Chapter 40 - What's his
Jim
"Hello."
Kasalukuyan akong nasa office nang may biglang tumawag.
"Sir, na-detect na po namin kung saan tumuloy ang asawa niyo matapos masunog ang tinutuluyan niya rito sa Maynila."
Napapikit ako ng mariin bago nagtanong.
"S-Saan?"
Natatakot ako. Natatakot ako dahil alam ko ang posibleng sagot.
"Sa condominium po ng nagngangalang Sebastian Briner Saavedra."
Para iyong isang bombang sumabog mismo sa aking harapan dahil sa sakit.
"Hindi pa rin ba ako? Hindi mo pa rin ba Ako natutunang mahalin?"
Kasabay ng pagbigkas ko ng mga salitang iyon ay ang pagbuhos ng mga luha mula sa aking mga mata.
Flashback:
Halos paliparin ko na sa bilis ang minamaneho kong sasakyan. Ewan ko ba pero matapos kong ma-receive ang tawag ng MB Princess of the star management tungkol sa paglubog nito kung saan isa sa mga confirmed passenger na hindi na matagpuan ang kakambal ng asawa ko ay labis na ang kaba na nararamdaman ko. It's as if my wife was the one who sank in the ocean and not her twin sister Hilary. Kanina pa ako tawag ng tawag sa cellphone niya pero out of coverage siya. Wala namang sumasagot sa mga tawag ko sa bahay. Kahit nasa kalagitnaan pa ako ng meeting ay walang pasabi na akong umalis para lamang makita ang misis ko.
Nang makarating na ako sa tapat ng mismong bahay namin ay napansin ko ang isang kulay abong sasakyang naka-park din sa labas. Hindi ko na ito inusisa basta pumasok na lang ako sa loob.
Nakabukas ang pinto at ang una kong nabungaran ay ang likod ni daddy Hero, o Heneroso Villamor, ang kinilalang ama ng asawa ko na nakayakap sa misis ko. His voice sound cracked while still thanking my wife. Mukha yatang nagkapatawaran na ang mag-ama.
BINABASA MO ANG
Hilary Joyce
Художественная прозаSebastian Briner Saavedra hate the word 'love'. After series of failed relationship, he surrendered and became cold hearted. Not until he came back to his apartment and found a gorgeous possess goddess. She is the most stunning and alluring woman h...