EPILOGUE

1.1K 20 0
                                    

Malipas ang dalawang taon

Tahimik kong binaybay ang daan patungo sa aking sasakyan mula sa sementeryo.

Nagmaneho ako ng mga ilang oras hanggang sa marating ko na ang aking destinasyon.

Nagkagulo ang mga tao sa labas ng gusali kung saan ako tumigil. Mabilis namang umalalay ang mga securities para pagbuksan ako ng pinto at protektahan mula sa mga taong pilit na lumalapit para humingi ng autograph, larawan at kung anu-ano pang souvenir mula sa akin habang papasok kami ng building.

"Naku Ms. Hilary, akala ko po hindi na kayo darating. Limang minuto na lang po at magsisimula na ang live interview niyo at agad din po iyong susundan ng book signing ma'am."

Salubong sa akin ng P.A. kong si Jean pagkapasok ko ng dressing room.

"Sorry, may dinalaw lang muna kasi ako bago dumiretso rito."

Mabilis niyang ni-retouch ang make up ko at tumuloy na ako sa stage ng Shobiz Unlimited, isa ito sa mga sikat at kilalang talk show hindi lamang dito sa Pilipinas kun'di maging sa ibang bansa.

Nagtayuan habang nagpapalakpakan ang mga tao ng pumasok na ako. Nakipagbeso-beso lang sa akin ang host nito at inalalayan na akong maupo. Studio type iyon kung saan nasa gitna ang stage na may nakaset-up na dalawang upuan para lamang sa host at iinterviewhin nito. Samantalang napapaikutan naman ang stage ng maraming upuan.

"Palakpakan po muna natin ang sikat na sikat at pinaka hinahangaang manunulat ngayon sa buong mundo, Ms. Hilary Castillo."

On que ay nagpalakpakan muli ang mga manunuod.

"Thank you po at hello po ngayon sa lahat ng studio audience ganoon din po sa mga televiewers ng programang ito."

Sabi ko habang ngiting-ngiti sa tapat ng camera.

"So Ms. Hilary hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa, what exactly are you feeling right now that your going to launch your very last story and second part of 'Anatomy of Heartbeats'. Are you having the second thought na magpatuloy muli dahil sa suportang ipinapakita pa rin ng mga funs mo sa iba't-ibang panig ng mundo?"

Huminga ako ng malalim bago sinagot ang tanong.

"Honestly at nakakalungkot man pong sabihin pero final na po talaga iyong desisyon ko na tuluyan ng iwan ang career ko bilang isang manunulat. I really want to settle myself now. Gusto ko na rin po ng tahimik at mapayapang buhay and I also want to focus my attention sa ilang Restaurant Businesses ko ngayon. So hopefully, this interview would be my last appearance to the public."

Napa-awww naman dahil sa panghihinayang ang studio audience.

"Grabe Ms. Hilary, you've been through a lot of experiences for your past years. You hid your identity before as Girl Unoticed, after your first part of 'Anatomy of Heartbeats' has been a movie bigla ka na lang nawala and then you came back again bringing new stories of you. Ginulat mo ang buong mundo ng ilantad mo ang sarili mo bilang si Mrs. Joyce Villamor-De dyos at mas ginulantang mo ang sambayanan ng ipagtapat mo ang katotohanang ikaw talaga si Hilary Castillo na kakambal ni Joyce at inakalang namatay noon sa lumubog na barkong MB Princess of the Star. Your whole personality really confused us all before. Ang dami mong pagkakakilanlan pero sa kabila ng lahat, patuloy kang minahal ng iyong mga tagahanga at ngayon nga, dito sa huli mong libro kung saan sinabi mo nga noong una mong interview na, the first part of Anatomy was the story of your parents and this book two was yours and your twin sister Joyce. Malalaman na ng buong mundo ang kuwento sa likod ng iba't ibang pangalang ginamit mo."

Natawa ako sa lahat ng iyon.

"Oo nga po. Kaya I really decided na bago man lang tuluyang mamaalam eh siguro naman po may karapatan namang malaman ng mga taong patuloy na naniniwala sa kakayahan ko ang mga bagay na tungkol sa pinagdaanan ko, tungkol mismo sa akin at ang mga reasons ko po kung bakit ako nagtago sa iba't-ibang pagkatao bago ko hayagang ipinagtapat kung sino talaga ako."

Hilary JoyceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon