Chapter 14 - Her feelings
Sebastian
As I sat here in the balcony of my room, memories of Hilary flash in my imagination. I still can't believe na four months na pala kaming magkasama sa iisang bahay. Nakakatawa lang, noong una inis na inis pa ako sa kaniya but now she seems one of my daily routines. Hindi na ako nakukuntento ng hindi nakikita ang mga ngiti niya sa umaga, iyong pagsimangot niya satuwing iniinis ko siya at higit sa lahat, iyong luto niya. I was once a restaurants and fast food eater before, but since she came into my life ay hindi ko na nagawa pang kumain sa labas. She got such recipes I couldn't resist. Nakasanayan ko ng lagi niya akong pinagbabaon satuwing may pasok o pupuntahan ako. Iyong pagiging caring at thoughtful niya na ngayon ko lang nakita sa isang babae, iyon ang lalong nagpapaganda sa kaniya. She's not just a goddess outside but also an angel inside. Iyong anghel na hindi ko aakalaing bigla na lang lilitaw dito sa bahay at maglalakas loob makisama sa isang tulad kong may lahi yata ni satanas. She's way exceptional and very different from all the girls I've met. Maganda siya sa lahat ng anggulo, may make-up man o wala, simple man o magarbo ang suot. Kakaiba. Ibang iba.
"I'm your father so I know but frankly saying son, I like her. I like her very much for you. Mabait at napakasarap magluto, bonus na lang na maganda siya at sexy anak. Kaya kung ako sa'yo naku babarikadahan ko na. Naglipana pa naman ngayon ang mga terorista."
That was from my conversation with dad a month ago. Noong dinala ko roon si Hilary at ipinakilala ko sa kanila bilang girlfriend ko. I was shock at first when they told me that Hilary confess to them the truth, but that confession became the key to be free from their plans before.
"Don't worry, hindi kami galit and we've also decided na hindi na ituloy ang pakikipagkasundo sa kumpadre ko. It's because, nahanap na namin ang gusto naming manugangin so don't you dare introduce other ladies, and we hope next time you'll bring her here, iyong totoo ng kayo."
And I promise them, I am.
Hilary
Isang buwan na ang nakararaan ng pumunta kami kina Briner. Hindi ako pinatulog ng konsensya ko sa unang gabi ko roon dahil sa ginagawa naming pagsisinungaling. Dahil doon kaya napagdesisyonan kong sabihin kay tita ang totoo kinaumagahan habang nagpe-prepare kami ng breakfast. Akala ko talaga magagalit siya sa'kin, pero imbes na ganoon eh niyakap niya lang ako.
"Don't worry anak, huwag kang ma-disappoint. For sure next time, sa susunod na pumunta kayo rito naku tiyak na may laman na iyang tiyan mo."
BINABASA MO ANG
Hilary Joyce
General FictionSebastian Briner Saavedra hate the word 'love'. After series of failed relationship, he surrendered and became cold hearted. Not until he came back to his apartment and found a gorgeous possess goddess. She is the most stunning and alluring woman h...