Chapter 13 - Body heat
Hilary
"Briner please huwag!"
"Nope, I want you to do this. Sa una mo lang ito hindi magugustuhan but swear after trying baka ikaw pa mismo ang magmakaawa sa akin para rito."
"Hindi ko yata kaya! First time ko kasi ito!"
"Don't worry Hilary, just trust me."
"Isa lang ha."
"Okay just once. After that kung hindi mo talaga gusto, titigilan na kita."
Pagkasabi niya noon, inipit ko lang ng hintuturo saka hinlalaki iyong ilong ko bago ko sinubo iyong pinapasubo niya.
"Hmm. Masarap pala."
Sabi ko habang ngumunguya pa. Ang sarap pala ng balot!
Si yaya Malyn kasi dinalhan kami ng balot habang nandito kami sa kubo at nagpapahinga. Kakatapos lang kasi namin maglibot-libot. Ipinasyal ako ni Briner. Gusto ko pa sanang makipagkuwentuhan kay tita kanina noong nagla-lunch kami kaso noong sinabi ni tita na ipapakita niya raw iyong mga pictures ni Briner noong bata pa ito pagkatapos namin kumain, pinagmadali naman ako ni Briner kasi ipapasyal daw muna niya ako sa lugar nila.
Ayos naman iyong naging pamamasyal namin. Kinulit lang niya ako ng kinulit buong oras. Ang cute nga kasi nag-motor lang kami tapos si Briner laging iniyayakap iyong braso ko sa kaniya para raw hindi ako malaglag. Sobrang bango niya lang. Buti hindi niya napansing inaamoy-amoy ko siya kanina.
At iyon nga, dahil never pa akong nakakain ng balot at dahil nakakita ako ng kakaiba rito habang binabalatan ito ni Briner kaya pahirapan bago niya ako napakain. Bakit naman kasi may manok iyon sa loob.
"See? Ang kalat mong kumain."
Pagkasabi niya noon ay lumapit siya sa akin bigla at pinunasan ang bibig ko gamit ang panyo na dala niya. Ako lang ba o talagang slow motion iyong naging pagkilos niya? Saka bakit parang lately mas nagiging gwapo pa siya sa paningin ko kahit na dati pa naman siyang ganoon?
Parang kabayong nakikipagkarera sa bilis ng tibok ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag pero parang may kung anong martial law ang nangyayari sa loob ng tiyan ko. Dapat na ba akong magbawas ng pagkaing makokolesterol? Magkakasakit yata ako sa puso. Pati bituka ko nakiki-join!
"S-Salamat Briner."
Pinaling ko na lang tingin ko sa harap. Nailang kasi ako bigla sa kaniya.
"Hilary, may sakit ka ba?"
Napalingon ako dahil sa tanong niya.
"Ha? W-Wala naman. Ayos naman ako."
Bakit ba ako nabubulol?
"Namumula ka. You look cute."
Ano raw? Cute raw ako?
Ang init na sobra ng mukha ko!"Ahm. I-Inom lang muna ako ng tubig.
Tumayo na ako agad bago pa niya mahalata kung bakit ako nagkakaganito. Nakakahiya talaga!
Pagkapasok na pagkapasok ko sa mini kusina ng kubo uminom agad ako ng malamig na tubig.
"Are you sure you're okay?"
Muntik ko pang maibuga iyong iniinom ko nang marinig kong nagsalita si Briner sa may likuran ko.
"A-Ano..kasi, iyong..n-nilalamig. Oo tama! Nilalamig lang ako kaya ako nagkakaganito. Ayos lang talaga ako."
Maniwala ka. Please maniwala ka.

BINABASA MO ANG
Hilary Joyce
Ficción GeneralSebastian Briner Saavedra hate the word 'love'. After series of failed relationship, he surrendered and became cold hearted. Not until he came back to his apartment and found a gorgeous possess goddess. She is the most stunning and alluring woman h...