Chapter 28 - Deja vu
Tiningala ko ang bahay na nasa harap ko.
"At last, I'm back."
Nandito ako sa tapat ng dati kong apartment sa Maynila. Plano ko kasing bilhin na ito ngayon. Malaki ang sentimental value ng bahay na ito para sa akin. Dito ko unang nakita si Hilary. Dito kami nagkakilala at dito nabuo ang nararamdaman namin para sa isa't-isa. That's why I'm going to treasure this house.
Sinusian ko ang doorknob at binuksan ang pinto. I was about to step inside the house when I noticed something. Magulo at maraming kalat sa loob.
'Teka, parang nangyari na ito?'
I thought to myself.
'Ano ito, deja vu?'
I was still inside of my thoughts when I suddenly heard an eerie creaking of the door followed by a low moan. Mabilis kong dinampot ang baseball bat sa pinaka ibabaw ng shelve at pansamantalang nagtago sa likod ng sofa.
Mula sa dim light na nagmumula sa buwan na tumatagos sa salaming bintana, lumabas ang isang bagay na may pigura ng...tao. Nakasuot ito ng bestidang puti na lampas hanggang tuhod at may kaluwagan sa kanyang katawan. Nakalugay ang buhok na magulo at tumatakip sa mismong mukha. Walang sapin sa paa. Kumikinang ang tila porsilanang balat nito sa liwanang at naglalakad na parang walang direksyon at pagewang-gewang. What the hell! She looks like possess!
Nang makalapit na ito sa direkson na pinagtataguan ko ay inihanda ko ang sarili sa pag atake. I stood up and was about to hit her ng bigla itong lumingon at malakas na sumigaw.
Sa sobrang lakas nabitawan ko ang hawak kong baseball bat at napatakip sa magkabila kong taynga.
"Sino ka? Paano ka nakapasok dito? Dumaan ka ba sa pinto, sa bintana, sa dingding o sa kisame? Si-suguro magnanakaw ka 'no! Holdaper? Kidnapper? Killer? O baka naman, rapist ka! Please huwag, maawa ka! Huwag ang pagkababae ko! Ito na lamang ang natitira sa'kin!"
Dire-diretso nitong sabi habang nakayakap sa sariling katawan at dikit na dikit ang likod sa dingding. Wala itong tigil sa pag iyak at patuloy na nakikiusap. Really! What's happening in here? Lahat ng pangamba ko kanina ay tuluyan ng nawala sa halip ay napalitan ito ng gulat at...tuwa? Is this some kind of a joke?
Hindi ko namalayang napahagalpak na pala ako ng tawa.
This is the first time na tumawa ulit ako ng ganito matapos ang mahigit limang taon.
Nasa kasarapan pa ako ng pagtawa namg mapansin kong tumahimik at lumiwanag na. I stood up straight and fix myself.
There she is again, titig na titig sa akin.
"Hilary..."
Doon lang siya natauhan at tumuwid sa pagkakatayo. Madalian niya ring sinuklay ang buhok niya gamit lamang ang kaniyang mga daliri.
"B-Briner.."
Nabato ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa niyang pagsambit sa pangalan ko. I can't believe this! Nasa harap ko siya ngayon. Kaharap ko lang ang babaeng namiss ko sa loob ng mahigit limang taon. Walang paglagyan ang tuwa at galak na nararamdaman ko ngayon. Ang saya ko. Ang saya saya ko.
Am I hallucinating?
Nagdedeliryo na nga ba ako?
"I-It's been more than five years since I heard that name of me..."
BINABASA MO ANG
Hilary Joyce
Ficción GeneralSebastian Briner Saavedra hate the word 'love'. After series of failed relationship, he surrendered and became cold hearted. Not until he came back to his apartment and found a gorgeous possess goddess. She is the most stunning and alluring woman h...