Chapter 32 - To know that

557 16 3
                                        

Chapter 32 - To know that

Sebastian

"Ano ba'ng laman nitong bag mo, buko? Daig ko pa ang nagbubuhat ng isang sako ng niyog alam mo ba iyon!"

Umaakyat kami ngayon ng bundok. May target place kasi at kailangang nature friendly ang buong background ng sunod na commercial at magazine ni Joyce at dahil mas gusto ng tao ng makatotohanang anggulo kaysa sa computer graphics lang kaya kinailangan pa talagang gawin namin ito.

Kung tatanungin niyo kung ano nang estado ko ngayon, dalawang buwan na akong alalay ni Joyce!

Sa dalawang buwan na iyon, aba't ramdam na ramdam niya lang naman ang pagiging amo niya kuno.

Wala siyang ginawa kun'di utusan ako ng utusan. Kesyo ibili mo ako nito, ibili mo ako niyan. Ikuha mo ako nito, ikuha mo ako niyan. Dalhin mo ito, dalhin mo iyan. Daig ko pa ang all around maid sa dami ng mga pinagagawa niya. Kulang na lang utusan niya akong pakainin siya, paliguan at palitan ng damit!

Flashback

SCENE #1

"Hoy Saavedra, ibili mo nga ako ng pandesal. Samahan mo na rin ng dairy cream at pancake."

Seriously?

"Hoy Joyce! Alam mo ba kung ano iyang inuutos mo sa'kin ha? Palubog na ang araw, saan mo ko paghahanapin ng pandesal at pancake mo!"

Kung anu-ano na lang kasing naiisip niya. Tsk.

"I don't care kahit libutin mo pa ang buong Pilipinas basta ihanap mo ako ng pandesal at pancake!"

SCENE #2

"Hoy Joyce! Anong oras mo planong lumabas diyan ha? Kailangan na iyang pagmumukha mo para sa magazine! Sinong gusto mong magmodel doon ha, iyong photograher!"

Mag-iisang oras na kasi simula ng magpaalam siya na magre-restroom pero isang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin siya bumabalik!

"Lalabas ka ba o lalabas?"

Kinalabog ko ng malakas ang pinto ng banyo.

Hilary JoyceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon