Chapter 30 - Taming Mrs. De dyos

597 20 0
                                    

Chapter 30 - Taming Mrs. De dyos

Holy father of angels burger!

"Bakit hanggang ngayon ay may kopya pa rin sila nito!"

Naiinis, nabubuwesit at kumukulo lang naman ang dugo ko ngayon!

Mautak talaga ang isang iyon!

Pabagsak kong isinara ang laptop at saka tinungo ang pintuan ng aming bahay.

"Maria, paki bantayan muna si Baby Hera.May tatadtarin, didikdikin at iihawin lang muna ako sagkit."

Sabi ko sa isang kasambahay namin.

"What are you gonna cook momsy sexy? Puwede po ako hinge?"

Naramdaman kong hinihigit na ng baby ko ang laylayan ng palda ko.

"Cook? What are you talking about baby?"

Umupo pa ako para lang maging magkalebel kami.

"I thought you said tadtad dikdik at ihaw-ihaw. That's for food di'ba po?"

Inosenteng sagot niya sa tanong ko.

"Naku, ang cute mo talaga. Okay, momsy sexy will cook for you right after I come back but for now, kay yaya Maria muna ikaw ha. May importanteng lalakarin lang si momsy sexy. Is that fine with my baby?"

I pinch her humpy cheeks after.

"Ayt momsy sexy! Basta mabilis lang ikaw."

Aba't nagpa-cute pa.

"Ayt. Copy captain."

Binigyan niya ako ng smack sa pisnge. Iyong matunog talaga bago ako tuluyang umalis.

"Anong ibig sabihin nito Mr. Saavedra?"

Pagalit kong sabi pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina niya. Aba! Nag-aapoy na ang ulo ko sa galit kung hindi niya naitatanong! Matrapik lang naman at sobrang init ng panahon pero lumuwas pa talaga ako ng Laguna para lang dayuhin siya rito sa pagkalayo-layo niyang opisina!

"Good afternoon, Mrs. De dyos."

Tarantado 'to ha! Hindi ba siya nakakaintende na galit ako at hindi ko kailangan ng pagbati niya!

"Hoy Mr. Saavedra! Huwag mo akong paandaran ng painosente mong arte! Bakit mo sinend sa akin itong video ko na six years ago pa kung saan lasing ako at nagsasasayaw ng dirty dancing habang nasa ibabaw ng lamesa! What the heck is your problem!"

Kulang na lang lumabas na itong litid ko at mga ugat ko sa noo sa sobrang galit!

"Relax Mrs. De dyos. Puwede natin itong pag-usapan ng mahinahon. Isa pa, wala naman akong planong ipakalat ang video na iyan para masira ang career mo na matagal mong iningatan."

Eh kung pukpukin ko kaya siya nitong takong ng sapatos ko!

"Anong wala eh planado mo na nga!"

Nakakapikon na iyang itsura niyang relax na relax.

"Wala naman talaga. Lalo na kung..."

Tumayo siya sa prente niyang pagkakaupo at unti-unting lumapit sa akin.

Hindi ko naman alam kung bakit napapaatras itong mga paa ko habang umuusad ang hakbang niya patungo sa direksyon ko.

Ngumingisi pa siya habang ako nanlalaki na ang mga mata sa posible niyang gawin.

Nang malapat na ang likod ko sa nakasarang pinto ay siya namang paghilig niya ng mga kamay niya sa pintong nasasandalan ko. Bale ikinulong niya ako sa magkabila niyang braso.

Hilary JoyceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon