Chapter 7 - Mixture of salty water

852 24 0
                                    

Chapter 7 - Mixture of salty water

Hilary

"Naman, bakit ngayon pa umulan?"

Sobrang lakas ng ulan. Nandito pa naman ako ngayon sa bahay ni Mr. sungit slash antipatiko. Plano ko sanang kunin lang iyong naiwan kong gamit kaninang umaga kaso natagalan ako. Hinanap ko rin kasi iyong dating naiwan ko rito at sa kasamaang palad hindi ko pa rin nakita.

Madilim na sa labas. Dinig na dinig dito sa loob ang bawat pagkulog at pagkidlat. Wala man lang kahit na anong pananggalang sa ulan ang matatagpuan dito.

"Nakakabaliw naman dito. Ang lamig lamig pa."

Oo malamig. Ewan ko ba kung anong meron dito sa bahay ng lalaking iyon at parang atlantic ocean sa ginaw lalo na dito sa sala kung saan nakatodo ang aircon kaya nga sa kusina ako natulog kagabi.

Napahagikhik ako ng maalala ko iyong eksenang nagising ako na may nakabalot na sa aking kumot. Kahit papano pala may puso rin iyong masungit na iyon.

Kinain din niya iyong niluto kong almusal kaninang umaga. Sayang nga lang kasi maaga akong pumasok sa school kaya hindi ko nakita kung anong reaksyon niya. Natuwa kaya siya? O baka naman nairita na naman kasi pinakialaman ko iyong kusina niya ng wala na namang paalam?

"Rain rain go away come again another day."

Kulang na lang mag-sun dance pa ako rito para lang makisama ang panahon.

Mag-aalasdose na ganoon pa rin ang sitwasyon at wala pa rin si Mr.sungit slash antipatiko.

"Ayos, kung hindi siya makakauwi edi dito muna ako matutulog."

Nasa kalagitnaan pa ako ng pagbubunyi ng bumukas ang pinto.

"Mr.sungit slash antipatiko, anong nangyayari sa'yo?"

Linapitan ko ito agad para tulungang makatayo dahil halos mabuwal na ito sa sahig.

"Sobrang bigat mo naman! Bakit ba basang basa ka? Saka nilalagnat ka na."

Sobrang init niya at mukhang ito yata ang dahilan kung bakit siya nahihilo at hindi makatayo ng maayos.

"Naririnig mo ba ako ha? Maglalakad tayo papuntang kwarto mo. Hindi kita kaya, kaya kung may natitira ka pang lakas tulungan mo akong buhatin ang sarili mo ha."

Mukha namang naintindihan niya ang sinabi ko kaya nakarating kami ng maayos sa kwarto niya.

"Anong gagawin ko ngayon?"

Napatda ako habang pinagmamasdan itong walang lakas na nakahiga sa ibabaw ng kama.

Sebastian

'A-Anong ibig sabihin nito!'

'Ma-Magpapaliwanag ako seb.'

'Para saan? Nakita ko na ang dapat kong makita!'

'Seb...'

'Ganito pala ang gusto mo! Ayaw mo pala ng ginagalang! Sana sinabi mo sa'kin na mas gusto mo pala ng kinakaladkad ka rito sa banyo at dito ginagawan ng kababuyan!'

Hilary JoyceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon