Chapter 12 - Favor

636 21 0
                                        

Chapter 12 - favor

Sebastian

Hanggang ngayon lumilipad pa rin ang isip ko hindi dahil sa pagkakamalikmata ko kahapon kun'di dahil sa pagtawag ni mommy kagabi.
Bakit ba bigla-bigla na lang siya kung magdesisyon. I have no choice but to do something about it or else magkandaletse-letse ang buhay ko.

"My Gosh! Sinong masuwerteng schoolmate naman kaya natin ang sinusundo niya?"

"Grabe kung sino man siya naka-jackpot siya kay kuya!"

"Oo nga, guwapo na yummy pa!"

Iyan ang usapan ng bawat babaeng lumalabas dito sa gate. Nandito ako sa school ni Hilary at since all girl school nga ito kaya sa labas ko na lang siya inantay. Friday ngayon at wala namang pasok. Pumunta lang siya rito para sa project ng club nila. Maya-maya pa natanaw ko na siya palabas. Her brows wrinkled the moment she saw me.

"Briner? Anong ginagawa mo rito?"

Nagtataka niyang tanong sa'kin.

"Hilary, can I ask you a favor?"

Bakas lalo ang pagtataka sa mukha niya pero maya-maya lang din ay ngumiti siya. Dapat kasi kaninang umaga ko pa ito sasabihin sa kaniya kaso paggising ko ng quarter to six am wala na siya. She just texted me that she'll come back at eight am from her school.

"Okay, kahit ano, basta ba kaya ko eh."

Thank God.

"Hilary, kailangan mong bumaba ng kotse. Paano ka makikita nina mommy kung nariyan ka lang sa loob?"

We're now here in Laguna and yes we're about to see my parents, bakit?

Flashback

"Hello, Mom?"

Gabing gabi na tumatawag pa. What's with her this time?

"Basty anak! May sasabihin sana ang mommy."

Oo, Basty ang tawag nila sa akin ni dad. It's sounds irritating all the time.

"Ano naman po iyon at hindi niyo na napagpabukas pa? It's already 12 midnight mom kung hindi niyo po naitatanong."

Ewan. Para akong kinakabahan. Pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda.

"Kasi anak..."

Okay, bitinin daw ba.

"Ano nga iyon mom. Go straight to the point please."

Hilary JoyceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon