Chapter 10 - The promise
Sebastian
"Ano ba iyan ha? Bakit ba kanina ka pa titig na titig diyan?"
Hinablot ko bigla iyong colorful na papel na kanina niya pa hawak.
"Akin na iyan Briner!"
Pilit niyang inaabot sa akin iyon pero dahil di hamak na mas matangkad ako sa kaniya at nakataas iyong kamay ko ay hindi niya ito maabot-abot.
"Amusement Park?"
Seriously? Para talaga siyang bata minsan kung mag-isip.
"Eh bakit ba? Sa gusto kong makarating diyan eh. Bata pa lang ako napapanood ko na iyan sa tv."
Ngumuso ito kaya napailing na lang ako.
"Saturday ngayon di'ba?"
Sabi ko saka ko inabot pabalik sa kaniya iyong papel.
"Oo. Bakit may lakad ka ba?"
Nakanguso pa rin siya habang tinatanong iyan.
"Meron, isasama pa sana kita kaso nakasimangot ka."
Hindi siya umimik. Pinaningkitan niya lang ako ng mata habang nakanguso.
Pinitik ko nga sa noo.
"Ang pangit mo kapag nakasimangot. Magbihis ka, pupunta tayong Amusement Park."
"Wow! Ang galing! Tignan mo Briner, iyong tasa hinahagis-hagis! Iyon pa oh, barko na nagsi-swing sa hangin saka whoah! Tingnan mo iyon oh, tren na umiikot-ikot doon sa parang ahas!"
Para siyang batang manghang-mangha sa mga laruang nakikita. Pagkasabi ko sa kaniya kanina na pupunta kami rito, mabilis siyang naglaho sa paningin ko at nag-ayos. Nasa byahe pa nga lang kami excited na excited na siya kung anong meron dito.
"Ayon! Doon tayo unang sumakay Briner!"
Hinila niya na ako agad palapit doon sa itinuro niya.
Paulit-ulit lang kaming ganoon sa loob ng limang oras. Hahatakin niya ako sa kung saan niya gusto at ako naman magpapatianod lang. Para siyang bateryang fully charge. Kanina pa siya tuwang-tuwa at hindi nauubusan ng lakas sa pagsakay sa lahat ng rides.
Naglalakad-lakad na kami nang marinig kong kumulo ang tiyan niya.
"Kumain na muna tayo. Nagrereklamo na iyang mga alaga mo sa tiyan."
Ako naman ang humila sa kaniya palapit sa mga kainan.
"Ang mahal naman dito Briner. Ultimo tubig thirty pesos. Anong klaseng mineral water ba ito?"
Reklamo niya namg makita ang mga presyo ng pagkain.
"Pumili ka na lang ng mga kakainin mo, hindi ka mabubusog ng kakareklamo."
Iniwan ko siya saglit para pumili ng makakain niya at nagtingin-tingin din ako sa iba pang food stand na naroon.
Wala pa akong ilang minutong nakakalayo nang marinig kong tinatawag niya ang pangalan ko. Nilingon ko sya agad at agad akong napalatak ng mura.
Freaking shit!
May lalaking mahigpit na nakahawak sa kaliwa niyang braso.
Halos patakbo kong nilakad ang puwesto nila at nang makalapit ako ay mabilis kong hinila palapit sa akin si Hilary.
"Hey! Mind your own business!"
Alma ng lalaki sa pakikialam ko.
"This girl is mine and she's my freakin business! So go and fuck yourself moron!"
BINABASA MO ANG
Hilary Joyce
General FictionSebastian Briner Saavedra hate the word 'love'. After series of failed relationship, he surrendered and became cold hearted. Not until he came back to his apartment and found a gorgeous possess goddess. She is the most stunning and alluring woman h...