa siya natutong magyaya ng hatid? That's so not him.
Hindi ko siya nireplyan. Panigurado tutuksuhin lang ako ng gagong ito kapag nagkuwento pa ko.
Mag-aalas dose na ng gabi pero dilat na dilat pa rin ang mata ko. Mukhang tatanghaliin na naman ako ng gising bukas. Paano ba naman kasi ako makakatulog kung throughout the day eh natutulog ako. Ni hindi ko namalayan ang pag alis ni Hilary kanina.
Hindi na ako nakatiis kaya bumangon ako sa higaan para magpahangin sa labas. There, I saw my motor bike.
"Sa pagkakaalam ko may malapit na park dito."
I said to myself then I decided na roon pumunta. Maiba man lang ang view.
Pagkababa ko pa lang ng motor ay napansin ko ng may tao. Nakaupo ito sa bench malapit sa slide. Nakayuko ito sa mga brasong nakapatong sa magkadikit na paang nakasampa sa upuan. Mukha itong natutulog habang nakaupo.
Aalis na sana ako ng may mapansin akong kakaiba.
"She looks familiar."
Oo tama, may kahawig siya. Dahil dito kaya ako nagdesisyong lapitan ito at gisingin.
"Hey. Hey miss, wake up."
Hindi ito umimik kaya tinapik ko ng marahan sa balikat.
"Hey miss. Can you hear me?"
Saka lang ito dahan-dahang nag angat ng ulo. Papikit pikit pa ang mga mata niya at hula ko wala pa siya sa sarili. Para kasing hindi niya ako kilala kung titigan niya ko.
"What the! Anong ginagawa mo rito sa des oras ng gabi?"
Pagalit kong sabi. Hindi ko talaga alam kung anong pumapasok sa ulo ng babaeng ito minsan.
"Briner?"
Mahina niyang sambit sa pangalan ko. So talagang pinanindigan niya na ang pagtawag sa akin sa second name ko ha.
"Tsk. Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita."
Hindi niya ako sinagot bagkus ay bumalik lang siya sa dati niyang puwesto kanina bago ko siya ginising. Seryoso?
Teka sandali. Parang alam ko na ito.
"Hoy Hilary. Ikaw ba talaga wala kang bahay ha?"
Umiling lang ito habang nakasubsob pa rin sa mga braso.
Sinasabi ko na nga ba!
"Aist! Tara na nga!"
Hindi ko na siya tinanong pa. Basta ko na lang siya hinila pasakay ng motor ko. Hindi naman ito pumalag.
BINABASA MO ANG
Hilary Joyce
Ficción GeneralSebastian Briner Saavedra hate the word 'love'. After series of failed relationship, he surrendered and became cold hearted. Not until he came back to his apartment and found a gorgeous possess goddess. She is the most stunning and alluring woman h...
