Chapter 35 - A deal

545 14 1
                                    

Chapter 35 - A deal

Pakiramdam ko lumulutang ako. Dahan-dahan kong imimulat ang aking mga mata at doon ko nakumpermang lumulutang nga ako.

"Joyce huwag kang malikot, baka maihulog kita."

Pasan-pasan ako ni Seb. Piggy-back-ride.

Wait.

"Bakit mo ako pasan Seb? Tuluyan na ba akong nalumpo!"

Hindi!

"Relax. Ayaw lang kitang gisingin kaya pinasan na kita."

Ahh. Kaya naman pala.

"P-Puwede mo na akong ibaba."

Nakakahiya na kasi.

"Hindi ayos lang. Saka may sugat din iyang paa mo. Baka lumala pa."

"Seb kanina mo pa ba ako buhat-buhat?"

Hindi ko man lang namalayang binuhat niya na ako.

"Hindi naman."

"Mabigat ba ko?"

Nakakahiya. Baka mamaya ang bigat ko pala.

"Hindi naman."

"Baka naman pagod ka na?"

Mukha kasing malayo-layo na ang nilakad niya.

"Hindi naman."

"Naguguto---"

Naputol ang itatanong ko kasi bigla siyang nagsalita. Akala ko puro 'hindi naman' lang ang kaya niyang sabihin.

"Huwag kang masiyadong yumakap Joyce. Nadi-distract ako."

Nadi-distract?

"Bakit naman?"

Baka lang kasi mahulog ako kaya hinihigpitan ko ang kapit sa parteng leeg niya.

"Nadidistract ako sa...dibdib mo. Lapat na lapat kasi sa likod ko."

Holy mother of minute burger!

"Ibaba mo na ako Seb!"

Lokong ito! Pagdiskitahan daw ba iyong hinaharap ko!

Sinikap kong magkakawag sa likod niya ngunit hinigpitan niya naman ang pagkakahawak sa hita ko para hindi ako mahulog.

"Joke lang! Huwag kang malikot! Binibiro lang kita!"

Saka lang ako nanahimik.

Hindi na rin ako nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa mga kasamahan namin.

Todo asikaso naman sila sa'min at halata ang naging pag-aalala dahil sa biglaang pagkawala namin ni Seb. Pinagpaliban na lang muna namin ang commercial taping at pictorial. Although hindi naman ganoon kalala ang tinamo kong mga sugat at gasgas ngunit kinakailangan ko pa rin ng sapat na pahinga.

Hanggang sa makababa kami ng bundok ay buhat-buhat pa rin ako ni Seb. Sinubukan ng ibang staff na makipagrilyebo sa pagbubuhat sa akin pero tinanggihan niya lang ang mga ito. Ewan ko ba, feeling niya yata siya si superman. Pero infairness naman sa kaniya, parang balewala lang ang lahat. Para ngang wala siyang pasan sa likuran niya at ang matindi, permanente talaga ang mabango niyang amoy. Nabusog na ako kakasinghot pero hindi pa rin naubos.

Idiniretso niya ako sa ospital pagdating namin sa kabihasnan.

"Tinawagan ko na si Russel. Papunta na raw siya. Salamat Seb."

Sabi ko kay Seb pagkaalis ng doktor na tumingin sa kalagayan ko.

Hindi siya sumagot sa halip ay lumapit lang siya at may inilagay sa palad ko.

Hilary JoyceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon