Chapter 19 - Cassandra

566 14 2
                                    

Chapter 19 - Cassandra

Hilary

Mabilis na lumipas ang araw at buwan. Natapos ang first semester at sa Laguna namin ginugol ang bakasyon namin ni Briner. Noong una hindi pa makapaniwala ang nga magulang niya na totoo na talagang kami pero kinalaunan nag-celebrate pa kami sa pamamagitan ng isang adventure family camping sa cavinte na parte din ng Laguna. Tutol pa noong una si Briner pero sabi nga ni tito ay kalabaw lang daw ang tumatanda.

Naging busy naman ang boyfriend ko noong ikalawang semester na. OJT niya na kasi at napagdisisyunan nila ng dad niya na sa mismong company branch nila sa America niya ito kunin, tutal naman siya na ang mamamahala nito pagkatapos mismo ng graduation.

Sa istado naman ng relasyon namin ay masasabi kong kahit kailan ay hindi siya nagkulang. Busy man sa OJT ay hindi niya ako kinakalimutang kamustahan araw-araw. Sinisikap din niya na maka-chat ako tuwing umaga at bago matulog kahit gaano pa ka-hectic ng sched niya. Ang totoo niyan nagdalawang isip siya noong una na sundin si tito dahil ayaw niya talaga akong maiwan mag-isa rito sa Pilipinas pero pinaintindi ko sa kaniya na kailangan niya iyon at magiging maayos naman ako rito kaya kinalaunan ay napapayag ko rin siya.

Bago siya umalis ay inayos niya lahat ng kakailanganin ko habang wala siya. Pinagawan pa niya ako ng sarili kong account kung saan ko pwedeng kunin lahat ng gagastusin ko. Pinahinto niya na kasi ako sa pagpa-part time bilang bartender sa bar noong unang linggo namin sa relasyon. Noong isang beses kasi na sinundo niya ako ay muntik na akong mapahamak dahil sa isang costumer na bumastos sa'kin. Napaaway pa nga siya noon pero dahil nga bihasa siya sa taekwondo ay walang nagawa sa kaniya maging ang mga kasama noong lalaki. Nakaka-proud lang talaga ang mahal mahal ko.

Natapos ang ikatlong taon ko sa kolehiyo at naging successful naman ang OJT ni Briner. Dumating ang araw ng kaniyang graduation kung saan umattend ang mga magulang niya at siyempre ako. Cum laude lang naman ang mahal mahal ko habang dean's lister naman ako.
Pinagdiwang namin ang mga nakamit na parangal sa out of the country vacation namin sa Paris France. Feel na feel ko na talaga ang pagiging part ng family ni Briner dahil sa lahat talaga ng family gatherings nila ay isinasama niya ko. Pasko, bagong taon, birthday niya at kahit noong nag-celebrate ng anniversary ang mga magulang niya bago matapos ang second semester ay sinama rin niya ko, maging sa kasal ng pinsan niya at libing ng lolo niya.

Kahit minsan hindi nabigo ang boyfriend ko sa pagpapakilig at pagpapangiti sa'kin satuwing sinusurpresa niya ko. Mahilig kasi siya sa ganoon at inaamin ko na sa bawat pagkakataong pinararamdam niya sa'kin kung gaano niya ko kamahal ay lalong namang tumitindi ang pagmamahal ko para sa kaniya. Nagising na lang ako isang araw na siya na pala ang hangin na hinihinga ko, ang tubig na iniinom ko at ang mundong ginagalawan ko. Dumating na sa punto na inasam ko na rin gaya niya na sana siya na rin ang mapapangasawa ko at ang ama ng mga magiging anak ko. Gusto ko siya na mismo ang kinabukasan ko.

"Ang lalim yata ng iniisip ng mahal mahal ko."

Naramdaman ko ang mga brasong yumakap sa akin mula sa likod.

"Nami-miss ko lang ng bahagya ang Pilipinas."

Kasalukuyan pa rin kasi kaming nasa France at nasa balkonahe kami ngayon ng grand hotel na tinutuluyan namin.

"Gusto na bang umuwi ng girlfriend ko?"

Sinasabi niya iyan habang binibigyan ako ng maliliit na halik sa aking braso patungo sa aking leeg. Mukhang pinakikilig na naman ako ng boyfriend ko.

"Depende. Kapag ginusto na rin ng mahal mahal ko na umuwi."

Kumalas ako sa pagkakayakap niya at hinarap siya.

"Gusto mo na bang umuwi?"

Tanong ko sa kaniya.

"Hmm..pwede. We can also choose to stay in here and celebrate our monthsary if you want."

Kinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya habang hinihintay ang sagot ko.

"Mukhang may naumpisahan na yatang surpresa ang boyfriend ko kaya ayaw pang umalis dito. Pero kung yon ang gusto ng mahal ko, buong puso kong igagalang." Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti pagkasabi ko noon.

"Puwede ko bang halikan ang mga labing ito ngayon?"

Hindi ko na siya sinagot sa halip ay ako na mismo ang humalik sa kaniya. Ito ang isa sa mga lubusang nagpahulog ng loob ko sa kaniya. Simula noong takot na nakita niya sa'kin noong unang beses niya akong hinalikan ay natuto na siyang magpaalam satuwing gusto niyang pag-isahin ang aming mga labi. Ni minsan hindi niya ako pinilit na gawin ang mga bagay na hindi ko gusto.

"I love you so much Hilary."

Saad niya ng magbitiw ang mga labi namin.

"I love you so much too Briner"

Napangiti siya ng malawak at niyakap ako ng sobrang higpit. Ginantihan ko naman ang mga yakap na iyon at ipinaramdam sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.

Sebastian

After my surprise to Hilary for our monthsary ay nag-decide na kaming bumalik ng Pilipinas. Marami rin kasi akong kailangang gawin. I have to finalize all the things I needed before sitting as the new CEO of our company in America. Six years ko kailangang gampanan ang tungkuling iyon dahil anim na taon pa bago grumaduate ang pinsan ko na siya talagang mamamahala noon. After those years ay babalik ako rito sa pilipinas at ang company naman namin dito ang pamamahalaan ko. That's the time na magre-retire na sa posisyon si dad.

Planado na ang buong Buhay ko at sa lahat ng iyon ay kasama ang babaeng mahal ko. I already planed to marry her right after her graduation and that's only a year from now on. Sa America ko muna siya ititira kapag kinasal na kami habang inaantay ko pa ang pinsan ko. Hindi ko na siya pagtatrabahuhin dahil ayoko siyang mapagod. Gusto ko ako lang ang paglalaanan niya ng oras habang wala pa kaming mga anak. I maybe sound possessive pero masisi niyo ba ako kung ayaw ko ng malayo pa sa akin ang buhay ko. Malaki ang tiwala ko sa kaniya pero hindi sa mga taong posibleng makasalamuha niya.

Nasa office ako ni dad habang nagsasagawa siya ng meeting kasama ang mga shareholders ng company sa labas. I'm waiting for such reports na kakailanganin ko. I was about to call my girlfriend and ask her kung ano ng ginagawa nila ni mommy, dito ko muna kasi sa laguna pinatuloy ang mahal mahal ko habang hindi pa naman pasukan ng biglang pumasok si May Santilian, ang magiging secretary ko sa America. Seven years na siyang nagtatrabaho rito sa company namin sa Pilipinas kaya kampante ako na malaki ang maitutulong niya sa'kin.

"Good morning sir. Here are all the reports you needed. Sinama ko na rin po dito ang bank and status report para kung sakaling kailangan niyo ng basihan."

Sabi nito habang inilalapag ang mga folders sa mesa.

"May dumating din po pala na dalawang package kaya sinabay ko na."

Dagdag pa nito.

I just thank her and check all the documents after. Nakaagaw naman ng pansin ko ang dalawang package. The first one is from Jim. It was an expensive watch. Mukhang ito yata ang regalo niya sa'kin noong graduation na ngayon ko lang nareceive dahil sa bakasyon namin sa France. Nakakaawa rin iyong bestfriend kong iyon. Hindi man lang naka-attend ng graduation dahil na-stroke si tito.

I also noticed the second package at dahil sa inis ay basta ko na lang ito inihagis sa basurahan.

"Ano ba'ng problema ng babaeng iyon at hindi sya makaintindi!"

Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok dahil sa inis. It came from Cassandra Vortex, my ex girlfriend. Isa siya sa mga babaeng minahal ko na walang ginawa kun'di saktan lang ako. I loathe her!

Hindi ko alam kung tuluyan na bang nakalas lahat ng tornilyo sa utak niya at hindi niya maintindihang tapos na kami. Wala na siyang babalikan at masayang-masaya na ako ngayon kay Hilary. Three months ago na g bigla na lang siyang sumulpot sa harap ko at humihingi ng pangalawang pagkakataon. Of course hindi ko siya pinagbigyan at sinabi ko rin sa kaniya na may girlfriend na ako ngayon at nagmamahalin kami. Umalis lang siya sa harap ko but after that hindi naman siya tumigil sa pangungulit sa'kin lalo na noong nasa America ako. Ginawa ko na lahat para maitaboy lang siya pero kahit anong gawin ko ay sige pa rin siya. Hindi ko na sinabi pa kay Hilary ang tungkol dito dahil ayoko siyang bigyan ng kahit anong dahilan para pagdudahan ang nararamdaman ko para sa kaniya. Isa pa ni gahibla ng buhok ay wala na akong nararamdaman para kay Cassandra. Tanging galit na lang ang meron ako para sa kaniya. Bahala siya sa buhay niya, basta ako wala na akong pakialam kahit magbigti pa siya.

Hilary JoyceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon