Chapter 29 - Vows

611 19 1
                                        

Chapter 29 - Vows

Sebastian

Kasalukuyan akong busy sa pagbusisi ng mga files tungkol sa kumpanya ng marinig ko sa intercom na nasa labas daw si Jim at gusto akong makausap.

Pinapasok ko naman agad siya. Wala pang limang minuto ay nasa mismong office ko na siya.

"Hi dude. It's been a long time."

Anim na taon na simula ng huli kaming magkita ng ugok na ito.

"Yeah, it's been a long time. Kumusta ang buhay may asawa't anak?"

Although narinig ko na kina Dustin na masaya si Jim sa buhay niya ngayon, gusto ko pa ring kumpermahin ng personal sa kaniya.

"Ito, work hard para sa pamilya pero since malapit lang naman dito iyong pupuntahan ko kaya naisipan ko na ring dalawin ka."

Natawa ako sa sinabi niya.

"Tado! Panong naging malapit dito ang pupuntahan mo eh nasa Laguna ang kumpanya mo, wala dito sa Maynila."

Ayaw pa kasing aminin na ako talaga ang sadya niya.

"Gago alam mo naman pala! Bakit ba kasi nandito sa Maynila itong opisina mo? Ang lawak-lawak ng Laguna ah saka nandoon na rin naman mismo ang production niyo."

Nandito kasi talaga sa Maynila ang opisina ko kahit nasa Laguna ang mismong production place namin.

"Hmm, nasanay na rin kasi ako rito. Isa pa, nandito ang karamihan sa mga alaala namin ng asawa ko."

Ito naman ang nagulat sa sinabi ko.

"May asawa ka na?"

Pinakita ko lang ang kaliwa kong kamay kung nasaan ang singsing ko.

"Woah, so who's the lucky girl?"

Ngumiti ako nang mapait bago ko siya sinagot.

"Si Hilary. I bid my vows to her sa lugar kung saan posibleng namamalagi ang kaniyang kaluluwa."

Bahagyang sumagi ang lungkot sa kanina lang na masaya niyang awra. Alam kong alam na niya ang buong detalye ng mga nangyari.

"You love her that much?"

Tumingala ako sa kisame para pigilan ang luha ko na nagbabadya na namang lumabas.

"I am, pare. Mahal na mahal ko siya at pinagsisisihan ko na lahat ng katarantaduhang nagawa ko sa kaniya."

Saglit na katahimikan ang namayani bago ulit siya nagbukas ng panibagong paksa.

"By the way,  I came also to extend may apology. Naikuwento kasi sa'kin ng asawa ko na pumunta ka raw doon sa dati mong inuupahan na nabili na niya ngayon noong nakaraang buwan at medyo, ayon nga at nasungitan ka nga raw niya."

Medyo? Ano pang depinisyon sa kaniya ng mismong pagsusungit?

"Ayos lang. Naiintindihan ko. Paki sabi na lang sa kaniya na pasensya na rin kasi hindi ko man lang inalam bago ako nagpunta."

Bumalik na ulit sa dati ang mga ngiti niya.

"Pasensya ka na talaga ha, Seb. Noon pa man mataray na talaga iyong asawa kong iyon. Maski nga ako sinusungitan noon."

Mukhang masaya pa talaga siya habang ikinukuwento niya iyan ha.

"Oo nga. Nasabi nga sa akin nina Dustin na Andres de saya ka nga raw."

Dumipensa naman ito agad.

"Under agad, 'di ba puwedeng nagmamahal lang ng sobra-sobra?"

And the rest of our talk continue. May mga ugali pa rin siya na hindi naalis sa kanya gaya ng pagiging maloko, pero mild na lang naman. Mukhang napatino naman siya ng husto ng asawa niya. Masaya ako dahil sa nakikita kong pagbabago sa kaniya. Iyong dating easy go lucky at puro pambababae lang ang alam na lalaki, kita mo naman ngayon kung gaano kasipag at responsableng asawa't ama sa pamilya niya.

Hilary JoyceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon