Chapter 11 - Her room

699 20 0
                                    

Chapter 11 - Her room

Hilary

Mag-aalasingko na at kararating ko lang sa bahay nang mapansin kong ang daming nakatambak na trashbag na punong- puno sa labas. Iyong iba nga hindi na nagkasiya sa basurahan kaya nasa labas na lang at nakatabi.

"Nag-dispose ba ng gamit si Briner?"

Nakatuwaan ko na talaga siyang tawagin sa ganoong pangalan. Ang cute kaya.

Nakatatlong doorbell muna ako bago niya ako pinagbuksan.

"Hi Bri---oh bakit?"

Nagulat ako nang piniringan niya ako sa mata.

"Just follow me and I'll show you something."

Sinunod ko na lang siya at nagpatianod kung saan niya dalhin. Umakyat pa kami ng hagdan at muntik pa akong matalisod, kung hindli lang nakaalalay siya sa'kin.

"Im going to remove this handkerchief and at the count of three saka mo lang iimulat ang mata mo."

"Okay. Nakakaexcite naman ito."

Matapos ng ikatlong bilang ay tinanggal niya na ang panyo. Literal na halos sumayad sa lupa ang panga niya dahil sa labis na pagkabigla.

"Wow! Ikaw ang may gawa nito?"

Sabi ko habang inililibot ang mga mata sa apat na sulok ng kuwarto.
Ang ganda grabe!

Inayos niya ang kuwarto na ginawa niyang bodega dati. Bago na ang wall covering nito na gawa sa textured fabric, pinaghalong orange, light green at white. Favorite colors ko. Ang mga kurtina ay mint green na may touch of orange flowers. May king-sized bed na matatagpuan mismo sa gitna ng silid na litaw na litaw dahil sa dark orange nitong kulay at malaking flat screened tv na nakakabit sa dingding sa harap noon. May malaking cabinet at full length mirror sa bandang kanan at sa kaliwa naman matatagpuan ang study table at mini library. All in all, malinis at maaliwalas ang kuwarto. Bigla tuloy akong nakaramdam ng antok at parang gusto ko na agad matulog dito.

"Do you like it?"

Nakangiti niyang tanong sa akin.

"Hindi lang gusto, gustong-gusto!"

Sa sobrang tuwa hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na yakapin siya.

"Thank you Briner! Thank you talaga!"

Natawa na rin ito sa ginawa ko pero gumanti rin siya ng yakap.

"Ang sarap mo palang isurprise. May thank you na may yakap pa."

Napabitiw ako ng yakap dahil sa patutsada nito.

"Briner naman eh!"

"I was just joking. But I'm glad nagustuhan mo."

"Syempre naman! Grabe ka! May ganito ka palang plano kaya halos ipagtulakan mo na ako kanina para lang umalis ako. Akala mo ba hindi ko nahalata iyon? Pero thanks talaga. Thank you! Thank you!"

Ginantihan niya lang ako ng ngiti. Ang sarap sa pakiramdam. Ito ang unang beses na may nag-effort para sa akin at si Briner lang.

Sebastian

"Seb, are you drugs?"

Nasa locker kami at nagpapahinga dahil katatapos lang ng practice namin sa taekwondo.

"Fuck you Jim!"

Tado kasi itong isang ito. Kung anu-anong sinasabi.

"Kanina ka pa kasi riyan napapangiti ng mag-isa. Para kang timang! Are you sure your not in drugs?"

Hilary JoyceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon