Chapter 27 - Marry me
Sebastian
Nagising ako na masakit ang ulo at katawan.
"Hilary..."
Nakakatawa. Nagpakalasing ako kagabi para lang makalimot pero paggising ko naman sa umaga siya ang unang maiisip ko.
Kahit na mahirap at mabigat sa pakiramdam ay pinilit kong bumangon at ayusin ang sarili ko.
Pagbaba ko ng hagdan ay natanaw ko agad ang mommy ko sa sala ng bahay. Tahimik lang siyang nakaupo habang pinagmamasdan ang isang larawan.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya.
"Mom.."
I miss her. Simula ng huling pagkikita namin noon sa America mahigit limang taon na ang nakararaan ay hindi na ulit niya ako kinausap. Kung dati'y halos araw-araw niya akong kinukulit kung kamusta na ba ako, kumain na ba ako, nagpapagod ba ako at kung anu-ano pa, matapos ang nasaksihan niyang kalagayan ni Hilary sa condo ko noon ay para bang kinalimutan niya ng anak niya ko. I know it's my fault but then, hindi ko maiwasang malungkot.
"Mom please, I know you can't easily forgive me but at least talk to me."
Hindi pa rin siya umimik kaya naglakas loob na akong lumapit at yakapin siya mula sa likod.
"I'm sorry mom... I'm so sorry..."
Tears silently fell from my eyes. Ngayon ko narealize kung gaano ako kawalang kuwentang anak. I know how mom loves Hilary. Anak na ang turing niya rito at sa pananakit na ginawa ko sa kaniya ay para ko na ring sinaktan ang sarili kong ina.
"Matagal ko ng pangarap na magkaroon ng anak na babae. Iyong maaayusan ko, makakasundo ko sa mga bagay na hilig ko gaya ng pagsho-shopping at pagluluto at iyong makakaintindi sa mga paniniwala ko bilang babae. I never had one son. Lumaki ako na puro mga lalaki ang kasama ko dahil maaga akong iniwan ng lola mo at puro mga lalaki rin ang mga tito mo. Dahil doon kaya pini-pressure kita na magdala rito at magpakilala ng babae sa amin ng daddy mo."
Her voice broke with her last words. Nararamdaman ko na ring unti-unti ng tumataas-baba ang balikat niya.
"Pero masiyado kang pihikan at mailap kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan para hanapan ka ng kasintahan. But you surprised us exactly at the day na ipapakilala sana namin siya sa'yo, you bought Hilary. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ng araw na iyon. Kahit pa noong nalaman ko na palabas niyo lang ang lahat, I didn't surrender dahil ng oras na iyon ay nakikita ko na kung paano niyo tingnan ang isa't isa. Alam ko na hindi magtatagal ay magmamahalan kayo and it happened. "
Hindi na napigilan pa ni mommy ang tuluyang maiyak ng mga oras ding iyon. This is the first time I made her cry at ang sakit pala na makitang nahihirapan ang damdamin ng sarili mong ina nang dahil lang sa mga kagaguhan ko.
"Hilary is the friend, the sister and the daughter I had waited all my life. Mabait at napaka mapagmahal na babae. Siya iyong kulang na pumuno sa pamilya natin anak. Hindi lang ikaw ang pinasaya niya sa pagdating niya sa buhay mo kun'di maging kami ng daddy mo, she brought happiness and fullfilment to this family. Kaya ganoon na lang ako na-disappoint noong makita ko siyang walang malay, puno ng pasa at nakakadena sa mismong condo mo. Alam mo ba iyong pakiramdam ng ina kapag nakita nila na nasaktan ang anak nila, iyon mismo ang naramdaman ko nang makita ko kung paano naghirap si Hilary sa mga kamay mo, sa poder ng kahuli-hulihang taong maiisip ko na puwedeng gumawa sa kaniya ng mga kahayopang iyon."
Dahan-dahang tinanggal ni mommy ang pagkakayakap ko sa kaniya. She stood up and face me.
"Bakit anak? Saan ba kami nagkulang ng daddy mo sa pagpapalaki sayo?l? Paano mo nagawa lahat ng iyon sa isang inosenteng babaeng gaya ni Hilary?"
Pain is evidently showed in her face while looking straight into my eyes. It's like I'm seeing Hilary's grief through those look. Ganito niya ako tingnan noong mga oras na wala akong ginawa kundi pasakitan siya at iparamdam sa kaniya na isa lang siyang bagay na hindi dapat ingatan.
Kusang gumalaw ang mga binti ko ng hindi ko namamalayan. I knelt down in front of my mother while tears continuously flowing into my cheeks.
"I-Im sorry mom..patawarin niyo po ako. Nagsisisi na ko.. Pinagsisisihan ko na lahat ng ginawa ko. I'm really sorry.. I'm sorry.. I'm sorry..."
Saying those words and asking forgiveness to my mother is like saying sorry and asking Hilary to forgive me. Iyon mismo ang mga salita na gusto kong sabihin sa babaeng mahal ko. If only I could change the time and make it in favor for the both of us, I will. Gusto kong itama lahat ng pagkakamali ko. Paniniwalaan ko lahat ng sasabihin niya sa'kin kung maibabalik ko lang ang panahon pero huli na ang lahat. Kulang ang kahit anong salita para makabayad ako sa lahat ng ginawa ko sa kaniya ngunit ito na lang ang magagawa ko. Ito na lang dahil wala na siya. Wala na ang kaisa-isang babae na nagmahal sa akin ng totoo at tapat, at kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko.
"Hanggang dito na lang po tayo sir. Hindi na po tayo puwedeng lumampas dito at lumapit sa mismong lumubog na barko."
Sabi ng kapitan ng barkong sinasakyan ko.
Nandito ako ngayon sa dagat malapit sa lumubog na barko kung saan kasamang namatay si Hilary.
Masaya ako dahil napatawad na ako ng mommy ko. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko at gusto kong ipaalam ang tungkol dito sa babaeng mahal ko.
Mom and Hilary stayed connected during the last year of her life according to mommy. She even told me about the last event that Hilary did before she decided to visit Palawan, the place where she spend two years just to be with her twin sister Joyce.
Tahimik sa lugar at tanging lagaslas lamang ng tubig at huni ng mga ibon ang maririnig. Sinariwa ko lahat ng mga alaala namin mahigit limang taon na ang nakararaan. Kung paano kami nagkita, paano unti-unting tumibok ang puso ko para sa kaniya at kung paano naging kami. Lahat ng ginawa naming magkasama noon ay sariwang-sariwa pa rin hanggang ngayon sa aking gunita.
I blankly stare at the place which Hilary spend her last gaze. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata at inimagine ang imahe niyang malayang pinagmamasdan ang karagatan. Her peaceful and innocent face.
"Will you marry me Hilary?"
Inilabas ko ang kahon na naglalaman ng dalawang singsing mula sa aking bulsa.
I bought this six years ago in America. Noong mga oras na nami-miss ko siya at wala akong magawa.
Baliw ba? Oo nababaliw na ako. Noon pa man hindi ko na ginusto pang makasal sa iba maliban kay Hilary. Nang maging magkarelasyon kami, dalawa lang ang naging choice ko sa lovelife ko..it's either I'll marry her o tatanda akong binata. Now, I choose first. Hindi kailangan ng mga papeles, seremonya at magarbong kasalan para lamang mapag-isang dibdib ang dalawang taong nagmamahalan at masabing mag-asawa sila. Sapat na ang totoo at wagas na pagmamahal para pag-isahin ang kanilang mga puso't kaluluwa.
"I, Mr. Sebastian Briner Saavedra promise to love, cherish and devote myself to Mrs. Hilary Castillo-Saavedra for eternity. Mamahalin ko siya ng tapat at walang halong pagtitimpi. Iaalay ko ang sarili ko sa kaniya ng buong-buo. Sa kaniya ako, sa kaniya lang ang puso't kaluluwa ko. These are all my pledge from this day onward."
Binuksan ko ang kahon. Maingat kong kinuha ang mas maliit na singsing mula sa loob nito, masuyong hinalikan at inihilog sa malawak na karagatan.
"I now pronounce myself as husband, and Hilary as my wife."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay kinuha ko naman ang mas malaking singsing at isinuot ito sa palasingsingan ng kaliwang kamay ko.
"Simula sa araw na ito ay mag-asawa na tayo Hilary. Mahal na mahal kita. I love you, mahal mahal."
![](https://img.wattpad.com/cover/69014168-288-k151814.jpg)
BINABASA MO ANG
Hilary Joyce
Ficción GeneralSebastian Briner Saavedra hate the word 'love'. After series of failed relationship, he surrendered and became cold hearted. Not until he came back to his apartment and found a gorgeous possess goddess. She is the most stunning and alluring woman h...